“BOBBY, I heard Lauren needed money.” Finn stopped from his tracks after hearing this statement from his batchmate.
Naroon siya sa labas ng venue kung saan ginaganap ang kanilang reunion, naninigarilyo. Hindi niya maiwasan na pakalmahin ang sarili matapos makita si Lauren na hindi niya nakita sa loob ng anim na taon. Tila mas nadagdagan ang mga batong nakabibigat sa kanyang pakiramdam sa pagbabalik nito. Humithit muli siya mula roon na para bang tutulungan siya nito na kalimutan ang nakaraan.
“Really?” Bobby said.
“Yes! Man, she’s even prettier than before! She gives me a boner!”
Pinitik ni Finn ang sigarilyo at matalim na tiningnan ang lalaki—kung sino man ito. Tumama iyon sa kasuotan nito. Kahit papaano ay ex-fiancée niya ang dalaga at may malalim sila nitong ugnayan. Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa.
“Sh*t!” mahinang usal ng lalaki. Tila ito binuhusan ng malamig na tubig nang makita siya.
Nagbabanta ang kanyang mga paningin. Nagrolyo ang lalamunan nito na para bang isang usa na hindi alam kung saan pupunta matapos harapin ang tigreng tulad niya. The man named Bobby kept his silence.
Isang mapanuring tingin din ang ibinigay niya rito bago tinungo ang entrance pabalik sa pagtitipon. Eksakto naman ang pagbaba ni Brett Herrero—ang kaibigan ni Lauren at nobyo ng kanyang kaibigang si Kori—mula sa sasakyan nito.
“Have you seen Lauren?” malamig na tanong nito sa kanya.
Bahagya siyang umismid at saka ibinalik ang tanong. “Do I look like I care for her?”
Tumuloy ito sa pagpasok sa loob ng venue. Tila mga patalim ang kanyang mata na nakatingin sa likuran nito. He will never like this bastard.
“Brett!” tawag niya sa pangalan ng lalaki.
Huminto ito saglit ngunit hindi ito lumingon sa kanya.
“Binalaan kita noon na huwag mong sasaktan si Kori!”
Noon ito lumingon sa kanya. “Ha! Coming from a person who ruined my best friend’s life? Huwag mo akong patawanin!”
Tumuloy ito sa pagpasok sa loob. Kating-kati na siyang turuan ito ng leksiyon kung hindi lang siya nag-aalala sa kanyang kaibigang si Kori na nobya nito. Sumunod siya sa pagpasok sa lalaki.
Samantala, inikot naman ng paningin ni Brett ang kabuuan ng venue. He was looking for Lauren’s figure. Ayaw niyang payagan ang kaibigan na pumunta rito sa pagtitipon dahil nag-aalala siya na baka may gawin si Kori. He was doing anything to help his best friend, but Lauren instead chooses to ask for someone’s help.
“Brett!” Lumapit sa kanya si Kori na nagmula sa palikuran, maaliwalas ang mukha nito.
“Kori.” Bahagya siyang napangiwi matapos itong makita. Inaasahan na dapat niya ang dalaga sa parehas na pagtitipon.
“I knew it! You are here to fetch me, right?”
“Kori, not now. I’m here for Lauren.”
Sumeryoso ang mukha nito at halata ang galit sa mga katagang binigkas. “Si Lauren na naman? Have you seen her? Do you know what everyone said? Narito ang kaibigan mo para maghanap ng uutuin!”
“Kori, stop! Hindi siya narito ng tulad ng sinasabi mo.” Hinawakan niya ito sa braso.
“Why? Totoo naman, ah? Usap-usapan ng lahat na naghihirap na ang kaibigan mo at kating-kati na siya na makahanap ng masasandalan!”
Humigpit ang hawak ni Brett sa braso ng dalaga. “I am warning you, Kori.”
Tinalikuran na niya ito at tinungo ang mesa ni Jessica na nag-imbita sa kanyang kaibigan.
“Sige, Brett! Push me to the edge! Sasabihin ko sa lahat kung gaano karumi si Lauren dahil nagawa niyang ibenta ang sarili niya kay Finn noon!”
Nagkikiskis ang ngipin ni Brett na lumapit sa babae at marahas itong hinawakan muli sa braso para ilabas sa pagtitipon. He knows Kori. Alam niya na itutuloy nito ang banta. Sa pagbabalik na iyon ng kanyang kaibigan, sigurado na karamihan sa kaeskwela nila ay interesado rito. Hindi rin malabong mangyari na maniwala ang mga ito kay Kori.
Palabas na sila nang salubungin naman siya ng kamao ni Drew na matalik din na kaibigan ni Kori. Sabay-sabay na napatingin sa gawi nila ang iba pa na para bang tumigil ang mundo ng lahat. Naikuyom niya ang kamao at nais na gantihan ang lalaki ngunit pinigil sila ni Kori.
“Drew, stop!” Sunod na hinarap siya ni Kori na nagsimula nang mangilid ang luha. “Brett, please. Ihatid mo na lang ako para wala nang gulong maganap. Nakakahiya kung magkakalat tayo ng kahihiyan dito.”
Doon tila nahimasmasan si Brett. Ayaw niyang maging laman ng balita sa kung saang blog o news program na nakipagsuntukan siya kay Drew kaya pinigil niya ang sarili. Hinawakan niya ang dalaga nang mas magaan kumpara kanina. Pinapasok niya ito sa kanyang sasakyan. ‘Tapos ay sunod na lumulan siya sa driver seat.
“Kori, I’m not deserved your cries. Kaya nga ako nakikipaghiwalay sa’yo ngayon. Hindi ka pa ba napapagod na masaktan? I lay my cards on the very first day. Nasabi ko na noon na hindi talaga ako ang para sa’yo,” magaan nang wika niya kasunod ang pagpunas sa mga luha nito.
Mas lumakas ang pag-iyak nito. “Kung sana nga lang, Brett, natuturuan ang puso. Sa loob ba ng ilang taon, hindi ako naging mahalaga sa’yo?”
“Alam mo na mahalaga ka sa akin.” Hindi naman siya siraulo na basta nakipagrelasyon sa babae. Mahalaga ito sa kanya, nagkataon lang na mas mahalaga sa kanya si Lauren.
Ganito yata talaga sila paglaruan ng tadhana. He has loved Lauren for more than ten years. Since when again? When he was at the age of thirteen! Unfortunately, Lauren fell in love with Finn. Samantala, hindi niya alam kung ano ang tunay na damdamin ni Finn dahil ang sabi ni Lauren ay mahal nito si Kori—na taliwas naman sa sinabi ng huli dahil halos kapatid lang ang turing dito ng dalawang lalaki na si Finn at Drew. Then Kori has loved him since high school days.
Masalimuot ang tila pinagtagni-tagni nilang mga damdamin.
Umasa siya noon kay Lauren ngunit nasa iisang lalaki lang ang mata nito—kay Finn. The day these two announced their engagement crushed his heart into a million pieces. He tried to forget his feelings for his best friend until Kori came into the picture.
He cares for Kori. He loves her, but not as much as he cares and loves Lauren. Siraulo nga siyang talaga dahil ang pagbabalik ng kanyang kaibigan ay nagpagulo sa kanyang sistema, lalo na ngayon na kailangan siya nito.
“Please bring me home. Ayoko na rito,” ani Kori kasabay ng mga hikbi.
Napabuntonghininga na lang si Brett. He’ll call Lauren later on. Sa ngayon ay mas kailangan niyang kausapin si Kori. Nahihirapan na rin siya sa lagay nito, ngunit kailangan nilang harapin pare-parehas ang problema.
***
NAGMULAT ng mata si Lauren dahil tila siya nilalamig sa aircon. Ngunit naniningkit na mga mata ang bumungad sa kanya mula kay Finn. Doon siya napabalikwas ng bangon at lumayo sa lalaki.
“W-where am I?”
Inayos niya ang kanyang sarili. Nakasuot pa rin siya ng itim na long dress, ang suot niya noong nagdaang gabi. Naalala niya na inihatid nga pala niya ang lalaki sa bahay na iyon. Ang hindi niya maunawaan ay kung paano siya nakatulog sa silid nito. His eyes were still looking at her, giving her fiery gazes.
Marahas na hinablot ni Finn ang kanyang braso na nagpabalik sa kanyang problema.
“Iba ka rin talaga, Lauren! Ano naman ngayon ang pinaplano mo? Bakit narito tayo ngayon sa villa ng pamilya ko?”
“B-bitiwan mo ako. Nasasaktan ako!”
“Ha! What now, huh? Dahil lasing ako kagabi kaya hindi mo nagawang ibigay sa akin ang sarili mo, gano’n ba?”
Hinarap niya ang mata nito. “I hate you!”
Naging daan naman iyon para mas lalong mag-init ang ulo ng lalaki. Marahas siya nitong hinila para muling ihiga sa kama. Mariin nitong hinawakan ang magkabilang braso niya para idiin siya sa kutson.
“Is it because of money? Akalain mong kadarating mo lang, pero hindi ka na mapalagay na muling ialay ang sarili mo sa akin!”
Hinarap ni Lauren ang mata ng lalaki na naniningkit. Hindi niya akalain na sasabihan siya nito ng ganoon. It was as if she turned back the time. Ganitong-ganito ang nangyari sa kanila anim na taon ang nakalipas.
“Finn, nasasaktan ako.” Pumiyok ang kanyang boses at nagsimulang mangilid ang kanyang luha. Ang tanong niya anim na taon na ang nakalipas ay nananatili pa rin na tanong niya hanggang sa kasalukuyan. Bakit nga ba nag-iba ang trato nito sa kanya? Bakit abot hanggang sa kasuluksulukan ng pagkatao nito ang nagagalit sa kanya?
Humikbi siya. Tila naman ito nabuhusan ng malamig na tubig na bumangon at saka lumayo sa kanya. He stood meters away from the bed. Taimtim siyang tiningnan habang pinipigilan niya ang luha.
Finn said in a colder voice, “Why did you back, Lauren?”
Matalim ang mata na tiningnan niya ang lalaki. How dare he’d ask her that question!
“Kating-kati ka na ba na paalisin ako? Huwag kang mag-alala, hindi ko rin nais na makita ka.” Tumayo na siya sa kama. Kita niya ang pagkuyom ng kamao nito at mas lalong nagalit sa kanyang sinabi.
Lumabas siya ng silid nito kahit hindi pa nakapaghilamos. Maling-mali na nakatulog siya sa silid ng lalaki. Tila siya isang kuneho na muling naligaw sa balwarte ng isang tigre—mabangis na tigre.