BUMALIK si Lauren sa trabaho kinabukasan matapos nilang makabalik ni Finn sa Pilipinas. Nais niya sanang magpahinga sa araw na iyon, ngunit kailangan niyang makipagtransaksiyon kay Josiah. Kailangan niyang suriin ang natapos na nitong trabaho sa loob ng isang linggo. “Hello, Mildred! Anong oras ang dating ni Boss Kori?” tanong ni Lauren sa assistant ng babae. Napangiwi ito. “Hindi makapapasok si Boss. Ikalawang araw na nga ngayon kaya maaga akong pumasok. Ang totoo, nagkaroon ng isyu si Sir Brett. Laman sila ngayon sa social media.” Kumunot ang kanyang noo. Alam ng babae na kaibigan niya si Brett. Nagkataon lang na hindi maasim ang pakikitungo nito sa kanya dahil sadyang mabait siya rito. “Kababalik ko lang kasi, wala pa akong ideya.” Bumahid ang pagkainis sa mukha nito. “Haay! Kasal

