“Logan, Napatawag ka?” kasalukuyang may tinatapos akong project namin ng tumawag si Logan. Hindi ko na sana papansinin ng makailang beses na itong tumatawag. Hanggang ngayon mula noong mas pinili kong makipag kita kay Yohan hindi na kami muling nagkikita pa ni Logan kahit madalas itong nagmemessage inaamin kong naguguilty rin ako sa nangyari. Kahit hindi ako nangako sakanya may parte saaking naguilty. “This not Logan, it’s me.” Napatigil pa ako ng sandali ng malamang iba ang sumagot. I know who she is. Hindi ko inaasahan siya ang makakausap ko “Pwede bang pumunta ka ngayon dito sa unit ni Logan?” tama bang rinig ko na kinakausap niya ako in a nice way pa. Tama bang si Lucy itong kausap ko? “May nangyari ba sakanya?” hindi ko na lang pinansin ang pakikitungo niya saakin, “Saka ko na

