ROSALINDA Umiiyak na ko habang nagpupumiglas pa rin sa kaniya. Hanggang sa naramdaman ko na biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Dinilat ko ang aking mata at nagtaka ako nang makitang bumagsak siya bigla sa sahig. "Rosalinda, ayos ka lang?" Pakiramdam ko ay natanggal ang libo-libong tinik sa dibdib ko nang makita ko si Denny na nakatayo sa likuran ni Tan na mukhang wala ng malay. Kasama ni Denny si Sierge at sabay silang lumapit sa akin. Hinawakan ni Denny ang nanginginig kong kamay at inayos niya ang nagusot kong damit na gawa ni Tan. "Pasensiya na kung ngayon lang kami, Rosalinda." Yumuko si Denny habang tinutulungan akong makatayo. "Sina Andrei at Eazel, nasaan sila?" Hindi sumagot sa akin si Denny. Tumingin ako sa direksiyon ni Sierge ngunit nag-iwas lang siya ng

