GULAT na gulat ang mga Employee at ibang mga nasa mataas na posisyon, dahil sa biglang pagsulpot ng kanilang CEO. Halos hindi sila mag kanda ugaga sa pag gawa ng kanilang mga Report, dahil sa takot na mawalan sila ng trabaho. Nagkaroon ng Emergency Meeting ang Board and Stock Holders ng Albert's Group of Companies, dahil sa pag dating ng kanikang CEO na si James Del Valle. Kasama din sa Meeting ang nag-iisang taga pagmana ng Albert's Group of Companies na si Nathan Albert Del Valle. Halos buong araw ang itinagal ng kanilang Meeting. Naka schedule din kinabukasan ang pagsu- submit ng mga Report ng bawat Department. Ang hindi makapag pasa ng kanyang Report ay automatic na matatanggal sa trabaho. Halos umiyak sa takot ang mga employee dahil sa biglaang pagbibigay ng Report sa kanilang CEO.

