CHAPTER 7

1248 Words
HABANG sakay ng taxi papauwi ay doon pa lang naisip ni Lauren na silipin ang kanyang cellphone. Kagabi ay nailagay niya ang setup nito sa silent mode at hindi na niya ito sinilip pang muli matapos kausapin ang kapatid na si Kael.  Ilang missed calls at text messages ang mga bumungad sa kanya sa screen at ang karamihan sa mga iyon ay galing sa matalik na kaibigan na si Brett. Lauren, where are you? Hindi ka raw umuwi sa inyo. Lauren, nasaan ka? Susunduin kita. Lauren? Sagutin mo ang tawag ko, please. Napangiwi siya matapos mabasa ang mga mensahe nito. Alam niyang nag-a-alala sa kanya ang lalaki kaya mas maganda siguro na isikreto na lang dito ang pagtulog niya sa tahanan ng mga Burnham. Alam niyang galit ito kay Finn, ngunit sa ayaw at sa gusto nito ay may pagkakataon na magkikita at magkikita ang dalawang lalaki dahil nobya nito si Kori. Sa kabilang banda nais niyang isikreto ang mga ginawa niya sa magdamag dahil baka lalo lang gumulo.  She dialled Brett’s phone number. Isang ring pa lang ang kanyang narinig nang sagutin siya nito sa kabilang linya.  “Hello!” “Nakatulog ako sa hotel na tinuluyan ko kaya ngayon lang ako nakatawag. Ano ba ang problema at bakit parang aligaga kang hanapin ako?” Walang magagawa si Lauren kung hindi ang magsinungaling sa lalaki.  “You stayed in the hotel?” “Yes. May hotel sa pinakamalapit ng venue. Hindi ba ako pwedeng tumuloy doon?” “I’m sorry. Nag-aalala lang ako na baka...” Hindi nito maituloy ang sasabihin.  Lauren felt guilty. Alam niya ang mga nasa isipan nito. Baka nagpunta ako kay Finn.  Wala naman sa plano niya ang ganoon. Nagkataon lang talaga na nakasama niya ang lalaki. Hindi naman niya ginusto na magising sa kama nito at salubungin ng naniningkit na mga mata. Everything that happened last night was unplanned. “I was told by Jessica that you fetched Kori. I stayed at the event dahil namiss ko rin naman ang iba pang kaibigan natin. I drank a little. Hindi ko na naisip na umuwi dahil inantok na ako.” “Lauren, I broke up with Kori. Last night was the night. It’s official,” mahinahon na wika nito sa kabilang linya nang mabanggit niya ang nobya nito.  Bahagyang nalungkot si Lauren para sa dalawa. Malaki ang inaasahan niya sa mga ito. Suplada at maldita si Kori ngunit alam niya na mahal nito si Brett. During their college days ay nakikita niya ang babae na nagch-cheer kay Brett sa basketball court. Tahasan din nitong hinaharap ang mga babae na may gusto sa kanyang kaibigan. Handa si Kori na ipaglaban ang lalaki.  Napabuntonghininga na lang si Lauren. May mga relasyon lang talaga siguro na hindi para sa isang nilalang. Kung ano man ang kahinatnan ng relasyon ng dalawa ay bahala na.  “Pumunta ka sa bahay mamaya kung kailangan mo ng kausap,” aniya. “Yes, I really need to talk to you. I have proposals for you.” “Okay. See you later!” Tumingin siya sa labas ng kalsada matapos putulin ang tawag dito.  Ang pagpunta niya sa kanilang reunion noong nagdaang gabi ay walang nangyari. Wala siyang nalapitan o nahiraman ng pera. Ayaw niyang totohanin ang iniisip sa kanya ng mga kaeskuwela kaya kinailangan niyang pigilin ang sarili. Kahit papaano ay may natitira pa siyang kaunting dignidad.  *** LAUREN was browsing her laptop. Naroon siya sa kanyang silid nang sumapit ang hapon. Sumasakit na ang ulo niya sa pagremedyo sa problema. She needed money! A hefty amount of money. Nagamit na nga niya ang naipon sa ilang taon na trabaho niya sa Amerika.  