LAUREN was looking at the check from Finn. Halos manlabo o kaya naman ay maduling na ang kanyang mata sa kababasa sa nakasulat na mga numero roon. Ganito kasama ang lalaki, kaya nitong bayaran kahit ang presensiya niya. She hid it inside her jewelry box. Kinando niya iyon sa drawer bago siya nagpunta sa tabi ng bintana at niyakap ang kanyang mga binti. Sa ngayon ay ayaw niyang gamitin ang perang ibinigay ni Finn dahil sa simpleng dahilan—ayaw ng kalooban niya na iyon na ang huling araw ng kanilang pagkikita. Ayaw niyang patunayan dito na mukha siyang pera. Mababayaran niya ang thirty million kung bibigyan siya ng limang hanggang sampung taon na palugit. Magpapakakuba siya hanggang sa makaipon ng ganito kalaking pera, ngunit ang dignidad niya na tinapak-tapakan ni Finn ay hindi na niya ma

