Chapter 5 - Lurhen "Heartbreak"

2026 Words
Kahit na antok na antok ay nagising ako nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko. Halos kauuwi ko lang galing sa shift ko nagpalit lang ako ng damit at nag-toothbrush saka humiga na. Hindi na ako kumain kasi busog pa naman ako at gusto ko lang ilapat ang pagod na katawan ko sa malambot na higaan. Agad ako bumangon sa pag-aakala na si Erwin ang tumatawag pero nagtaka ako dahil hindi familiar ang number mula sa screen. Naisip ko na emergency iyon dahil ilan lang naman ang nakakaalam ng number ko sa Pilipinas kaya sinagot ko. "Hello!" nakapikit na sagot ko. "Is this Ms. Lurhen Yvez Sales?" pormal na boses ng lalaki mula sa kabilang linya. Minulat ko ang mga mata ko saka tiningnan ulit ang screen. Nagtaka ako dahil binanggit niya ang buong pangalan ko tanging mga malalapit na tao lang ang nakakaalam noon. "May I know who's on the line?" balik tanong ko dahil hindi pamilyar sa akin ang boses niya. "I am Attorney Clinton Vargas and your father Mr. Ignacio Sales is my client," pagpapakilala niya at napabangon ako ng marinig ko ang pangalan ng Papa ko. "Client? Bakit kailangan niya ng abogado at para saan? Ano ang nangyari sa kanya? Nasaan siya?" nag-aalala na tanong ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla ako kinabahan. Ang bilis-bilis ng t***k nang puso ko. Dalawang taon na mula ng huli kong nakita si Papa. Hindi kami madalas mag-usap sa phone dahil hindi magtagpo ang oras namin. Busy kasi siya sa negosyo niya samantalang busy rin ako sa trabaho ko. Noong umuwi ako last time para magbakasyon ay ilang araw ko lang siya nakasama dahil may kailangan siya asikasuhin. Kahit na ganoon ay hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sa kanya at ganoon din naman siya. "I'm not sure if I should tell you everything over the phone," may alinlangan na tugon niya at mas lalo akong kinakabahan. "Please, sabihin na po ninyo sa akin kung ano po ang nangyari kay Papa. Nasaan po ba siya ngayon?" pakiusap ko at narinig ko na huminga siya ng malalim. "Please!" demand ko ng hindi siya tumugon. "Okay Ms. Sales, but I must warn you that I'm just doing what my client told me to," sabi niya. "Your father passed away last week due to kidney failure. He was diagnosed with Chronic Kidney disease two year but because of his diabetes he can't just undergo an operation without any complications. He went abroad to get a second opinion and also seek medical treatment. To make the story short, his condition got worse and he passed away in his house last week. His request was to be cremated after and wait for one week before I inform you. He also told me that you already know what to do with his remaining," salaysay niya. The moment I heard the first sentence my mind went blank. Namamanhid ang buong katawan ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Pumikit ako ng mapuno ng luha ang mga mata ko saka tumungo. Maya-maya lang ay hindi ko na napigilan ang humagulgol. Parang tinutusok ng ilang beses ang puso ko at ang sikip-sikip ng dibdib ko. "Papa, sorry!" paulit-ulit na sigaw ko sa pagitan ng pag-iyak ko. Wala man lang ako nagawa para sa kanya. Bakit kailangan sa ganitong paraan pa niya ako iniwan? Hindi ko siya naalagan katulad ng pangako ko sa kanya noon. Ang sakit-sakit dahil sa panahon na kailangan niya ako ay wala ako sa tabi niya. Sa sobrang busy ko hindi ko nagawa na kumustahin siya dahil kampante ako na okay lang siya. Hindi sumagi sa isip ko na magkasakit siya dahil sobrang lakas niya at wala siyang bisyo sa katawan. "Bakit hindi niya sinabi sa akin na may sakit siya? Bakit ngayon ko lang nalaman? Anong klaseng anak ako? Wala akong kwentang anak hindi ko man lang siya nakasama kahit sa huling oras niya," naiiyak na sabi ko. "May iniwan siya na sulat para sa iyo. I