Tanghali na nagising sina James at Emily, dahil na rin sa pagod at puyat nila sa nag daang gabi. Naka dalawang ulit pa kasi si James. Isa ng tumapat ang midnight at humirit pa siya bago mag-umaga. Kaya naman tanghali na ay hindi pa rin sila nagigising na dalawa. Kung hindi pa pumasok sa kuwarto nila ang mainit na sikat ng araw ay hindi pa magigising si James. Napangiti pa siya ng makita ang mukha ni Emily na naka siksik sa kanyang leeg. Hinalikan pa ni James, ang dalawa sa kanyang ulo saka dahan-dahan na bumangon. Tumayo siya at naglakad patungo sa may glass wall, saka ibinaba ang blinds, para hindi mainitan si Emily. Agad din siyang pumasok sa banyo upang magtinis ng katawan. Kailangan din niyang magluto muna ng kanilang agahan, dahil alam niyang nagugutom na si Emily ngayon. Nang mata

