ROSALINDA Isang napakalaking mansion ang napasukan namin ni Señora Anafe pagkatapos makaraan sa nakakakilabot na lugar. Kumikintab sa ginto ang paligid at wala akong makitang bagay na naiiba ang kulay bukod sa ginto. Nalulungkot ako sa nakita ko. Sa daming bagay na dapat baguhin sa sistema ng gobyerno ay ito siya at nagpapakasasa sa masagana niyang buhay. Paano napapayag ng taong ito ang kontrolin ang napakadaming tao? Mas'yado yata akong nalibang sa pagtingin sa paligid kaya hindi ko na namalayan na wala na pala si Señora Anafe sa tabi ko. Niyapos ko ang aking sarili at humanda sa ano mang maaaring mangyari. Hindi ko alam ay baka rito pala nakatira ang lahat ng nasilayan ko sa elevator. Umatras ako ng isang hakbang nang makarinig ako ng yabag mula sa itaas ng mansion na kinalalagy

