Hindi ko pinansin si Natasha, mula sa island hanggang makarating kami ng Airport. Deretso lang ako isang kuwarto at saka ako naligo. Hindi na rin akong nang-abalang mag shave, dahil nawalan na ako ng gana sa mga bagay-bagay. Agad din akong nagbihis at nag spray ng pabango, saka ko kinuha ang mga gamit ko at mga mahahalagang documents na kakailanganin ko, saka ako muling lumabas ng kuwarto. Muli kong nilampasan si Natasha, habang may kausap siya sa kanyang cellphone. Para kasing hindi na siya nag e-exist sa paningin ko, kahit nandyan lang siya sa paligid ko. Tanging si Emily, lamang ang laman ng isipan ko at kung saan siya dinala ni Dra. Romano. Alam kong sumusunod lang si Dra. Romano, sa lahat ng ini-utos sa kanya ni Natasha. Dahil napaka laki ng utang na loob ni Dra. sa ama ni Natasha

