Matapos ang mga kaguluhan sa buhay ni Jasmine at Dylan ay naging maayos na rin ang kanilang mga buhay. Wala na silang kinakatakutan, na baka mayroon na naman mangulo sa kanilang pamily. Napàtày din ni Nathan ang babaing puno't dulo ng mga paghihirap ni Jasmine, na si Charize Gonzales. Ang nag-iisang anak ng kumpare at Business partner ni Clay Atamera na si Leo Gonzales. Si Charize din ang sumagasa kay Jasmine noon na muntik na nitong ikasawi. Silang mag-ama din ang nagpa kidnap kay Jasmine at si Charize parin ang bumaril kina Dylan at Jasmine. Kaya muntik na rin namàtày si Dylan, dahil sinalo nito ang bala na para sana kay Jasmine. Sina Nathan at Heather naman ay masayang nagsasama at hinihintay ang pag silang sa kanilang unang anak. Babae ang kanilang Baby, kaya excited na si Nathan na

