MAG KASAMA sina Emily at Jasmine sa kanilang Puwesto sa Palenke. Wala kasing pasok si Jasmine, dahil Sabado. Kaya sumama na naman siya sa kanyang ina sa Palengke. Habang abala si Emily, sa pag asikaso sa kanilang mga paninda ay hindi niya inaasahan na muli na naman siyang tatanungin ng kanyang anak, tungkol sa pangarap nitong maging Fashion Designer. "Nay, payag na po ba kayo na sa Maynila ako mag-aral next year?" tanong sa kanya ni Jasmine, habang patulog na nag guguhit ng mga denedesenyo niyang damit sa mga bond paper. Ito kasi ang naging libangan ni Jasmine magmula pa noon. Kapag nasa bahay naman ang kanyang anak ay ang paggawa naman ng mga Souvenir items ang pinag kakaabalahan niya. Hinahayaan lang ni Emily, ang kanyang anak dahil kumikita naman si Jasmine sa mga Souvenir na nilala

