KUMAKABOG ang dibdib ni Lauren habang naroon sa comfort room sa loob ng kanilang hotel suite. She was now Finn's wife. Whatever happens between them tonight is unavoidable. She must perform her job as his wife. Hindi pa naman biro ang ginastos nito para sa kanya. Sa loob ng ilang araw, nasanay na siya na nakaharap sa bintana habang naroon ito sa kanyang likuran; kahit sa kanyang apartment sa New York o kaya naman ay doon sa hotel. Hindi sila gumawa ng hakbang na mas abante pa sa palitan ng halik. Nakagat niya ang ibabang labi. Hinilamusan niya ang kanyang mukha. Nag-toothbrush bago lumabas ng palikuran. Nakapagpalit na siya ng simpleng bestida. Finn was standing on the balcony when she came out of the bathroom. He was holding a glass of wine. Kung tutuusin ay alas otso pa lang ng gabi.

