MAGANDA ang mood ni Lauren sa unang araw niya sa kanyang trabaho sa opisina ni Kori. Hindi na siya nagtaka na mayroong sariling clothing line ang nobya ni Brett. Kori din ang pangalan ng store nito. It was an expensive shop. She has shoes, bags, clothes, which are popular with women, especially to the elites. Naglalaro sa one thousand pataas ang presyo ng simpleng blusa ng store. Sa mga babaeng katulad nila ni Kori, hindi mahalaga ang presyo ng kasuotan. Kailangan isigaw ng kanilang katawan ang salitang expensive sa pamamagitan lang ng pagsuot sa mga signature dresses. Ganoon siya noon, ngunit hindi na ngayon. Kori is wealthy. Lauren won’t be surprised if she opens her own store. May sarili itong gusali sa Guadalupe. Two-story building; ang ibaba ay ang main branch nito at ang ikalaw

