“PINATATAWA mo ba ako, Lauren?”
Tulad ng inaasahan ay binalot si Lauren ng takot nang dumagundong ang kabuuan ng silid nang dahil sa galit nito. Nangatog ang kanyang mga kamay na may hawak sa box na naglalaman ng singsing. Alam niya na magagalit ito sa kanya nang sobra. Nakakatawa nga naman, hindi ba? Ibebenta niya ang singsing dito na nagbigay sa kanya ng bagay na iyon? Saang kapal ng mukha siya humugot para gawin iyon?
“Listen, Finn. Hindi kaya ng kalooban ko na mapunta ang singsing sa iba, a-and I don’t have a choice right now. I don’t want to sell this ring to anyone. Ah—!” Napahiyaw na lang siya sa takot nang madurog ang hawak nitong baso sa kamay nito.
Agad na nabasa ang kamay nito na naligo sa pinaghalong alak at dugo.
“Oh my God! Finn!”
“Leave me alone!” singhal nito sa kanya.
Nagbukas ang pintuan at ganoon na lang ang bigla ng assistant nito nang makita ang duguang kamay ng lalaki.
“Boss!” Nahintakutan ito sa nasaksihan.
“F-Finn...” Nanginginig sa takot si Lauren na nilapitan ang lalaki.
Hinawakan niya ang duguang kamay nito. Kita niya ang isang malaking hiwa at ilang maliliit na bubog ang nakasugat dito. Finn was looking down on her. Hindi niya alam kung namalikmata lang siya, ngunit nakita niya na bumahid ang pinaghalong sakit at lungkot sa mukha nito. A different kind of pain, not because of his wound. Lauren shook his head. She thought that maybe because it was really hurt.
“Miss Escarrer, mabuti pa na umalis na kayo ng opisina!” utos sa kanya ng assistant.
“No! Get the medicine right now!”
Saglit na nabahala ang assistant, ngunit naisip nito na mas magandang linisin na muna ang sugat ng boss nito. Hindi naman alam ni Lauren kung saan magsisimula. Pinalakas niya ang loob at tinanggal niya ang malaking bubog na humiwa sa palad ng lalaki.
“Mabuti pa nga na umuwi ka na, Lauren,” matigas na sabi ng lalaki.
“Can’t you see that I care right now?” singhal niya rito.
Natahimik naman si Finn, hindi na siya kinontra pa. Hinila niya ang lalaki, inakay niya ito hanggang sa couch. Finn was silent. May malaking pader pa rin ang nakapalibot sa paligid ng presensiya nito ngunit hindi na iyon ininda ni Lauren. Kailangan gamutin ang sugat nito. Pumasok ang assistant ng lalaki at ipinatong ang medicine kit sa ibabaw ng mesa na naroon sa gitna.
“Get water!” utos niya sa babae.
Nagmamadali naman itong sumunod.
Mabilis siyang kumilos. Inubos niya ang isang bote ng tubig para linisin ang kamay ng lalaki. Nasa ilalim nito ang kanina pa naroon na vase na may malaking bunganga na sumasalok ng pinaghugasan ng kamay nito.
“Do you know how much is that cost?” tanong ni Finn na ang tinutukoy ay ang clear na vase na may lamang mga bulaklak na pumupuno rito.
Natigilan si Lauren sa tanong ng lalaki. Magbabayad na naman ba siya? Hindi na niya kailangan sagutin ito kung magkano iyon dahil alam niya na may kamahalan ang mga gamit nito sa opisina. Ngayon pa na wala siyang pera? Sinalubong niya ang mata nito na walang emosyon.
“Mas mahal ba ito sa buhay mo? Hindi mo ako mapipigilan na linisin itong sugat. Mamaya n’yan ay may pulis pa na magpunta na lang sa bahay at sabihin na pinagtangkaan ko ang buhay mo.” Hindi na niya napigilan na sagutin ito.
“Stay outside. Let Miss Escarrer clean the wound,” utos ni Finn sa babae na nakatayo sa gilid.
Napapalatak siya dahil alam niya na siya ang may kasalanan kung bakit ito umakto ng ganoon. Alam niya na may malaki siyang kontribusyon sa galit ng lalaki kanina.
But what could she do? She just needed help from Finn. Alam niya na makapal ang mukha niya na ibenta sa lalaki ang singsing nito, ngunit may magagawa ba siya? Her bills are waving. Nabayaran na niya ang mga sweldo ng kasambahay ngunit inubos ng mga ito ang isang buwan niyang kita bilang Sales Analyst ng isang shopping application sa Amerika. Hindi napigilan ni Lauren na maluha habang nililinis ang sugat ng lalaki.
Iba-iba ang nasa isipan niya sa kasalukuyan. Ang kanyang ina na nasanay sa luho, ang kanyang kapatid na nais tumulong ngunit nag-aaral pa, ang kanilang utang, ang sugat na iyon ng lalaki na resulta ng pambabastos niya rito. Tama? Nabastos niya ang pride nito bilang dating ex niya para ibenta niya rito ang kanyang engagement ring. Ngunit wala na siyang maisip na paraan.
Humikbi siya.
Kumuyom ang isang kamay ni Finn nang makita ang kanyang mga luha. Pinunasan iyon ni Lauren at baka pagbintangan pa siya nitong nagpapaawa rito. Inikot ni Lauren ang tela sa nasugatang kamay nito para sa huling proseso. Tumayo na siya para umalis.
“I-I’m sorry if I disturbed you. Ikaw na ang bahala sa bubog.” Dinampot niya ang kanyang bag na binitawan sa lapag at saka ang kahon ng singsing na nalaglag kanina na naroon sa tabi nito. “Isipin mo na lang na hindi ako nagpunta rito.”
Tinungo ni Lauren ang pintuan. Nakaramdam siya ng lungkot. Isang hakbang na lang siya para pihitin ang seradura nang itulak iyon nang lalaki. She looked up to meet his gaze. Ganoon na lang din ang kanyang bigla nang itulak siya nito sa pintuan at sakupin ang kanyang labi.
Nagpumiglas si Lauren. Mapagparusa nitong sinakop ang kanyang labi habang pinipigilan siya ng mas malaki nitong katawan sa kanya. Kinagat nito ang kanyang ibabang labi dahil sa kanyang panlalaban. Ganoon na lang din ang kanyang panghihina dahil tila sinilaban ng lalaki ang nilalamig niyang damdamin. Anim na taon na nang huli niyang matikman ang mga labing iyon ngunit heto at kaya pa rin nitong palambutin ang kanyang mga binti, nagagawa niya pa rin na magpaalipin sa presensiya ni Finn Burnham.
Oh, God!
Lauren welcomed his kisses na huling natikman niya ay noong kaarawan pa nito—anim na taon na ang nakaraan. Finn’s lips started to move gently, but deeply as his tongue slipped inside her mouth. Naramdaman niya ang pangungulila sa halik na iyon na nagpapugto sa kanilang hininga. Hindi na niya namamalayan na kasabay ng labi nitong kumikilos ang malayang kamay upang damhin ang kanyang katawan.
Tila nagising naman ito sa katotohanan nang may kumatok sa pinto na naroon lang sa kanyang likuran.
“Boss, are you okay?” Narinig niya sa kabila ng makapal na kahoy.
“I’m fine!” sagot ni Finn.
Bumalik sa pagkakakunot ang noo nito at lumayo sa kanya. Kakaiba ang tingin nito kay Lauren. Hindi niya mapigilan na panlambutan ng binti sa mga titig nito kaya yumuko na lang siya habang mahigpit na hawak ng kanyang kamay ang bitbit na bag.
Marahas na bumuntonghininga si Finn. Umupo ito sa armrest ng couch na ilang hakbang ang layo sa kanya.
“How much do you want for the ring?” tanong ni Finn.
Nabigla siya sa tanong nito. “Ha?”
“You heard me.”
“W-well. I-I need thirty million.”
“Tsk!” Umismid ito. His eyes were cold, sending shivers to her whole senses. Dinukot nito ang kaha ng sigarilyo sa bulsa at saka nagsindi ng isa roon.
“A thirty million for the ring…” usal nito, tila kinausap ang sarili. Humithit at bumuga ng usok. Walang pakialam sa alarm ng gusali para sa usok. Mas lalong kinabahan si Lauren.
“Miss Escarrer, you know that I’m a businessman. What do I do with the ring I bought two times? Una ay sa kung saang auction ito galing. Ikalawa ay sa babaing nagmay-ari ng singsing sa loob ng pitong taon... I could accept the first reason; I gave it to the person I was about to marry. But why do I have to spend thirty million for the second time, on the same item?”
Napalunok si Lauren. Ang tanging rason lang naman niya ay dahil mahalaga sa kanya ang singsing, ayaw niyang mapunta iyon sa iba kaya mas nanaisin niya na ibenta na lang ito sa lalaki. Tumungo ito sa mesa nito, may kinuha at may isinulat. Pinunit nito ang isang kuwadradong papel mula sa pad, ‘tapos ay bumalik sa kanyang lugar.
“Give me the ring. Here’s your payment,” he said nonchalantly.
Mabilis na kumilos si Lauren. Tiyansa na niya iyon kaysa naman magbago pa ang isip nito. Inabot niya rito ang kahon ng singsing kasunod ang pagkuha niya sa bayad nito.
“Remember this, Lauren. What I am paying is your disappearance. This should be the last day we’ll see each other.”
Nanghihinang ipinasok ni Lauren ang tseke na nakasulat ang Thirty Million Pesos.
Lumabas siya ng silid kasunod ang mga luhang nag-uunahan na magsipaglaglagan sa kanyang pisngi. Hindi ang singsing ang binili nito kung hindi ang pagkawala ng kanyang presensiya sa paligid ng lalaki. Nakagat niya ang ibabang labi habang pinipigilan ang kanyang mga luha.
How cruel was he? Akala niya ay napakasalbahe na niya para ibenta rito ang singsing. Ngunit mas doble ang sungay nito sa kanya.
Hindi na ito ang lalaking pinaglaanan niya ng kanyang malinis na pagmamahal noong high school. Si Finn na binatilyo, ang lalaking tahimik na nag-aaral kasama niya sa mesa sa isang malaking library. Ang lalaking unang nagbigay sa kanya ng matinding sakit na halos ayaw na niyang mabuhay noon.
Hanggang sa huli ay pinasasama nito ang loob niya.
She touched her lips. Nilinlang nga lang ba siya ng lalaki kanina? Kung paano niya naramdaman ang pangungulila nito sa kanya?