"Mommy, bakit hindi mo sinabi sa amin?" umiiyak na tanong ni Nathan, sa kanyang Mommy Natasha. "A-Anak, s-sorry!, d-dahil nag lihim... si M-Mommy...Ayaw ko lang mag--- alala k-kayo ng d-daddy mo sa akin...." sagot ni Natasha, kahit nahihirapan siyang mag salita ay pinipilit parin niyang makipag usap kay Nathan. Mahal na mahal talaga niya ang kanyang anak at kahitna meron na siyang malubhang karamdaman ay mas inu-una parin niya ang kapakanan ni Nathan. "Mom, mag pahinga kana lang, para mabilis kang gumaling. Hayaan mo Mommy, dahil ako naman ang mag-aalaga sayo ngayon." sabi ni Nathan, saka hinalikan ang likod ng kamay ni Natasha, habang umiiyak. "A-Anak k-ko!..." muling sambit ni Natasha, tila gusto pa niyang kausap si Nathan at bilinin ito at mag iwan ng mga pangaral. "N-Nathan...

