Limang minuto lang ang itinagal nilang lumangoy at narating na nga nila ang malaking bato sa gitna ng tubig. Pina una muns ni James, si Emily na maka sampa sa ibabaw ng bato, saka siya sumunod sa dalaga. "James, tingnan mo ang mga naka kapit sa mga bato oh! ang daming talaba..." sabi ni Emily, saka muling lumapit sa kung saan sila umakyat kanina at muling tiningnan ang mga talaba na nakita niya kaninang pag akyat niya. "Hhh! nasaan ang talaba? you mean, oyster? may oyster dito?!" hindi maka paniwalang tanong ni James, sa dalaga. Ilang beses na rin kasi siyang nagpupunta dito noon, ngunit hindi man lang siya nakakita kahit isang talaba. "Hayan sila oh, naka kapit sa bato... ang dami kaya..." tuwang-tuwa si Emily na itinuro ang mga talabang baka kapit sa bato. "Where? wala naman ah!