Umiikot ang lahat ng kaisipan niya sa taong maaaring hiraman ng salapi. Hanggang sa mga oras na iyon ay iniiwasan niyang imungkahi ang kanilang tahanan sa kanyang ina. Naibenta na nga niya kung tutuusin ang ilan sa mamahalin niyang gamit at alahas, ngunit hindi pa rin sapat ang lahat ng iyon.  Binuksan niya ang kanyang jewelry box. Ang nag-iisang kahon ng pink diamond na lang ang naroon, ang kanyang engagement ring kay Finn. Kahit na naghiwalay sila nito ay nananatili iyon sa kanya. Hindi niya alam kung magkano ang bagay na iyon kung ibebenta niya. Naniniwala kasi si Lauren na walang halaga ang katumbas ang singsing na iyon kaya hindi niya nagawang magtanong-tanong.  Ibenta ko kaya ang singsing na ito kay Finn?  Funny, right? Ngunit naisip ni Lauren na mas maganda nang sa lalaki niya ito ibenta kaysa naman sa iba. Kung sakali na may plano itong magpakasal ay naka-ready na ang singsing na iaalok nito sa iba. Marahas niyang kinuskos ang ulo na parang nababaliw. Tama! Nababaliw na nga siya! Ang makalapit nga lang sa lalaki ay hindi niya magawa. Gayunman ay nakokonsensiya siya na mapunta sa iba ang singsing. Hindi ba’t mas makapal ang mukha niya kapag ginawa niya iyon? Sa kabilang banda, sigurado na wala na itong pakialam pa sa engagement ring nila. Kaya lang…  Walang katumbas na pera ang halaga niyon kay Lauren. That ring would be forever her treasure.  “Ate?” pukaw sa kanya ng kapatid na si Kael.  Bigla ang pagsara niya sa kanyang jewelry box na nasa harapan. Ayaw niyang mag-isip ito na baka umaasa pa rin siya sa lalaki. “Yes?” tila wala sa sarili na tanong niya rito.  Napakamot ito sa ulo saka inilabas ang ilang cards at envelope na may makapal na laman. Hindi pa man ay alam niyang ilang lilibuhin ang laman nito.  “This is all I have. Hindi ito ganoon kalaki, but I know this would help the family.” Natigilan si Lauren. Napatingin siya sa mga bagay na inaabot nito sa kanya bago niya hinarap muli ang paningin nito.  “Kael, gagamitin mo ito sa school. Hindi ako papayag na pati ang pag-aaral natin ay madadamay!” nagagalit na saad niya.  Hindi niya mapigilan na maluha. She was actually proud of her brother. Hindi maliit na halaga ang tuition nito sa Ateneo De Manila. Ang scholar pa lang nito roon ay malaking bagay na naitutulong nito kaya ito nananatili na makapag-aral sa prominenteng eskuwelahan. Gayunman ay may binabayaran pa rin sila. Ang perang inaabot nito sa kanya sa kasalukuyan ay kakailanganin din nito sa panggastos o kung sakali na magbayad ito ng tuition sa susunod na klase.  “Listen, Ate Lauren—” “No! You should be the one who’ll listen to me. Kinabukasan mo ang nakasalalay dito, naiintindihan mo ba?” “Ayoko lang na makita ka nang ganito. Narito ka dapat para magbakasyon at magluksa dahil kamamatay lang ni Papa, pero mas inuna mo pa ang problema natin.” Lumapit ito at niyakap siya. “Kakayanin ko, Kael. Mas lalong hindi ko kakayanin kung sakali na hindi mo matapos ang pag-aaral mo sa takdang oras. Inipon mo ito mula sa pagtatrabaho mo sa gabi. Nag-aaral ka pa sa umaga. Naiintindihan mo ba kung bakit ako nagagalit?  "Hindi ako makapapayag na pati ang pag-aaral mo ay nakawin na 'min. Kaunti na lang ang kailangan mo at mas mahirap ang mga klase mo sa susunod kaya siguradong titigil ka sa pagwe-waiter. Nakaisip na ako ng paraan. Magkakaroon tayo ng pera at makakabayad tayo ng utang,” aniya. Hindi ito sumagot. Alam ni Lauren, siguro ay nagdududa ito sa plano niya. Mukhang wala na siyang magagawa, kailangan niya nang pakawalan ang singsing na ibinigay sa kanya ni Finn noon. Sigurado siya na ang maliit na bagay na iyon ang sagot sa lahat. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD