Chapter 2

1332 Words
Catherine POV Napabalikwas ako ng pag bangon kinabukasan nang magising ako tumatama na kasi ang araw sa aking paanan marahil hindi ko ito naisara kagabi. Kinapa ko ang orasan sa may side table, pag tingin ko 7:20 na pala kaya napa talon ako ng tayo. Tiningnan ang katabi ko,wala na pala siya,alam ko 8 am pa ang pasok n'ya. Kaya nagpasya akong maligo saglit lang iyun nagbabaka sakali na ma abutan ko pa ang asawa ko sa baba.Nagbihis ako ng simpleng dress lang below the knee na mint green ang kulay. nag-powder at kunting pahid sa aking labi ng lip gloss. Nasa hagdanan palang ako. dinig ko na ang boses ng asawa ko.. " Hay salamat at nandito pa siya ",, sabi ko, kaya nagmadali akong pumunta ng dining, pero teka lang may kasama yata siya boses ng babae at dinig ko ang tawanan nila ni Kean.Ngayon ko nalang kasi siya narinig na tumawa ng ganyan. " Hi good morning Honey sorry na late ako ng gising ,sana ginising mo ako " sabay halik sa pisngi n'ya, di kuna pinansin ang presensya ng kasama niya and to be exact parang ngayon ko lang nakita ang babaeng kasama niya, base sa tawanan nila mukha silang matagal nang magkakilala. "Good morning honey__ by the way this is Miss Simpson may secretary and my kababata way back in Bohol before we migrate in Canada. Bianca this is my wife Catherine " pakilala nito sa akin, naka ramdam agad ako ng selos pero hindi ko pinahalata, hindi man lang niya kasi na kwento sa akin na may kababata pala siyang babae. Pa simpli kong tinitigan ang mukha ni Bianca, maganda siya mestisa, kutis pa lang halatang mayaman na,nginitian ko siya bago hinarap. " Hi Ma'am Catherine, I am Bianca Simpson. Secretary s***h friend ng asawa mo. it's so pleasure to to meet you, finally " naka ngiti niyang pagpapakilala sa akin, bakit parang may ibang ibig sabihin ng finally n'ya, nag iba kasi ang kanyang aura, o baka namamalik mata lang ako. " My pleasure is mine, nagkakasiyahan yata kayong dalawa, ano bang meron hon,? " sabay upo ko sa tabi ni Kean habang ang mga mata ay naka titig sa kanya. Aaminin ko lalong tumindi ang naramdaman kong selos sa kanya, naka ramdam ako bigla ng insecurities,ang saya-saya kasi nila na parang aakalain mong sila ang mag asawa at ako lang ang salimpusa, lalo na kanina noong nagtatawanan sila, matagal ko nang hindi nakita sa kanya na ngitian ako ng gano'n samantala kay Bianca todo siya kong maka ngiti, isang ngiting tumagos sa puso ko at nag iwan ng kaunting sugat. "Ahh 'yun ba? wala lang nag-throwback memories lang kami nitong ni Ken-Ken, noong mga bata pa kami." sagot ni Bianca, hindi naman siya ang tinatanong ko dahil ang mga mata ko ay nasa aking asawa, Hindi kona sana papansin ang sinabi niya kaya lang na intriga ako sa binanggit nitong pangalan. " Ken-Ken? " binaling ko ang aking paningin kay Bianca habang naghihintay ng sagot niya kong sino nga ba si Ken-Ken, alam ko naman ang sagot pero gusto ko lamang madinig mismo sa bibig niya. "Si Kean__Noong mga bata kami may mga nicknames na binigay sa amin ng mga parents namin, siya si Ken-Ken at ako naman si Barbie, lagi kasi kami ang magka partner sa mga play sa School.kaya gano'n.diba Ken? " sabay kurot niya sa tagiliran ng asawa ko. Natulala ako sa ginawa ni Bianca at sa mga sinabi nito, akala ko kasi nasabi na lahat sa akin ng aking asawa ang mga nakaraan niya pero bakit hindi man lang niya nabanggit si Bianaca sa akin, kaya pala sobra silang malapit sa isat-isa. kasi they used to be a couple. Akala ko ay makakapag umpisa na ako kumain ng matiwasay ngunit na bigla ako sa ginawa ng aking asawa. Gumanti lang naman ng kiliti kay Bianca kaya ang ending para silang bagong kasal na nagkikilitian,ang saya nila at wala silang pakialam na naka tingin ako sa kanilang dalawa, parang nakalimutan