LIVES OF BEING MARRIED CHAPTER 1

1043 Words
Author’s Note: Martyr po ang bidang babae dito. Dominante naman ang bidang lalake. Mapanakit din po ang kwentong ito. Super SPG din po. Kung ayaw n’yo ng ganitong kwento. Iba na lang ang basahin ninyo. But please, Respect. Story lang po ito. Revised version din po ito. Cathy's POV Naalimpungatan ako sa kasarapan ng tulog. Hating-gabi na pero wala pa sa tabi ko ang aking asawa. Kaya nagpasya akong lumabas at pumunta ng kusina. Napansin ko ang nakasinding ilaw sa library ni Kean. "Naku! masyadong workaholic di na lang magpahinga at ipagpabukas na lang ang trabaho," kausap ko sa sarili. Kaya naisipan ko siyang silipin. "Teka, may kausap ba siya sa telepono?" Pabulong kong sila’y mag-usap at may kaunting kilig pa kung siya’y magsalita. Hindi naman ako sigurado, baka nagkamali lamang ako. Kaya nagpasya akong lumapit sa kanya ng dahan-dahan at balak siyang surpresahin ang kaso nga’y may natabig ako kaya naglikha ng ingay. "Hmmp!" "Honey, ginulat mo naman ako," sabi n'ya. "Ano ba kasi ginagawa mo dito at di ka na lang umakyat ng kwarto?" tanong ko. "Paakyat na sana ako honey, may binilin lang ako sa secretary ko. May tinatapos kaming project. Tara na akyat na tayo." Hinila na niya ang aking kamay at umakyat na nga kami sa kwarto. Nakahinga ako ng maluwag. Wala namang pa lang kahina-hinala. Lagi naman siyang ganyan puro trabaho. Mag-iisang taon na kaming kasal ni Kean, pero hanggang ngayon di pa rin kami biniyayaan ng anak. Kaya kung anu-anong naririnig ko sa biyenan kong babae. Alam ko naman mula pa noon tutol na siya sa relasyon namin ng anak niya. Pero pinaglaban ako ni Kean sa pamilya n'ya kaya laking pasasalamat ko na lang talaga. Simula nang kinasal kami, pinatigil na n'ya ako magtrabaho para daw siya na lang asikasuhin ko. Isa akong manager sa isang 5-star Hotel. Mahal ko ang trabaho ko, pero dahil ayaw ng asawa ko, kaya napilitan akong mag-resigned. Gano'n ko siya ka mahal, na kahit sarili kong pangarap tinalikuran ko. Pero nitong mga nagdaang buwan, parang may nag-iba sa asawa ko or siguro I'm just being paranoid lang. Hindi ako sigurado pero parang may mali. Dati-rati kasi maaga siya kung umuwi galing trabaho. Araw-araw rin siyang tumatawag sa ‘kin, ayaw niyang nauuna akong kumain kaya hinihintay ko siya para sabay kami mag-dinner maaga, naman kasi siya nauwi ng bahay. Sa mga unang buwan ng kasal namin ay naging sobrang masaya ang pagsasama namin ni Kean. Isa lang talaga ang kulang 'yon ay ang mabigyan ko siya ng anak. Nagpapa-checkup naman ako regularly, ang sabi ng OB ko, may polycystic ovaries daw ako. Hindi regular ang period ko kaya nagkaka problema sa cycle. Ilang beses na naming sinubukan. Kung saan-saan kami nagpapatingin pero wala naman sila makitang problema. Kaya nagtataka talaga kaming mag-asawa. Sa sobrang frustration namin ay umabot pa nga kami sa hilot. Ang sabi naman ng manghihilot, mababa lang daw ang matris ko so nagpahilot ako. At pagdating naman sa kama ay lahat na lang ng klase nang posisyon sa kama ay nagawa na namin pero at the end of the month negative pa rin. Hanggang sa napagod na lang kami. Kaya simula n’on parang may nagbago na sa asawa ko. Hindi ko siya masisisi. Tinuon n'ya ang oras n'ya sa trabaho. Minsan nagtatampo na lang ako, wala na siyang oras sa akin. Maaga umalis at gabi na kung dumating. At kung minsan maaga naman dumating pero dederetso sa Library. Kesyo may tatapusin. Gaya ngayon. Hating gabi na pero kung di ako bumaba ‘di ko malalaman na dumating na pala siya. Feeling ko tuloy wala na ang dating Kean na minahal ko. Iba na siya. *** Hindi ako mapakali habang hinihintay ko siya mula sa banyo. Nakahiga na ako ngayon sa kama. Mag-three weeks na rin simula 'nung huling siping namin. Hindi naman sa gustong-gusto ko, pero nakakapagtaka lang talaga. Ang alam ko ilang araw lang ang kaya niyang tiisin na walang s3x. Naalala ko pa nga nang bagong kasal kami. Araw-araw sa loob ng ilang buwan kung magsiping kami. Asawa ko na naman siya kaya normal lang 'yon. Pero ngayon di ako mapalagay, bakit parang di siya nag-eeffort? Pagdating niya tulog agad pagod na pagod daw siya. Ako naman nakakatulugan ko na ang paghihintay sa kanya. Naalala ko pa sinabi ng bestfriend kong si Adah, na kapag ka raw ang lalaki na mahilig dati tapos bigla na lang naging cold sayo? naku! Inday may ibang pinaputukan ‘yan. ‘Yon ang sabi nya, Simula 'non parang di na ako mapakali. Paano kung tama siya, pero hindi eh, hindi n'ya magagawa sa akin 'yon. Kaya ngayong gabi ako na ang gagawa ng move. Aakitin ko siya, siguro naman wala namang masama kasi asawa ko naman siya. Maya-maya ay narinig ko na ang pagpatay niya ng tubig sa banyo, hudyat 'yon na tapos na siya. Ako naman, kunwari nakatalikod ako na medyo angat ang nighties ko para kita n'ya ang makinis kong kutis. Naramdaman kung lumubog ang kabilang side ng kama namin. Kaya ang ginawa ko’y humarap ako sa kanya para kita niya ang cleavage ko. Pinapakiramdaman ko siya kung may gagawin ba. Pero ilang minuto na ang lumipas wala pa rin. Kaya ang ginawa ko, sumandal ako sa dibdib n'ya para dumikit ang katawan ko sa matipunong dibdib nito at dumilat unti-unti. "Honey, 'bat gising ka kpa?" tanong ko. Hindi ako nagpahalata na hinihintay ko siya "Honey, ito nga inaantok na," sagot niya. Sunod na ginawa ko’y hinawakan ko ang dibdib n'ya at inaamoy ang leeg nito. Pinagapang ko ang kamay ko sa dibdib n'ya papunta sa pagitan ng hita niya, pero di pa man ako nakakarating 'don ay pinigilan na niya ako agad. "Honey, not now I'm exhausted. Maaga pa ako bukas," sabi niya. Gusto kong lumubog sa kahihiyan, ngayon ko lamang ito ginawa pero napahiya pa ako. Wala ng epekto ang beauty ko dahil tinanggihan niya ako. Tumalikod na lang ako at hindi na nagsalita pa. Nakapikit na rin naman siya kaya hindi na niya makikita na unti-unting may tumulong luha sa mga mata ko. Bakit gano'n? Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil sa naudlot naming ng pag-iisang katawan pero parang may iba. Alam ko nararamdaman ko. Pero sana, mali lang ako. Sana, sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD