Habang pinapanood ko si James, na pababa sa hagdan ay para naman akong tatakasan ng ulirat. Napaka sakit isipin na ito na ang huling sandali na makikita ko siya. Tanging ang kanyang likod na lamang ang huling larawan na maiiwan sa aking paningin at isipan, at ito'y habang pababa siya sa hagdan at mabilis na naglakad pababa sa dalampasigan. Umaasa din ako na lilingunin pa niya ako, kahit sa kahuli-huliang sandali, ngunit nabigo ako. Dahil hindi na talaga siya lumingon sa akin at tila wala din siyang nakikita sa paligid niya, dahil deretso lang siyang naglakad. Para akong nauupos na kandila sa aking kinatatayuan, dahil sa panghihina ng aking katawan, samahan pa ng matinding sakit na aking iniinda sa aking puso. Napaka sakit! hindi ko inakala na ganito kasakit ang kahahantungan ko, matapos