nga nila na nandito ako sa harap nila. Tumikhim ako dahil parang sasabog na rin ang puso ko, hindi na ako naka tiis, hindi ko na lamang pinapahalata, baka ganyan lang talaga sila ka close na dalawa bilang magkaibigan. " Hmmp honey baka ma late ka? " biglang singit ko sa ka- swetan nilang dalawa, Parang tinutusok at dinudurog ang puso ko, nanghihina, bakit gano'n? hindi niya ako mabigyan genuine na ngiti? bakit pagdating kay Bianca totoo ang pinapakita at binibigay niyang ngiti? hindi pa rin ako nagpahalata na nasasaktan ako at selos na selos. " Holy s**t, I have a meeting at 9 am with the investors, right Bianca? " " OMG, I forgot, I'm sorry Sir." hinging paumanhin ni Bianca, kung ano-ano kasi inaatupag imbes na trabaho niya ang asikasuhin at intindihin. " If you're not my friend? Maybe I will fire you immediately, but you know I can't do that because of mommy? she might squeeze me " natatawa turan ng aking asawa. Tumayo na siya at lumapit sa akin. " Honey, we have to go " yon lamang ang kanyang sinabi sabay talikod at nagmadali ng lumabas ni hindi man lang niya akong nagawang tingnan at halikan gaya ng ginagawa niya noon. Nagpaalam din si Bianca at maya-maya pa ay umalis na ang sasakyan ng asawa ko kasama si Bianca. Naiwan naman akong tulala, iniisip ang mga nasaksihan ko, bakit ganoon parang iba? sobrang selos ang aking naramdaman, dapat sana hindi pero parang may mali ehh. At tama ba iyung narinig ko? si mommy ang nagpasok sa kanya at ginawang secretary nya? Wala ba siyang kakayahan mag desisyon sa kompanya niya? o ginusto rin niya? at take note halata naman na botong-boto si Mommy kay Bianca para kay Kean basi pa lang sa mga kwento ni Bianca. Sana mali ako. Nasa ganoong sitwasyon ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa, kaya dinukot ko agad iyun at tiningnan ang screen ng cellphone ko " Adah is calling " ,nakalagay.kaya sinagot ko agad ito. " Hello, oh bestfriend napatawag ka? ". sabi ko sa kabilang linya. " Hello friend, wow ha akala ko nakalimutan mona ako.my god Cathy, where have you been ba? Parang nasa ibang lupalop kana ng mundo. Di na kita ma reach talaga, kung busy ka sa work eh maintindihan ko na naman ang kaso hindi ehh..nandiyan kalang sa mansion n'yo, ginugugol mo ang boung oras mo d'yan,di kaba naiinip.?" mahabang sermon nito sa akin. "Ang dami mo namang sinabi friend, alamo naman ang sitwasyon ko diba? So intindihin mo nalang okay,huwag kana magtampo " lambing ko din sa aking kaibigan. " Fren. iyun na ngai naintindihan ko naman na kailangan sa bahay kalang kesyo gano'n, ganito, pero nakalimutan mo naba mga pangarap mo? diba nagsumikap ka na makapag tapos ng pag aaral para mai-ahon mo sa kahirapan ang pamilya mo? kailangan ba talaga tumigil ka sa pagtatrabaho? .Is it worth it to give up your dreams, dahil lang ayaw ng asawa mo? Masaya ka pa ba Fren? " Natigilan ako sa huling mga tanong ni Adah sa akin. Masaya pa nga ba ako.? Dati oo, masaya kami, pero ngayon parang ang layo na ni Kean, iba na siya. Paano ko ba to sasabihin sa kaibigan ko? " Best Oo naman I'm happy. really. About my dreams? siguro hahanap lang ako ng tyempo kay Kean, baka payagan din niya ako ulit mag trabaho." " Naku Best, ngayon kana mag paalam ,tamang-tama nag-resign na 'yung pumalit sa'yo dati sa posisyon. Kaya rin ako napatawag sa'yo kasi pinapatanung ni boss kung tatanggapin mo daw ba ulit ang posisyon na iyun?.Kasi good performance ka naman daw, sayang 'yon, pag-isipan mo.I'll give you 1 week to decide. sige I have to go.bye__muahh meet nalang tayo nextweek." " Sige Best, tatawagan na lang kita " Nakakapag isip ako,tutal wala naman ako ginagawa sa bahay baka payagan ako ni Kean na bumalik sa trabaho. Sana nga pumayag siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD