Pagkarating ko sa apartment ko, boses agad ni Psyche ang naririnig ko mukhang nagkakatuwaan sila ni Martha.
"Mommy!" nang biglang makita ako nito, tumakbo naman siya at hinagkan ako may binti ko.
"HeY! Hindi naman halatang namiss mo masyado si mommy noh!" natutuwang sabi ko.
"Mommy, puntahan po natin si Eros mukha po kasing malungkot uli siya doon." Nag-aalalang sabi niya, napakunot naman ako sa sinabi nito.
"Huh! Di ba nandoon naman ang daddy bakit malulungkot siya?."
"Eh! Kasi miss ka na rin nun. Ilang weeks na tayong hindi dumadalaw doon. Sabi mo kasi parati kang busy, kaya hindi mo na siya maharap po." Naguilty naman ako sa sinabi niya dahil totoo yun lately kasi busy kami pero ang totoo rin hindi ko pa talaga maharap si Logan natatakot ako kaya gumagawa ako nang way para hindi kami magkita tumatawag siya pero casual lang ako sumasagot. Alam ko kasing kapag sumama si Eros may tendency rin na sasama rin siya. Alam kong gumagawa ng way ang mga bata na magkabutihan kami kahit paapano pero but I think it's not a good idea dahil sila pa mismo ang gumagawa nang paraan para saamin. Pero ngayon naguguilty ako dahil pinagkakaiit ko na rin na mapalapit nga saakin si Eros.
"Alright, Pack your belongings because we're going to surprise them there." excited na sabi ko. Pero ang totoo niyan kinakabahan ako sa pagkikita namin.
"Yehey!!" tinulungan naman siya ni Martha na magdala nang mga damit dahil balak sana naming magsleep over doon. Pagkarating namin sa unit nila Logan nagdoorbell na lang ako pinagbuksan naman kami nang kasambahay niya. Tinuro lang nito kung nasan sila kaya pumunta na kami ni Psyche pero mali ang nadatnan ko dahil umiiyak si Eros at mukhang pinapagalitan siya nang daddy niya parang biglang nag-init ang ulo ko sa nakita ko dahil mukhang may balak pa itong pagbuhatan nang kamay ang bata.
"Logan! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Galit na sabi ko, napukaw naman ako nito at biglang ibinaba ang kamay lumapit ako kay Eros at binuhat siya hindi ko ininda ang bigat niya at pinapatahan siya.
"Ano bang ginawa sayo nung bata at may balak ka pang pagbuhatan siya ng kamay?" Naiinis na sabi ko. Wala namang itong sinabi at tumalikod na saamin pero nang may madaanan itong gamit saka niya ito pinagbuntungan ng galit nagulat naman kami sa ginawa niya pero hindi na lang ako umimik pa. Nakita kong umalis siya dahil binalibag rin nito ang pinto. Napansin kong umiiyak na rin si Psyche sa tabi ko halatang natakot rin sa nangyari. Hindi na ako nagdalawang isip pa kumuha ako nang mga damit ni Eros at nilagay iyon sa isang malaking bag. Kung ayaw niyang alagaan ang bata ako nang mag-aalaga sa kanila.
"Paki sabi na lang kay Logan pagdumating kinuha ko na ang mga bata. Kung ayaw niyang alagaan ang anak niya sana matagal niya nang sinasabi saakin, hindi ganitong sasaktan pa niya ang bata." Turan ko sa kasambahay nila tumango naman ito alam kong tagalinis lang yun dito at hindi siya tagaalaga ni Eros.
.....................................................................................................................................
"Sorry po mommy." Biglang sabi ni Eros saakin. Nasa apartment na kami at pinapatulog na sila hindi na ako nakapagtanong kanina kung anong napag-ugatan ng nangyari kanina.
"Bakit ka nagsosorry? Wala kang kasalanan okay." Hinaplos ko ang buhok nito at inayos ang kumot nilang magkapatid.
"Kasi po nang dahil saakin nag-aaway nanaman po kayo ni Daddy." Inosenteng sabi niya. Para bang may alam na sila sa mga nangyayari sa paligid nila kahit mga tatlong taong gulang pa lamang sila.
"Hindi mo kasalanan yun. May hindi lang pagkakaintindihan si mommy at daddy. Wag mo nang aalalahin pa yun. Ikaw talaga parang matanda ka na kung mag-isip."
"Kasi po kaya lang po nagalit saakin si daddy dahil pinipilit ko po siyang puntahan namin kayo. Kaso ayaw niya pong pumayag. Ayaw ko rin pong kumain kaya lalo po siyang nagalit saakin." Naiiyak na sabi niya niyakap ko naman lang ito.
"Shhhh. Tama na, wag mo na ulit gagawin yun ha. Mag-aalala rin ako pag nagkataon." Hinayaan ko na silang makatulog na dalawa. Nang alam kong mahimbing na ang tulog nila saka naman ako lumabas ng kwarto nila. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Partly, naiintindihan ko rin ang side ni Logan siguro nga hindi talaga kami handa para sa mga ganitong bagay. Marami kailangang initindihin, hindi namin mapagsabay ang mga kailangan naming gawin. Alam kong hindi niya rin naienjoy ang pagkabinata niya dahil meron pa siyang iisiping anak. Hays! Ang hirap maging magulang lalo na at napaaga pa. pero wala nang atrasan pa to, nandito na wala nang magagawa pa kailangan panindigan na. kaya ko kayang mag-isang palakihin na ang mga ito?
Papasok na ako nang kwarto ko nang may narinig akong nagdoorbell. Akala ko ay nagkamali lang ako ng rinig pero naulit muli kaya lumabas na ako para tignan kong sino.
"Gabi na, pwedeng ipagpabukas mo na lang ang pagpunta rito." Seryosong sabi ko. Halatang problemado naman ang mukha nito pero hindi ko ipinahalatang kahit papaano nag-aalala rin ako para sakanya.
"I just want to see Eros kung okay lang ba siya. Hindi ko intesyon yung nangyari kanina, I'm sorry." Sincere na sabi nito. Mukhang totoo naman ang sinabi niya alam kong wala siyang alam sa pag-aalalaga nang bata lalo pa at ilang months palang namin alam na may anak kami.
"Okay na siya ngayon. Bukas na lang tayo mag-usap pagod na rin ako at alam kong ganun ka rin. Magpahinga muna tayo dahil baka pag ngayon tayo nag-usap na dalawa walang patutunguhan ang pag-uusapan natin dahil sa ngayon sarado ang isip ko." Tumango naman ito at hinintay ko siyang umalis nang makitang nakaalis na ito saka ako muling pumasok sa bahay. Hindi ko alam kong anong pwedeng mangyari sa pag-uusap namin pero kailangan isipin namin ang kapakanan ng mga bata.
To be continued...