KABANATA 31

1088 Words

ROSALINDA Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa loob na ko ng isang kotse. Isang hindi pang-karaniwang sasakyan. Well, kailan ba lumipad ang isang kotse? Ang nagmamaneho nito ay si Sierge at katabi niya sa passenger seat si JR. Nasa backseat ako nakaupo kasama sina Denny, Eazel, at Andrei. Kung paano kami nagkasiya? 'Yon ang hindi ko alam. "Rosalinda, gising ka na pala?" nakangiting bungad sa akin ni Andrei. Hindi ako tumugon sa kaniya dahil sinusubukan ko pang ibalik sa aking alaala ang mga nangyari bago ako mapunta sa sinasakyan namin ngayon. Pagkalipas ng ilang sandali ay napahawak ako sa aking bibig nang bumalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari. Hindi tunay na tao si Eduard at. . . wala na siya ngayon sa mundong ito. Lumuluha akong tumingin sa direksiyon ni Andrei.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD