HALF BROTHER? Hindi makapaniwala si Lauren na may kapatid sa labas si Finn. Does his mother know about it? Lumarawan ang sakit sa mukha ng lalaki. Tumayo si Lauren at saka nilapitan ito na kasalukuyang mainit ang ulo. “Are you okay?” Nagbuga ng marahas na hangin si Finn para pawiin ang pagkainis. “I’m sorry. Hindi kasi maganda ang naging pag-uusap namin kanina. As you can see, hindi ko gusto ang paglitaw niya rito sa opisina.” Kinuha ni Lauren ang baso nito sa malapad na mesa at nagsalin ng tubig sa water dispenser. Inabot niya iyon kay Finn. Ramdam niya kasi ang pagkabahala rito. Nabigla din siya na may kapatid ito sa labas. Unti-unti nang lumuwag ang kanina pang nakakuyom na kamay ng lalaki matapos nitong maubos ang tubig. “Alam ba ito ng mommy mo?” Tumango si Finn. “But Faye d

