bc

Crossed Paths (Bloodline Series #5)

book_age18+
155
FOLLOW
1K
READ
dark
reincarnation/transmigration
age gap
fated
second chance
drama
bxb
previous incarnation
secrets
mxm
like
intro-logo
Blurb

Arkie and his team accept the invitation of Solaris Technology to participate in the esports showdown. Who would say no, if the company will pay so much compared to the lottery? But everything changes when he met Lazarus, the CEO of LIRA Group. He can't stop himself from looking at him. There's a force that compelled him to be with him. But Lazarus calls him in a different name. A girl's name. Allana. And his world becomes upside down. He was drag into the mess that was brought by the Black Orb. He's practically aware of vampires ruling the Freedom City. But he never dreams to be entangled with one of them. But he believes in Lazarus' promise despite so many questions in his mind.

Who is Allana? Why Lazarus insisting he is Allana? And who is this Black Orb that threatening his life? Why are they keep saying that he is from a great Almerdine Clan?

chap-preview
Free preview
Prologue: Welcome to Freedom City
Senior Fabian POV Ilang laon na akong nabubuhay. Ilang digmaan na din ang aking nadaanan. Ilang buhay na din ang aking binawian. Hindi ko na din mabilang kung ilang mga buhay na din ang nasayang dahil lamang sa walang katapusang paghihiganti, pagpapakita ng kung sino ang malakas at mga bagay na wala namang kabuluhan. Nakakasawa na. Nakakasawa nang makisama sa mga away na kung tutuusin ay hindi na dapat pang balik-balikan dahil nagdadala lamang iyon ng pagkawasak. Pagkawasak ng bawat pamilya, ng bawat bayan, at minsan samahan. Ang aking lahi ay kayang mabuhay ng ilang daang taon. Isa ako sa mga naunang lipi. Nasaksihan ko ang unang pagbagsak ng mga lahi at muli nitong pagbangon para lumaban ulit. Sa tagal ko nang nabubuhay  wala ni isang sumulong sa tigil digmaan ay pag-usapan kung paano makakasulong ng hindi kinakailangan na may dugong dumanak. Nagpakalayo-layo ako dahil hindi ko na kayang tiisin pa ang nangyayari. Napagod ako sa mga dahilan ng kanilang pinaglalaban. Nagpakalayo layo ako upang makatakas sa makasariling hidwaan. Sa aking paglakbay ay narating ko ang isang bayan ng mga tao. Hindi tulad sa aking pinanggalingan, ang lugar ay matiwasay, malinis at walang gulo. Ang mga tao ay nagtutulong tulong at bakas sa mukha nila ang saya sa buhay na meron sila. Gamit ang dala kong yaman ay nakapagpatayo ako ng tahanan sa hindi kalayuan. Namuhay ako gaya sa mga tao sa paligid. Itinago ko ang tunay kong pagkakilanlan at tinamasa ang simpleng buhay. Nagawa kong makihalubilo sa mga tao at tumulong. Marahil sa dami na ng aking nasaksihan ay hindi ko maiwasang tumulong sa mga nangangailangan. Lumipas ang madaming taon ay ang munting bayang iyon ay naging matatag at yumabong. Sa tulong na din ito ng bawat taong naroroon. Habang pinagmamasdan ko ang bayan ay hinid ko maiwasang mapangiti dahil sa kalayaang natatamasa ng bawat isa. Kay sarap namnamin ang matiwasay at tahimik na bayan. Hindi din nawawala ang mga kunting gulo gaya ng mga away kapit bahay at kung anu pang maliliit na di pagkakaunawaan dahil kasama iyon sa pag-inog ng mundo. Ngunit kasabay ng pagsulong ay ang isa suliranin naman ang aking kinakaharap. Unti unti nang napapansin ng mga tao ang aking anyo. Hindi tulad ng mga taong nasa bayan na sumasabay sa panahon ang kanilang anyo, ako ay nananati ang wangis. Ang mga taong naabutan ko rito noon ay nagsipanaw kung kaya hindi ko din maiwasang mag-alala. Napipilitan tuloy akong lumisan pansaman tala sa bayan upang hindi makakuha ng atensyon. Laking pasasalamat ko at natagpo ako ng maaasahan at tapat na tao, si Ronan.  Kung kaya sa aking paglisan ay basisigurado kong meron akong mababalikan. Siya ang aking unang Kahalili. Ngunit aking pagbalik ay kasabay ng pananalakay ng aking mga lahi sa mga nalalapit na bayan. Kaya naman pinatawag ko si Alistair, ang aking Unang Salin upang matulungan akong protectahan ang aking bayan. Ngunit kasabay ng pagpapatatag ng siguridad ng bayan ay ang makilala ko ang babaeng may halimuyak na rosas, si Allaya. Ang babaeng kahit batid kung anung uri akong nilalang ay hindi ko nakikitaan ng pagkadiri o pagkatakot.   Buong buhay ko ang akala ko ay hindi na ako mahuhumaling sa kahit na sino. Sa haba na ng panahong nabubuhay ako ay hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sa kanyang ngiti. Na kahit anong pilit kong iwasan ay hindi ko maiwasang hanapin at balaking yapusin siya. At sa tuwing nasa tabi ko siya ay hindi ko na kayang lumayo pa. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging epecto niya sa akin. At sa kalaunan ay pinalaya ko ang aking sarili at hayaan ang sariling mahalin siya. Ngunit ang pagmamahalan na aming tinatamasa ay saglit lang dahil sa muling pagpapairal ng mga sinaunang galit at walang katapusang paghihiganti. Ang babaing labis kung minahal ay nagsakripisyo pa sa aking kaligtasan. Upang masiguradong matutupad ko ang aking nilalayon. Buhay na sa aki’y muling nagbigay buhay na may pangakong magkikitang muli. *****  Lazarus POV Pangakong makikita muli na aking pinanghawakan kahit sa ikalawa kong pagkatao. Sa lugar kung saan ang pagkakaiba ay hindi mahalaga, doon ko siya dadalhin. Sa lugar na walang sila at walang kanila, lahat ay sama sama sa lupaing pinahahalagahan ang kinabukasan at ang kapakanan ng mamamayan. Sa paghahangad na makamit ang aking pinanghahawakang edeyalismo ay ginamit ko ang aking yaman at kakayahan upang buohin ang sarili kong tahanan. Tahanang hindi sinusukat kung anung lahi ang meron ka kundi sa ideyalismong meron ka. Sinusukat ang pagpapahalaga sa katahimikan at buhay hindi lang sa pansarili kundi sa nakakarami. At sa pagtuloy na pagtataguyod ay na bigyan ako ng kapangyarihan  upang ganap na masimulan ang aking hinahangad. Kunga kaya naman sinigurado kong magiging matagumpay ito. Taong 2020, ang kauna-unahang lupaing malaya sa batas ng Red at Black Line ang naitayo. Ang dating bansang Taiwan ay binuhay at binihisan. Kasabay sa pagbihis ay ang bago nitong pangalan. Kung saan sa lupaing ito, ang House of LIRA na aking tahanan ang siyang mangangalaga at poprotecta sa nasasakupan.  Welcome to Taiwan Metropolis Freedom City. The first Free City that being managed by Human, Vampire and alike headed by Modernization Affairs and Technological Advancement  Bureau(MATA)  na pinamamahalaan ng aking sariling tahanan. Sa tulong ng mga council members ng MATA ay naging sentro ng komersyo ang Taiwan Metropolis Freedom City, kung saan pinahihintulutan ang sino mang may kakayahang magnegosyo. Naitayo din ang mga technical advancement facilities upang makapagdiskubre ng mga bagay na ganap na makakatulong lalo na ang pag gawa ng synthetic blood. Upang masigurong maging maayos ang pamumuhay ay pinairal ang mga batas mapamortal man o immortal. Lahat ay kailangang sumunod dahil may karampatang parusa ang sino mang lalabag dito. Gaya ng pamahalaang pinatutupad ng mga mortal noon ay nagkaroon din ang Taiwan Metropolis Freedom City ng kahawig nito. Bawat distrito ay pinamamahalaan ng piling Kahalili. Siya ang Namumuno upang masigurong mapanaliti ang katahimikan sa kanyang nasasakupan. Katuwang niya ang pwersa ng LIRA Battalion. Ang bawat Kahalili ay sumasagot naman sa kapangyarihan ng Punong Kahalili na miembro naman ng Council ng MATA. Ang seguridad panlabas naman at ang proseso ng pagpasok at paglabas ng Taiwan Metropolis Freedom City ay pinamamahalaan naman ng Silver Elite Battalion. Ang mga special mission at mga malalaking problema ay napupunta naman sa Gold Elite Battalion. At upang mas maiwasan ang mga hindi inaasang pagpasok at paglabas ay pinalibutan ng mala-great wall na mga pader ang buong paligid ng Taiwan Metropolis Freedom City. May roon lamang tatlong gate na maaaring pasukan at labasan. Ito ang Official Ports na tinatawag: Maca sa hilaga, Kasanaan sa timog at ang panghuli ay ang Kaluwalhatian sa kanluran. Ang punong tagapangasiwa ng komersyo ay ang LIRA Group of Companies. Akupado nila ang dating Taipei City saman talang ang dating New Taipei City naman ay ang siyang Punong Syudad o Metropolis. Dahil sa pinapahalagahan ng MATA ang technical advancement at nagtalaga ito ng dalawang Technological District. Isa sa hilaga at isa sa timog. Bukod sa Tech District ay may limang distrito din na pinamumunuan ng mga Kahalili. Ang mga malalapad na lupain naman ay pinamumunuan naman ng mga Vons. Sila ang mga mayayaman at makapangyarihang Vampira na tumulong upang maitayo ang Taiwan Metropolis Freedom City. Kahit miyembro sila ng council ng MATA ay may mga personal din naman silang agenda. Pero sinisuguro kong hindi iyon salungat sa edealismo ng Taiwan Metropolis Freedom City kung kaya pumayag ako da kanilang hiling na magkaroon ng mga nasasakupang lupain. Kasama sa mga Vons ay sina Von Lyran Americo. Isang Italyanong Vaz Hollow, tanyag sa kanyanng mga mamahaling Wine at Blood Wine. Si Von  Yuri Adachi naman ay isang Samurai Master mula sa Japan. Isa siyang Blood Transfused Zasek. Siya ang tagasiyasat ng mga Elite Battalions at nag-ooversee ng kanilang training bago pa man isabak ito sa Silver o Gold squad. Si Von Nemel Dogan naman ay isang Turkish Vaz Mortal na mahilig sa mga iba’t ibang leisure at laxury events. And pinaka huling Von ay is Von Ares Baudehlaire. Isang French Vaz Luna na nagmamay-ari ng pagawaan ng tela. May sarili din itong line of clothings.     Bukod sa mga Von ay parte din ng council ang Pinunu ng Elite Battalion. Ang aking kanang kamay, si Allistair. Samantalang ang Namumuna naman ng Lira Battalion ay mula sa pinagkakatiwalaan kong angkan ng Kahalili. Ang panganay na anak ng dating Punong Kahalili, si Gareth Salazar. Nakahanda na ang lahat. Ang taong pinangakuan ko nalang ang kulang. Ilang taon na ba ang lumipas, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa din nagkukrus ang mga landas namin. Nagbago na ang mundo, ang mga pananamit at pananalita ay wala pa din siya. Sakabila noon ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Patuloy akong naniwala na darating dinang araw na magkikita kami. At kapag nangyari iyon ay sisiguraduhin kong hindi na kami magkakahiwalay. Hinding hini ko papayagan na masakyan siyang muli. At sisiguraduhin kong hindi na kami magagambala pa ng mga tumutugis sa amin noon.  Hindi na ako mangingiming gamitin ang aking lakas upang puksain sila. Mahabang panahon akong naghanda at naghintay sa kanyang pagbabalik. Nasisiguro kong magagalak siya kapag nakikita niyang ang lahi ko at ang lahi nmiya at ang iba pang lahi ay matiwasay na nagsasama sa iisang lupain. Ito ang aming pangarap sa isa't isa na hindi namin nakamit noon.  Kung naririnig mo ako Allana, sana ay bumalik ka na. pwede na tayong magsama muli ng walang hahadlang. Kaya na kitang protektahan at sisiguraduhin kung pupunnuin ko ang buhay mo ng masasayang alala. Ipapakita ko sayo ay aking pagmamahal na hidni nabago mula noon. Na ikaw, Allana, ang natatanging babae na para lamang sa akin. Walang makakapalit sa yo dito sa puso ko. Kaya Allana, halika na sa king piling.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook