ROSALINDA Ang bawat tao sa mundo ay may kakayahang gumawa ng sariling kuwento ng kanilang buhay at gawin kung anong uri ng kuwento ang nais nila, pero kahit sino ay hindi malalaman ang istoryang kahihinatnan ng kanilang buhay. Kaya hindi lang dapat tayo puro expectation. Matuto rin tayong tanggapin ng maluwag sa dibdib ang kinahinatnan ng ating istorya at magpatuloy sa hinaharap habang may buhay pa. Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa aking balikat ng kung sino. Nang imulat ko ang aking mata ay tumambad sa akin ang pagmumukha ni Eduard. Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa gulat at bahagyang lumayo sa kaniya ngunit sa aking paglayo ay naalala ko na nasa sanga lang pala kami ng puno natulog kaya nawalan ako ng balanse at muntikan nang malaglag kung hindi lang ako nayakap pabali

