Naiwan si Emily, sa loob ng kanyang kuwarto na umiiyak, habang yakap yakap niya ang kanyang isang anak. Para din siyang kakapusin ng hininga, dahil sa sakit na nadarama niya sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay parang dinudurog ang kanyang puso sa hapdi at parang pinag pira-piraso ito sa sobrang sakit. Hindi inakala ni Emily, na sa ganitong paraan sila magkaka walay ng kanyang anak na lalaki. Ang inaakala niya ay kakausapin siyang mabuti at magkakaroon sila ng agreement na susundin. Kaya ngayon na wala na ang kanyang anak ay para na rin siyang pinatay. Pati ang yakap niyang sangol ay nagpapa lahaw din sa iyak katulad niya. Siguro ay nararamdaman din nito ang sakit na nararamdaman ni Emily, dahil sa pagka walay ng kakambal nito sa kanya. Marami pa naman ang nagsasabi na kapag pinaglayo daw

