Hindi mapakali si Ate Maring, habang iniisip ang kalagayan ng kanilang Ma'am Natasha. Dalawang linggo na kasi itong umiinom at nagkukulong sa kuwarto niya. Naka ilang balik na rin sila sa kuwarto, upang magdala ng mga bagong Wine, at saka kukunin na naman nila ang mga basyo para itapon. Mabilisang linis lang din ang kanilang ginagawa sa kuwarto ng kanilang Ma'am Natasha, dahil ayaw nitong nagtatagal sila sa loob ng kuwarto niya. Nangingitim na rin ang paligid ng mata ni Natasha at pumayat din itong lalo ito dahil sa ginagawang pagpaparusa sa kanyang sarili. Dahil iyon sa laging pag-inom at hindi pagkain ng maayos. "Ate Maring, ano bang gagawin natin kay Ma'am Natasha? baka kung mapa'no na siya sa loob ng kanyang kuwarto. Dalawang linggo na siyang umiinom ng alak, baka magkasakit na ang

