Arkie POV
“Shall we accept the call?” Tanong ko particularly kay Jeremy.
“There’s no harm in taking the challenge.” Sagot naman nito na sinang-ayunan naman ng iba.
Dahil ang Emperor’s Eye ay may function na i-broadcast ang tawag mula sa ibang clan ay nakikita ito ng mga nanonood. Ano mann ang mapag-usapan ay malalaman kaagad ng libo-libong nanonood.
“Emperor, accept call.” Gumana naman ang voice command at lumitaw ang Head of Clan ng Pharaohs.
“Hello Kings!” Bungad nito. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa. Akala mo ay may pa press conference ang loko.
“Hi, Tristan Max, napatawag ka ata?” Maang kong bati sa kanya. Bilang head of Clan na under sa Solaris Management ay personal naming kilala ang isa’t isa. Kaya pwede ko siyang tawagin sa totoo niyang pangalan. Pero ang Solaris alyas talaga niya ay Khufu4thDinasty. Lahat kasi ng Pillars nila ay nakapangalan sa pangalan ng totoong Egyptian Pharaohs. Kasunod ng pangalan ang era o dynasty kung kelan sila namuno. Pinasakit pa talaga ulo nila para lang sa game names nila.
“Archimedes, well, nabalitaan ko lang naman na na-outrank n’yo na kami sa viewership at clan income.” Napaghahalataang bitter si kuya. “At kayo din daw ang nakuhang clan para sa Tech Summit.”
“ Tristan Max, nagkataon lang iyon. Kaya wag ka nang magtampo. Kayo pa din naman ang may pinaka malaking population sa lahat ng mga Clans kaya naniniwa akong makukuha ninyo ulit ang top earner at maging sa leader board.”
Naririnig ko namang nagtatawanan ang mga kasamahan ko. Nasa kanya kanyang work station kasi sila at si Jeremy lang ang katabi kong kaharap ng Emperor’s Eye Monitor. Saka ko lang nakita na nagpi-fiesta ang mga tao sa comment center dahil nakikisawsaw na ang mga kasamahan ko doon.
“Kakalma lang ako kapag tinanggap mo ang challenge naming para sa ten by ten flag game. Siguro naman, deserve naming makita na karapat-dapat kayo na mapabilang sa Tech Summit.” Mukhang minamaliit ako kami ng loko. Hindi pa ba siya kumbinsido sa leader board in terms of wins and other aspects?
“And what is the catch?” Hindi namn kasi siya maghahamon kung wala siyang inner motives.
“Well, kung manalo kayo then, deserve n’yo nga ang spot. Pero kapag natalo kayo, ibibigay nyo sa amin ang karapatang tumuntong sa tech summit. Agree?”
“Parang wala naman kaming mahihita sa challenge na yan. How about kung kami ang mananalo ibibigay ninyo sa amin ang fifty percet ng earning ng clan ninyo this month?” Akala niya siguro ay maiisahan niya kami. Naku Tristan Max, wag ako.
Natahimik naman ang head ng Pharaohs sa proposition ko. Kilalang mayayaman ang members ng Pharaohs. Sila kasi ang may pinaka madaling entry process. Unlike sa amin na mahigpit kami sa mga gustong sumali sa clan namin. Hindi kasi kami nadadala sa mga gifts at equipment. Mas pinapahalagahan naming ang galing nila sa paglaro. Kaya nga hindi lalagpas ng fifty ang members namin at lahat ng iyon ay nasa top 300 ng Soloris Individual Leader board. Pero magagaling naman ang mga Pilliars ng Pharaohs.
Hinintay kong sumagot si Tristan na mukhang hinihintay ang desisyon ng kanyang Clan. Wala naman sa rule ng Tech Summit Contract na hindi kami pwedeng tumanggap ng official match. So wala naman kaming violation nito. Isa pa, sa dami ng gusto kong idagdag sa game room na ito ay kakailanganin ko ang earnings nila para hindi mabawasan ang earning ng clan. Magkahiwalay kasi ang earnings ng bawat members sa earnings ng clan. Although, madalas ay hindi naman kinukuha ng mga kasamahan ko ang share nila kaya minsan ay hinagamit ko ito pambili ng mga gadgets at equipment para dito sa game room. Tulad na lamang ng mga gaming station nila ngayon.
Kung titignan ay parang nasa spaceship ang set up naming anim. Bukod kasi sa dalawang wide screen na Emperor’s eye kung saan kami nakaharap ni Jeremy ay may mga gaming station sa magkabilang gilid na may tig-iisang 30 inches monitor. May high end headset with mic din ang bawat isa at comfortable gaming chairs. May apat ding wide screen monitor na naka palibot sa para sa iba’t ibang function. Ang buong game room ay sound proof at may mga lighting design din na akmang akma sa room.
Hindi ko rin naman nakakalimutan anng ibang members naming. May mga oras na binibigyan o pinapadalhan ko sila ng mga giveaways kapag may mga achievement silang nakukuha. Noong isang buwan nga ay may sampo akong pinadalgan ng bagong labas na headset ng Solaris Tech dahil naiangat nila ang kanilang ranking sa leaderboard. Kaya nararamdaman ko ang pagpoporsige ng mga clan members dahil alam nilang hindi na sila iba sa amin.
“Ano na, Tristan Max, ang tagal ng sagot mo. Maglalaro nalang kami sa iba kung hindi naman kayo desidido.” Singit ni Jeremy. Mahilig kasi siyang magpresure ng tao.
“Aaya-aya tapos naduduwag naman pala.” Isa pang bully si Jonas. Gatong king kung baga. Pero hindi ko maiwasang matawa dahil sa itsura ni Tristan Max.
“Tristan Max, call as again if you have your final decision, okay?” Akmang tatapusin ko na ang tawag nang biglang magsalita na ito.
“Deal!” Ang tapang niya diba. “But will Solaris Technologies will agree with this?”
Oo nga pala, hindi koi yon naisip. Naiinis man ako sa lalaking iyon ay kailangan ko munang kunin ang approval niya.
“SolarisGioBoi is watching, what do you think boss?” Sagot ni Jeremy. Kala mo hindi niya kuya ang tinatannong.
Naghintay naman kami ng response mula sa Solaris Technologies. Maya maya pa ay may lumitaw na message sa comment side.
SolariesTechnologies: Deal Accepted. The same goes with other Clans who want to challenge the Kings.
“That’s the cue, Tristan Max. See you in the battle field after thirty minutes.” Pagkatapos ng tawag ay agad kaming nagsama-sama sa round table na nasa gitna ng game room upang pag-usapan ang tactics na gagawin. Hindi naman ako takot sa challenge ng ibang clans. Akala siguro ng lalaking iyon ay titiklop ako. Gusto niya yatang subukin ang galing naming. Napangiti ako ay tumipa ng mensahe at pinadala kay Kuya Gio.
*****
Lazarus POV
Pagdating na pag dating ko palang sa Solaris Building ay ang nagkakagulong mga empliyado ng gaming division ang bumungad sa akin.
“What is this commotion all about?” Agad kong tanong. Pinilit kong maging mahinahon pero dahil sa nangyari ngayong araw ay hindi ko kakayaning magtimpi.
“Senior Lazarus, pagpaumhin po ninyo. Masyado lang mo nadala ang mga empliyado sa ginawang hamon ng Pharaohs’ Ville Clan.” Pag-uulat ni Gio. Ngayon ko lang napansing naririto siya. “Kasalukuyang hinahamon ng Pharaohs ang mga Kings para sa isang ten by ten flag games.” Napadako naman ang tingin ko sa monitor kung saan pinapakita ang dalawang taong nag-uusap. At nakita ko nanaman ang taong kahit nakatakip ang kalahati ng mukha dahil sa suot niyang face mask ay masasabing kilala ko na siya. "But you can;t remember the his name." Panunukso muli ng isang bahagi ng utak ko.
Familiar naman ako sa type ng larong gagamitin nila. Isa iyon sa dinevelop kong game style kaya naman napabilib ako sa naghamon. Masasabing napakahirap ng game style na ito dahil hindi mo alam kung sino ang pupuntiryahin at sino ang bibigyan proteksyon. Hindi kasi nalalaman kung sino ang flag bearer kung hindi ito magiging critical. Bukod dito ay iisa lang ang buhay ng bawat manlalaro kung kaya kapag namatay ito sa game ay hindi na ito pwedeng bumalik hindi gaya ng regular rank game.
“Sir Gio, Pharaohs stated ng magiging consequence kapag natalo ang mga Kings.” Pag-uulat ng isang game technologist.
Nakita kong lumapit si Gio sa naka feed na stream.
“Well, kung manalo kayo then, deserve n’yo nga ang spot. Pero kapag natalo kayo, ibibigay nyo sa amin ang karapatang tumuntong sa tech summit. Agree?” Rinig kong wika ng lalaki na sa tingin ko ay ang clan leader.
“Parang wala naman kaming mahihita sa challenge na yan. How about kung kami ang mananalo ibibigay ninyo sa amin ang fifty percet ng earning ng clan ninyo this month?” Contradict naman ng Clan Leader ng Kings.Naalala ko nanaman siya sa ginawa niya kaninang umaga.
At talagang willing siyang itaya ang spot nila sa Tech Summit. Napailing nalamang ako. Bigla naman akong nakaisip na idea. Dahil yaman lang din naman na willing siyang itaya ang spot nila at sa tingin ko ay mas magandang payback ito.
“Sabihin mo sa Head ng Kings na tinatanggap ko ang deal at maging sa mga gustong humamon pa sa kanila.” Sigaw ko. Tignan natin ngayon kung hanggang saan ang kakayahan mo. Napangiti ako dahil nakikinita ko na ang pagsisisi sa mukha ng lalaking iyon.
“Are you sure with this, Senior Lazarus?” Mukhang nag-aalala na ang handler nila. Sorry nalang Gio.
“Kung malakas sila ay tiyak na balewala sa kanila ang ganitong hamon.” Wika ko.
“Tiwala namann po ako sa kakayahan ng mga alaga ko, Senior Lazarus. Ang akin lang ay dahil binuksan ninyo ang pagkakataon na hamunin ng lahat ang Kings, pinasasabi ni Arkie na kapag naipanalo daw nila ang lahat ng maghahamon ngayong gabi ay kailangan ninyo daw po na maipadala na ang mga invites sa tatlo pa nilang kasama.” Alangang sambit nito na ikinataas ng kilay ko.
“Masyado naman atang bilib sa sarili ang bata mo? Pero sige pagbibigyan ko siya. Kung mananalo sila.”
“Senior Lazarus.” Tawag naman ng Head ng Gaming Technologist. “Gusto ko lang pong ipaalam na ang Clan of Kings ang currently undefeated clan sa ten by ten frlag game.”
“What?” Hindi makapaniwalang reaction ko. Naramdaman kong napangiti ang ilan sa naging reaction ko. Mukhang ako ang magigisa sa sarili kong mantika.
Sa isang monitor pinakita ang statistic ng Kings sa ten by ten flag game. Base sa statistic ay makikita ang malaking kalamangan ng Kings sa iba pang Clan. Kahit na naglalaro ang mga ito na hindi pillars ang mga kasama.
Pero malalaman natin kung tama nga ang sinasabi ng statistics. Umupo ako sa gitna ng Solaris Game room at hinintay ang magaganap na laban.