will scan it and send it to your email after this. Baka nandoon ang mga sagot na kailangan mo. I'm really sorry for your loss Ms. Sales, he is a good guy and I can say that he really loves you," sabi niya at huminga ako nang malalim saka tumingin sa kawalan. "Ano ang dahilan niya para hindi ipaalam sa akin ang kalagayan niya? Kung mahal talaga niya ako hindi niya ako iiwan ng ganito. Magpapaalam siya sa akin ng maayos at hindi na lang siya basta-basta mawawala," bulong ko habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. "I also need to discuss something with you but I understand this is not the right time. You can call me in this number or email me once you are ready. Again, my sincere condolences to you. I will wait for your immediate response," sabi niya. "Okay. Thank you," tugon ko bago siya nawala sa kabilang linya. Ilang oras na ang lumipas pero hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko. Ang bigat ng pakiramdam ko at ramdam ko ang namumugtong mga mata ko. Nakatitig lang ako ako sa phone ko nakapatong sa lamesa. Umaasa na magigising ako sa bangungot na ito pero hindi iyon ang sinisigaw ng isip ko. Kinuha ko ang laptop ko ng maalala ang sinabi ng kausap ko kanina. Saglit na pumikit muna ako at huminga ng malalim bago ko binuksan iyon. Napahagulgol ulit ako ng makita ko ang subject ng email. "To my one and only love," bigkas ko habang umiiyak. Iyon lagi ang sinasabi ni Papa ako lang at tanging ako lang ang mamahalin niya kaya hindi na siya nag-asawa ulit. Para sa kanya ay sapat na ako at masaya na siya. Kahit mabigat sa kalooban ay binasa ko ang sulat niya. Ang bawat salita ay tumatagos puso ko. Naririnig ko ang boses ni Papa na para bang siya mismo ang nagsasalita. Matagal na pala niya alam ang tungkol sa sakit niya. Ayaw niya sabihin sa akin dahil ayaw niya na mag-alala ako at ayaw din niya makita nasasaktan ako. Naiinis ako sa kanya dahil pinagkait niya sa akin ang karapatan ko na alagaan siya bilang anak niya. Normal lang na mag-alala at masaktan ako dahil mahal na mahal ko siya pero mas gugustuhin ko na makasama siya lalo na kung iyon na ang huling pagkakataon. Niyakap ko ang sarili ko dahil iyon ang gusto ko sana gawin sa kanya. "Ang daya-daya mo naman, Pa. Alam mo po lahat ng mga plano ko at ang sabi mo pa nga po hinding-hindi ka mawawala. Paano na ngayon?" malungkot na sabi ko. Ipinagpatuloy ko pa ang pagbasa at natigilan ako. Humingi siya ng dispensa dahil hindi na niya magagawa na ihatid ako sa altar. Binanggit niya na kinausap siya ni Erwin at personal na hinihingi ang blessing niya para pakasalan ako. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang emosyon. Lahat naman ng mga kababaihan ay pinangarap iyon pero ang sakit dahil hindi na mangyayari iyon sa akin. Kinuha ko ang unan ko at yinakap iyon ng mahigpit saka pumikit. "Sana hinayaan mo ako makita at makasama ka sa huling araw mo," bulong ko. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako ng marinig ko ang alarm ng relo ko. Hindi ko maimulat ng maayos ang mga mata ko at ang sakit din lalamunan ko. Napatingin ako sa bukas ko na laptop at tumingin sa kisame. Naramdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko at naramdaman ko na ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Kinuha ko ang phone ko para tawagan ang Supervisor ko. Hindi ko kaya magtrabaho sa ganitong kalagayan kaya magpapaalam ako sa kanya. Pumayag man siya o hindi ay bahala na siya. "Hello Sir, I can't come to work today because I'm not feeling well," pagpapaalam ko pagsagot niya sa tawag ko. "Okay," tugon niya at nagtaka ako pero nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na kailangan makipagtalo sa kanya. "Thank you," sabi ko bago ko pinatay ang phone ko Bumangon ako at umupo sa harap ng laptop para tapusin basahin ang sulat niya. Walang tigil ang pagdaloy ng luha ko habang nagbabasa. Mas pinili niya ang magpa-cremate kasi ayaw niya makita ko siya sa loob ng kabaong. Hindi rin niya pinaalam sa iba dahil ayaw niya na malungkot sa pagkawala niya at iyakan siya. Napangiti ako dahil ganoon naman talaga si Papa ayaw niya makita na malungkot ang mga tao sa paligid niya. Gusto niya na maalala siya ng mga tao kung ano siya at hindi dahil sa sakit niya. Maya-maya lang ay narinig ko ang katok sa pinto ko kaya tumayo ako. Si Samuel ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto. Nagulat siya ng makita niya ako at agad niya ako yinakap. Hindi ko na napigilan ang humagulgol sa kanya. "Pinapunta ako rito ng dragon para tingnan kung okay ka lang. Sabi mo raw kasi masama ang pakiramdam mo akala ko pinagtitripan mo lang siya. But upon seeing you and now hearing you cry there must be something wrong. What happened?" puno ng pag-aalala na tanong niya habang hinihimas ang likod ko. Tumingin ako sa kanya ay inalalayan niya ako na pumasok sa loob at umupo. Tinuro ko ang laptop ko at binasa niya. Bakas sa mukha niya ang lungkot at nilapitan niya ako para yakapin ng mahigpit. Hindi pa nakikilala ng personal ng mga kaibigan ko si Papa pero nakikita at nakausap nila kapag magka-video call kami. "Yve, sorry for your loss. Alam ko kung gaano mo siya kamahal at sobrang mahal na mahal ka rin niya dahil kahit sa pinakahuling araw niya ay ikaw pa rin ang iniisip niya. Masyado lang siguro masakit sa kanya ang ideya na nandoon ka sa tabi niya habang nakikita mo siyang nahihirapan. At least now he is in a good place and no more pain," pagkokonsola niya sa akin at mas lalo akong naiyak. "Pero gusto ko sana nandoon ako sa tabi niya hawakan ang kamay niya, yakapin siya ng mahigpit at sabihin na magiging okay lang ako. Sa loob ng ilang buwan mag-isa lang niya hinaram ang sakit niya. Ang sakit lang isipin na wala akong nagawa para damayan siya o pagaanin ang nararamdaman niya," umiiyak na sabi ko at tinatapik niya ako sa braso. "Ano ang plano mo ngayon? Alam na ba ni Tita?" tanong niya at huminga ako ng malalim. "Kailangan ko umuwi, Sam. Ang sabi ng Attorney niya nasa bahay niya sa Batangas ang ashes ni Papa. Sinabi rin niya na may mga kailangan kami pag-usapan. Base sa sulat ni Papa ako pa lang ang nakakaalam ng pagkamatay niya," tugon ko. "Mas mabuti pa ay kausapin mo muna iyong abogado para malaman mo kung may mga ibinilin pa si Tito. Para na rin magkaroon ka ng ideya kung matagalan ka ba kapag nagpaalam ka na. For sure may mga aasikasuhin ka like iyong bahay at negosyo ni Tito," sabi niya at tumango ako bilang pagsang-ayon. Iyon nga ang dapat gawin ko ang kausapin si Attorney Vargas. Hindi ko alam kung may iba pang property si Papa bukod sa bahay niya sa Batangas. Naisip ko rin kung paano ang negosyo niya pati na rin ang mga empleyado niya. Next month ay tapos na ang contract ko kaya malaking bagay na malaman ko kung ano mga sasabihin niya para mag-decide ako kung magbakasyon lang o mag-exit na ako. "Hindi ko muna sasabihin kay Mama hanggang hindi ko pa nakakausap ang abogado ni Papa. Sobrang bilis ng mga pangyayari at parang isang masamang panaginip lang ang lahat ng ito. Sinubukan ko tawagan ang number niya kanina hoping na sasagot siya at sasabihin niya sa akin na panaginip lang ang lahat ng ito. Ayaw niya sisihin ko ang sarili ko sa pagkawala niya pero hindi ko maiwasan lalo na kapag naiisip ko na ang daming pagkakataon na pwede ko siyang tawagan. I took him for granted. Masyado akong focus sa sarili kong kaligayahan at nakalimutan ko na tumatanda na rin siya. Dapat ay binigyan ko siya ng oras at attention kahit na sobrang busy namin. Nasa huli talaga ang pagsisisi," malungkot na sabi ko habang pinapahid ang luha sa pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD