JAMES'S POV ANG SAYA ng aking pakiramdam, habang pinagmamasdan ko ang aking mag-ina. Nandito kami ngayon sa tabing dagat at eni-enjoy ang magandang tanawin sa gabi, dito sa Del Valle Private Island. Gumawa din ako ng bonfire, para magkaroon ng liwanag ang paligid namin. Nasa Resthouse lang ang ilaw at nasa mataas na bahagi rin ang kinatatayuan nito. Kaya hindi na abot ng liwanag dito sa tabing dagat. Napaka dami na rin mga puno ng niyog dito, kaya medyo madilim na ang paligid dito sa dalampasigan pagsapit ng gabi. "Daddy, come over here!." pagtawag sa akin ni Jj. Nakatayo lang kasi ako dito sa may tabing dagat, habang pinapanood ko ang aking mag-ina na naka upo sa naka latag na banig sa may buhangin. Habang naglalaro naman si Jj ng mga wooden blocks na paborito niyang laruin. "Coming

