“Bakit bumalik ka pa? Bakit kailangang agawin mo pa lahat ng gusto ko?” Napatingin si Yohan sa kapatid ng makita nito ang malamig nitong pakikitungo sakanya. Hindi na lamang niya ito pinatulan dahil ayaw pa niyang lumalala ang away nila at mukhang nakainom rin ito. Inayos nito ang mga gamit para makaalis na sa unit nilang magkapatid. Matagal ng hindi maayos ang pagsasama nila ng magmula ng mamatay ang kanilang ina na siya ang sinisisi nito sa pagkamatay. “Huwag kang mag-aalala aalis na rin naman ako.” Mahinahong sambit nito. “Sana hindi ka na lang bumalik. Ikaw nanaman ang dahilan kung bakit gumulo na naman ang buhay ko.” Nanggagalaiting sambat ng kambal. “Hindi ko kasalanan kung bakit naging miserable ang buhay mo. Huwag mong isisi saakin lahat ng kag*g*han mo.” Hindi na nakapagtimpi p

