ROSALINDA "Sa aking panimula, nais kong sabihin sa iyo na hindi totoo na nawalan ako ng alaala. Ang totoo n'yan ay marami talaga kong bagay na hindi alam sa mundo n'yo at 'yon ay dahil hindi ako taga-rito sa mundong ito, sa panahon na ito. Ako ay naiiba sa lahat, Ginoong Eduard." Huminto muna ako sa pagsasalita at tumingin sa kaniya upang makita ang kaniyang reaksiyon sa sinabi ko. Katulad ng inaasahan ko ay nagsalubong ang dalawang kilay ni Eduard sa sinabi ko at naguluhan sa aking pinaliwanag. "Paumanhin, Binibini ngunit hindi ko maunawaan ang iyong tinuran. Maari mo bang ipaliwanag sa akin ito ng mas malinaw?" Tumango ako sa kaniya at pinagpatuloy ang aking pagsasalita. "Ginoo, hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Ako. . . Ako si Rosalinda Delfin ay nagmula ako

