MANILA, PHILIPPINES May dalawang araw na si Lauren at Finn na nakabalik sa bansa. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Heto na nga siya at kasama ang lalaki sa condo kung saan ito nakatira habang inaayos ang kanilang tirahan sa Magallanes. Luma na ang bahay na nabili ng kanyang mga biyenan. Kailangan iyon i-renovate at ayusin bago sila tuluyan na makalipat. Hinayaan ni Finn sa kanya ang desisyon na siya ang mag-asikaso sa interior. She will be the one who will look for their things. Sa tingin niya ay mag-e-enjoy siya sa bagay na iyon. “I’m going. If you need something, let me know,” wika nito sa kanya habang sinusuot nang maayos ang kurbata. “You don’t have to worry. Magkikita kami ni Kael ngayong araw. Manonood kami ng game ni Brett mamayang hapon sa Araneta.” Natigilan ito nang sagli

