CHAPTER 8

1623 Words
BRETT met Lauren when the dinner comes. Agad na yumakap ito sa kanya nang makita siya nito. Tinapik niya ito sa likuran lalo na nang mapansin niya na mainit ang pagkakakulong niya sa mga bisig nito. Nasa isip ni Lauren na baka nalungkot ang kanyang kaibigan sa pakikipaghiwalay nito kay Kori noong nagdaang gabi.  “So, kumusta ang pagpunta mo sa reunion kagabi?” usisa nito sa kanya. Bumuntonghininga siya at saka lumayo rito. “Hindi ko na nagawang magsabi sa mga dating kaibigan na kailangan ko ng pera.” “Dahil naunahan ka na nilang husgahan? I told you, Lauren, parang hindi mo kilala ang mga kaeskuwela at kaklase natin. Masyado silang pretending.” “Hindi ko naman sila masisisi dahil hindi sila sanay sa problema na tulad ng kinakaharap ko ngayon. What do I know during highschool? Ang alam ko lang noon ay mag-aral, ihatid ng magarang kotse sa school, kainggitan ng mga kaklase dahil mayroon akong mayamang pamilya. Sinong mag-a-akala na dadating ako sa puntong namomroblema sa pambayad ng utang? But then, I treasured them as my friends.” Gumaan naman ang mukha nito nang makita na nangingislap na ang kanyang mata. Nagbabadya ng pagluha. “I’m sorry.” Inilayo ni Lauren ang mukha sa kaibigan. Sariwa pa sa ala-ala niya ang mga sinabi ng mga babae sa powder room. Hindi niya akalain na kilala ka lang ng tao kapag marami kang pera.  Noon, nagagawa niyang mag-imbita ng mga kaklase sa bahay nila, ang mag-donate ng pera para sa kung anong aktibidad na kailangan ng kanyang grupo, ang ilibre ang mga ito sa milktea shop o kung saang fast-food na naisin ng mga ito.  Ngunit tulad nga ng sabi ni Brett, hinusgahan siya ng mga ito. Hinusgahan ng mga babae pati ang paghihiwalay nila ni Finn noon. How stupid she was to think that she has genuine friends? Tanging si Jessica lang ang nakausap niya kagabi. Gayunman ay hindi siya sigurado kung ano ang tunay nitong impresyon sa kanya.  Lumapit sa kanya si Brett. “Lauren… I… I have a proposal for you.” Tumingin siya sa kaibigan. Naramdaman niya na bigla itong kinabahan lalo na nang maglapat ang kanilang paningin.  “What is it?” Humugot muna ito ng isang libong lakas ng loob bago magpatuloy. “Marry me.” *** MAKAPAL nga siguro ang mukha ni Lauren kaya naroon siya sa NEX Tower sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati. Doon kasi nag-o-opisina ang Burnham Airline na pag-aari ng pamilya ni Finn kung saan nag-oopisina ang lalaki.  Kinakabahan siya sa kung may kahihinatnan itong pagpunta niya sa opisinang iyon.  Ayon kasi sa nabalitaan niya kay Jessica, may sariling tirahan si Finn. Hindi na ito umuuwi sa tahanan ng mga Burnham kaya mas pinili niya na puntahan ito sa opisina.  “Do you have an appointment with Boss Finn, Ma’am?” tanong sa kanya ng receptionist na naroon sa lobby ng Burnham Airline na nasa ika-dalawampung palapag ng gusali. “I don’t have an appointment, but my concern is important. Please let him know.” Inangat nito ang telepono at may kinausap. “Yes, Ma’am... She’s Miss Lauren Escarrer… Uhm...” Tumingin sa kanya ang babae. “She said her concern was important… Okay!” Binaba nito ang telepono ‘tapos ay tumingin sa kanya. Tumikhim. “Miss Escarrer, I’m sorry, but our boss was on a full schedule today.”  Iyon ang unang palusot na ginawa nito sa kanya kaya umuwi si Lauren. Kinabukasan ay bumalik muli siya sa opisina nito. Tulad nang nagdaang araw, parehas na rason ang ibinigay sa kanya. Kahit sa pagbalik niya sa ikatlo at ikaapat na beses.  “Miss Escarrer, o-our boss was on a full schedule today.” Halos hindi na makatingin sa kanya ang babae.  Nahihiya na ito na harapin siya matapos ang ilang beses na pagsisinungaling nito sa kanya. Nakararamdam din ito ng awa. Hindi madaling lumaban sa kahabaan ng traffic sa Makati para lang bumalik siya roon araw-araw.  Bumuntonghininga si Lauren. “I’ll stay here in the lobby. I’ll wait until he was done for all of his meetings.”  Hindi na niya hinintay ang sagot nito. Umupo siya sa couch na naroon sa tapat nito at doon naghintay.  Nanlaki na lang ang mata ng babae. “B-but Ma’am—” “I’m fine. I’ll stay here. Haharapin niya rin ako. Hindi rin naman ganoon katagal ang kailangan kong oras sa kanya.” Alam niya na iniiwasan siya ni Finn. Nakita niya itong pumasok sa loob ng gusali kanina kaya sigurado siya na naroon ang lalaki.  Habang nakaupo at nagmumuni-muni, inalala niya ang pag-uusap nila ni Brett. Nais siyang pakasalan ng kaibigan.  “Lauren, isipin mong mabuti. My family loves you. Your family knows me, you know me as your best buddy. Hindi kita sasaktan at handa ako na bayaran ang lahat ng utang ng pamilya mo. Handa ako na ibigay sa’yo ang lahat ng gusto mo. Let’s get marry.” “Pero hindi natin mahal ang isa’t isa bilang magkabiyak, Brett. Ayoko namang pakasalan ka dahil magiging unfair iyon sa’yo, sa atin. Babayaran mo ang ilang milyon na utang ng pamilya ko? Nahihibang ka na ba? What can you get from me? I don’t have anything to offer. Brett, marriage is not that simple!” “Pero bakit noon kay Finn ay pumayag kang makipagkasundo sa kasal?” tanong nito sa kanya, bahid ang sakit sa mukha. Iyon ang huli nilang pag-u-usap na nagpasama sa loob nilang pareho ng kaibigan. Iba ang kaso ng pagpayag niya sa kasunduan noon kay Finn dahil mahal niya ang lalaki. She was willing to marry her first and only love. However, her relationship with Brett was different. She loves him as a brother. Once the marriage turned into a nightmare, they will end up hurting each other, and she does not want that to happen. Pinahahalagahan niya ang lalaki na parang pamilya, parang kapatid. Inabot si Lauren ng lunch, ngunit hindi pa rin lumalabas si Finn. Nagsipaglabasan na ang lahat ng empleyado sa opisinang iyon ngunit hindi pa niya nakikita ang lalaki. Dumating ang hapon, naghintay si Lauren sa couch kung saan siya nakaupo kahit na sinisikmura na ang kanyang tiyan.  Bahagya siyang nasaktan dahil halata sa lalaki na ayaw na siya nitong makita. Ganito ba kalaki ang galit nito sa kanya? Malayong-malayo ang ugali na mayroon ito ngayon kumpara noon sa lalaking minahal niya.   “M-Miss Escarrer, kumain na muna kayo ng dinner,” pukaw sa kanya ng receptionist. Umiling si Lauren. “Baka lumabas ang boss mo kapag wala ako dito kaya hihintayin ko na lang muna siya.” Hindi nito napigilan na binigyan siya ng biscuit at bottled water. “Take this. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo? Sana umuwi ka na lang.” “Importante ang pakay ko. Salamat dito. Hihintayin ko pa rin ang boss mo.” Kinain niya ang bigay nito kaya naginhawaan siya saglit. Inabot na ng takipsilim si Lauren sa opisina. Alas sais y medya na ang oras nang tawagin siya ng isang babae. Halatang dalaga pa ito.  “Miss Escarrer?” tawag sa kanya ng isang babae na sumilip sa pader na humaharang sa opisina ng Burnham Airline.  Napatayo siya. Hinarap ang babae.  “You may now come in.” *** SA LOOB ng meeting room sa parehas na palapag. Nakatitig si Finn sa babaeng kanina pa nasa kanyang computer screen mula sa kuha ng CCTV sa lobby area sa kasalukuyang oras. Why was she so stubborn?  Kanina pa rin siya hindi mapalagay lalo na nang malaman niyang kahit pagkain ng tanghalian at pag-inom ng tubig ay pinigil nito. He looked at Lauren. Hanggang sa huli ay manggagamit ang babae. Bumalik lang ito ng Pilipinas, ngunit nais pang gamitin si Brett para magpakasal. Nahampas niya ang mesa nang dahil sa galit. “Boss?” Sabay-sabay na napalingon sa kanya ang mga kasama sa meeting.  “Is there a problem, Finn?” tanong ng bise presidente na siyang namumuno sa pagtitipon. Mas mataas ang posisyon nito sa kanya kaya nanghingi siya ng pasensiya.  “Nothing, boss. I’m sorry.” “It’s alright. I guess you are all tired, it’s already evening. Let’s end for now.” Nauna nang tumayo si Finn at lumabas ng silid. Nilingon niya ang kanyang assistant. “Send the visitor to my office.” “Yes, Boss.” Magkasalubong ang mga kilay na tinungo niya ang pintuan ng kanyang opisina. Nang buksan niya ang silid, kasunod niyang niluwagan ang kanyang necktie na nakaikot sa kanyang leeg. Galit siya dahil hanggang ngayon ay nagagawa pa rin ni Lauren na maapektuhan siya nito. Uminom siya ng wine para kalmahin ang sarili. Ano ba ang pakay sa kanya ni Lauren? Habang sumisimsim ng alak sa tabi ng kanyang bintana ay nagbukas ang pinto. Nilingon niya ang gawi nito at nagsalubong ang mata nilang parehas ng babaeng umalis anim na taon na ang nakaraan. Lalo siyang natensiyon kaya inubos niya ang laman ng kanyang baso. Hanggang sa mga oras na iyon ay iba pa rin ang epekto sa kanya ng dalaga.  Hindi naman alam ni Lauren kung saan ito uupo sa mga couch na naroon sa kanyang opisina.  “I’ll give you five minutes. No need to choose a seat.” Tumikhim ang babae. “I-I came here because...” “Because of what? Tell me now para hindi tayo nagsasayang parehas ng oras.” Nagrolyo ang lalamunan ng dalaga. Lumapit ito sa kanya. Halata ang pangangatog nito at takot sa kanyang malamig na pakikitungo.  “I-I came here to sell this ring to you.”  Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa baso at tila umakyat ang lahat ng dugo sa kanyang ulo nang makita ang kanyang singsing na may pink na diyamante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD