“LAUREN, hija! Gising ka na pala,” bati ni Mrs. Burnham.
Namumula ang pisngi ni Lauren matapos makita ang ginang na kalalabas lang din sa silid nito. Nakakahiya na nadatnan siya nito na lumabas sa silid ng panganay nitong anak na si Finn. Ayaw niyang pag-isipan siya nito nang masama na baka may ginawa silang kahalayan ng lalaki. Napakamot siya sa ulo nang wala sa oras.
“Mrs. Burnham, salamat po sa pagtanggap sa akin, ngunit kailangan ko na pong umuwi. B-baka hinahanap na po ako sa amin.”
“Hindi ako makapapayag na basta ka na lang umalis. Look at yourself. Ayokong sabihin ng makakakita na pinabayaan ka rito sa bahay ko. Saka parang hindi Tita ang itinatawag mo noon sa akin. Halika.” Hinawakan siya nito sa braso at iginiya.
Hindi pa sila nakalalayo nang may nakasalubong silang kasambahay na may dalang bungkos ng mga labahin; kurtina, bedsheets at kung ano pa.
“Nasaan si Elsa?” tanong rito ng ginang.
“Nasa kusina po siya kanina, senyora. Ipatatawag ko na lang po.”
“Sige, pakisabi na puntahan ang kuwarto na inihanda namin kagabi.”
Hiyang-hiya naman si Lauren na naroon sa tabi ng ginang. Tinatrato talaga siya nito nang maayos kahit na hindi naman dapat. Hindi na niya nobyo si Finn, ngunit tila anak kung ituring siya nito. Tinungo nila ang isang silid. Pumasok sila roon. She saw a V-neck dark blue sleeveless dress lays on the bed. It fits on her body. Lalo siyang nakaramdam ng hiya.
“Kagabi ko pa ito naihanda para sana sa’yo. Kaya lang ay nakita ko na magkayakap kayo ni Finn kaya hindi na kita pinagising,” nanunudyong wika ni Mrs. Burnham na lalong ikinapula ng pisngi ni Lauren.
Maihahalintulad na yata sa hinog na kamatis ang kanyang pisngi sa kasalukuyan. Inakala pa yata nito na magkayakap sila ng anak nito sa kama. Sa palagay niya ay nagkamali lang ang ginang. Impossible kasi na mangyari ang bagay na iyon.
“Aminin mo sa akin, hija, nagkabalikan na ba kayo ng anak ko?”
“M-Mrs. Burnham, hindi po. Impossible po ang sinasabi n’yo.”
“Aba’y bakit naman? Wala ngang nakarelasyon ang anak ko kung hindi ikaw lang. You are the only one he liked in the past.”
Napangiwi si Lauren. Sa kanilang dalawa ng ginang, siya ang mas nakakaalam na malabong mangyari ang sinasabi nito. Siya, gusto ni Finn? Sa palagay niya, hindi lang nagkaroon ng karelasyon si Finn sa iba dahil hinihintay nito si Kori, na iba naman ang naging impresyon sa ginang. Nagkataon lang na karelasyon ni Kori ang kanyang kaibigan na si Brett kaya hindi nagkaroon ng tyansa ang anak nito kay Kori.
May kumatok sa pintuan. Pumasok si Elsa, kasunod ang isang pang kasambahay. “Senyora?”
“Tulungan mo si Lauren na ayusin ang sarili niya. Magpapahanda ako ng masarap na agahan at matagal kong hindi nakita ang batang ito.” Lumabas ang ginang sa silid matapos siyang ibinilin kay Elsa.
Isang simpleng ngiti ang isinagot ng huli. Nagtungo naman sa loob ng palikuran ang kasama nitong maid. Tinantiya nito ang init ng tubig sa tub, nilagyan ng bath salt at sabon. Naghintay naman si Lauren na matapos ang kanyang paligo dahil mas nakakahiya kung tatanggihan niya ang mga tao sa bahay na iyon na maayos siyang tinanggap. Ayaw niya ring umuwi sa kanilang tahanan sa ganoong estado. Suot ang kung anong gamit niya noong nagdaang gabi.
Pinukaw ni Elsa ang diwa niya matapos ang ilang minuto. “Handa na po ang paligo, Miss Lauren.”
“Salamat po.”
Bago pa siya makakilos ay tinulungan na siya ng maid na buksan ang zipper sa likuran ng kanyang suot ng long dress. Ganito kung paano tratuhin ng mga kasambahay ang mga amo sa bahay na iyon at hindi iyon kaila kay Lauren. Ganoon din siya kung paano palakihin noon, noong sagana pa sa salapi ang kanyang pamilya, halos hindi na kumikilos sa pisikal na gawain.
The maid removed her black long dress. Hindi alintana rito ang hubad niyang katawan. Kapwa kumunot ang noo ng dalawang babae habang nakatingin sa kanyang leeg.
Tumikhim si Elsa bago inutusan ang kasama nito. “Tulungan mo na si Miss Lauren na maligo.”
Tila naman nakabalik sa reyalidad ang babae at iginiya siya sa loob ng palikuran, pinaupo siya sa tub saka sinimulang kuskusin ang kanyang makinis na balat. Tila siya sanggol na pinaliliguan ng babae.
Ah, being a part of this family was a luxury.
“Miss Lauren, sabihin mo lang kung may kailangan ka pa. Si Diana na ang bahala sa’yo.”
“Salamat po, Ate Elsa.”
Lauren closed her eyes. Hinayaan ang babae na linisin ang bawat parte ng kanyang katawan. The girl even massaged her head na masarap sa pakiramdam.
“Are you real, Lauren? Did you really come back?” magaan na tanong ni Finn sa ilalim ng kakaunting liwanag ng buwan.
He caresses her face softly while looking at her with too much passion. If everything she saw at the moment was real. Finn had never done this in the past. He was never good at explaining things nor expressing himself. His thumb caresses her lips. He moved closer to shorten the distance between their mouth.
“Lauren…” usal nito bago sinakop nang tuluyan ang kanyang labi.
Lauren sobbed lightly, tasting the man’s lips. It was as if she tasted a thousand years of yearning for him.
“Don’t cry, babe. Everything would be alright.”
Lauren’s sobbing changed into gasping and moaning after she felt Finn’s lips dawdling kisses on her slender neck. He reached and played with her lips again. In the end, Finn kissed her forehead then hugged her. Nagbibigay ng kakaibang kiliti sa kanyang buong sistema ang yakap nito. She likes the feeling inside his arms.
Napasinghap si Lauren habang naroon sa bath tub matapos banlawan ng maid ang kanyang dibdib. Tila siya bahagyang nanaginip na para bang totoong-totoo ang mga naganap na iyon sa kanyang isipan.
“I’m sorry, Ma’am. Masakit po ba?” nag-aalalang tanong ng maid na nabigla sa kanyang pagkilos.
“I-I’m sorry. I—” Sa huli ay itinikom niya ang labi dahil ayaw niyang magpaliwanag dito. Ayaw naman niyang masabihan na nananaginip siya nang gising.
“A-akala ko po ay nasaktan ko na ang pantal n’yo sa leeg,” namumulang wika nito.
“Pantal sa leeg?” Doon niya naisip na silipin ang sarili sa salamin para kumpirmahin ang sinabi nito. True enough, she saw marks on her neck. Kaya pala kakaiba ang anyo nito at ni Elsa matapos makita ang kanyang hubad na katawan. “Shoot! Saan ito galing?”
Hinarap niya ang maid. “Forget it. Magbabanlaw na ako. Ako na lang ang bahala. Maaari ka nang lumabas.”
“K-kayo po ang masusunod.”
Sinilip muli ni Lauren ang kanyang leeg. Imposible naman na nanggaling ang mga iyon sa buhay na panaginip niya ilang minuto ang nakalipas. Ipinilig niya ang ulo para alisin na ang lalaki sa kanyang isipan. Ang alam lang niya ay maling-mali na naroon siya sa bahay na iyon.
***
SUOT ang bestida na umaabot hanggang tuhod na inihanda kay Lauren ay bumaba siya patungo sa dining area kung saan naroon ang pamilya ni Finn. Nanghingi siya ng panyo na maaaring itakip sa mga pantal niya sa leeg dahil malalim ang neckline ng kanyang kasuotan.
Unang nagtagpo ang mga mata nila ng lalaki, ngunit una rin siyang sumuko dahil hindi niya makayanan ang tila mapanuring mga mata nito. Ayaw niyang isipin na ito ang dahilan ng mga markang itinatago ng scarf sa kanyang leeg.
“Halika rito, hija. Dito ka umupo.” Itinuro ni Mrs. Burnham ang silya na katapat ng silya ng lalaki. “Hindi ako makapapayag na uuwi ka na lang sa inyo nang hindi ka nag-aagahan.”
Napalunok na lang si Lauren matapos silang magharap ng lalaki. Hindi siya sigurado kung makakakain din siya nang maayos. Gayunman ay kailangan niyang pagbigyan ang ginang dahil sa mainit nitong pagtanggap sa kanya.
“Do you want coffee or tea?” tanong ni Mrs. Burnham.
“K-kape po.”
“Diana, serve your miss a coffee,” utos nito. Hinawakan siya nito sa kamay. “Huwag kang mahihiya, hija. Kung may kailangan ka ay sabihin mo lang.”
“I’m fine, M-Mrs— I mean, Tita. Sobra na po ang nakahanda na ito. Salamat po sa almusal.”
“Ako nga itong dapat na magpasalamat sa’yo. Kung hindi mo pa iniuwi rito si Finn, haay, naku! Malamang na ilang buwan pa bago ‘yan magpunta muli rito.”
“`Ma!” pigil naman ng lalaki.
Matalim naman na tiningnan ito ng ginang. “Bakit? Hindi ba totoo? Kailan ka ba huling natulog d’yan sa kuwarto mo? Ang huli ay noong araw pa na umalis si Lauren sa bahay na ito.”
“Stop it, or I’ll go right now!” wika ni Finn.
Ibinigay kay Lauren ang kanyang kape habang nagtatalo ang mag-ina. Sa kanyang tensiyon ay nainom niya ang mainit na inumin. Hindi niya ipinahalata na napaso ang kanyang labi at kumuha ng tisyu.
Mrs. Burnham’s eyes were full of resentment. Hindi na tuloy nito itinuloy ang sasabihin. Ngunit isang malaking katanungan ang impormasyon na narinig niya mula sa ginang. Ibig bang sabihin nito ay anim na taon din itong hindi tumutuloy sa bahay na iyon?
Baka naman kasi kaya ayaw nitong matulog sa silid nito ay dahil ayaw nitong alalahanin ang mga namagitan sa kanila noon. Saglit siyang nasaktan. Ganoon ba siya nito pinandidirihan?
“Kumusta ang mommy mo? Pasensiya ka na, hija, kung hindi ko nadadalaw ang iyong ina nitong mga nakaraang buwan.” Halata sa boses ng ginang ang konsensiya.
Magkaibigan ito at ang ina ni Lauren.
Ayon sa nalaman niya, iniligtas ng kanyang ina ang ginang noong magbakasyon ang mga ito sa taal lake ilang dekada na ang nakalipas, hindi pa nagsisipag-asawahan ang mga ito. Hindi marunong lumangoy ang ginang at nagawa itong sagipin ng kanyang ina nang minsan nahulog ito sa tubig. The two women’s friendship started there.
Malaki ang utang na loob ni Mrs. Burnham sa kanyang mommy kaya ganoon na lang ang pagpayag nito noong pinaplano ang kasal nila ni Finn. Nitong mga nakaraang taon ay lihim na tumutulong din ang ginang sa kanyang ina sa gastos para sa kanyang ama. Ngunit nalaman iyon ng asawa nito, ang daddy ni Finn, kaya saglit itong nawala sa larawan ng pamilya nila.
Sinagot ni Lauren ang ginang. “H’wag po kayong mag-alala. Maayos naman po ang lagay ng mommy ko.”
“I heard…” Tila nag-aalangan itong magsabi sa kanya. “I heard what happened about your dad’s investment in America. Sabihin mo lang sa akin kung kailangan mo ng tulong.”
Humigpit ang hawak niya sa tinidor. Malaki ang perang kailangan ni Lauren, ngunit hindi niya magagawang humingi ng tulong dito. Sagad-sagaran na sa kapal ng semento ang kapal ng kanyang mukha kung hihingi siya ng tulong sa ginang. Lalo na at naroon sa kanyang harapan ang lalaki na sagad din ang galit sa kanya. Mamaya ay kung ano na naman ang isipin nito.
“M-maayos pa naman kami, Tita. Naisip naming ibenta ang bahay,” pagsisinungaling ni Lauren.
Halata naman sa anyo nito na tila naaawa sa kanya.
“Why don’t you marry Finn? I will be the first person who’ll be delighted if you happened to be my daughter-in-law.”
“`Ma!” agad na protesta ni Finn. Naniningkit ang mga mata nito na hinarap siya. “Is this your plans all along? Excuse me, nawalan na ako ng gana!” Sa galit nito ay tumayo ito at umalis sa hapag.
Eh ‘di umalis ka! Akala mo naman ay gusto ko rin magpakasal sa’yo! In your dreams!
Nawalan na rin ng gana si Lauren na kumain kaya nagpaalam na siya sa ginang na tatawag ng sasakyan na maghahatid sa kanya sa kanilang tahanan.