ROSALINDA "Ang ibig kong sabihin, akala ko ikaw ang dahilan kung bakit nahuli tayo ng mga guwardiya civil pero hindi pala." Natigilan ako sa sinabi ni JR. Hindi ko akalain na pareho pala kami ng iniisip nang panahon na 'yon. "Me too. Akala ko ikaw ang traydor sa grupo." Kahit papaano ay gumaan ang kalooban ko dahil nasabi ko na rin kay JR ang bagay na 'to. Gumaan ang loob ko dahil nalaman ko na hindi siya ang klase ng tao na iniisip ko noon. Hindi ko namalayang napangiti na pala ko, pero agad din iyong naglaho nang maalala ko ang sugat sa mukha at katawan ni JR. "Saan galing 'yan?" Tinuro ko ang mga sugat niya sabay lingon sa harapan namin. Gusto kong libangin ang sarili ko upang mawala ang takot na nararamdaman ko. Sa buong buhay ko ay hindi pa ko nakasakay sa isang track na ma

