ROSALINDA Pareho kaming tumigil sa paglalakad. Humarap ako sa kay Eduard na may mga luha ng namuo sa aking mga mata. "Ginoong Eduard." Napaupo na ko sa sahig nang mapaupo si Eduard. Niyakap ko siya ng nanginginig ang mga kamay ko, pero binitiwan ko rin siya agad nang makita ang dugo na lumalabas sa kaniyang bibig. Nilingon ko ang aking kamay na may bahid ng dugo dahil sa paghawak sa kaniyang likuran na timaan ng bala. Sa likod niya kung saan nakasentro ang kaniyang puso. "Eduard." Muli akong napaluha nang makita ang pagngiti ni Eduard sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pa siya ngumingiti kahit na may tama na siya ng bala, pero hindi ko magawa. Gustuhin ko man magsalita habang pinagmamasdan siya ay parang may nakabara na sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita ng maayos.

