Nathan's POV Mula ng mamàtày si Mommy at ipinag tapat sa amin ni Dad ang kanyang ginawang pag lilihim tungkol sa aking kakambal ay hindi na kami tumigil ni Dad, na hanapin ang tunay kong ina. Mag mula din ng mamàtày si Mommy, ay muli kaming nagka lapit ni Dad. Hindi naman sa ayaw namin sa isa't-isa, kaya lang napaka busy kasi ni Dad, noon at halos wala na siyang oras para sa amin ni Mommy. Si Mom, lang talaga ang mayroon oras sa akin noon, dahil mas pinili niya na maging full time housewife at alagaan ako. Hindi naman nagkulang sa paalala sa akin si Mommy, kaya alam kong nagiging busy si Dad, dahil sa mga Negosyo na minana ni Mommy sa kanyang parents. Ipina mulat din sa akin ni Mommy, ang kahalagahan ng mga negosyong pina patakbo ni Dad. At kahit bata pa ako noon ay sinanay na ako ni

