Chapter 6 - Lurhen "Loosing someone"

2011 Words
"Condolence," malungkot na sabi ni Josephine at niyakap niya ako ng mahigpit. Ganoon din ang sinabi ni Samuel at Carla bago nila ako yinakap. Ilang araw na ang lumipas mula ng malaman ko ang nangyari kay Papa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ang sakit isipin na sinolo niya ang lahat at mas pinili niya na itago iyon dahil ayaw niya ako masaktan. Hindi ko lubos na maintindihan ang dahilan niya pero wala na akong magagawa dahil wala na siya. Hindi ko man lang siya na yakap at na sabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi man kami laging magkasama at magkausap pero lagi niya pinaparamdam nandiyan lang siya para sa akin. Nakakalungkot isipin na hindi na niya makikita ang pagtupad ko sa mga pangarap ko. "Ano ang plano mo ngayon?" tanong ni Carla at napayuko ako saka pinahid ang luha sa pisngi ko. Katatapos ko lang ikwento sa kanila ang tungkol sa pagkawala ni Papa pati na rin ang mga napag-usapan namin ng abogado niya. Ilang araw din ako wala sa sarili pero si Samuel lang ang nakakaalam kung bakit. Kahapon ay pinag-uusapan namin ni Atty. Vargas ang nilalaman ng huling habilin ni Papa. Nasa bahay ni Papa sa Batangas ang ashes niya at gusto niya na ako ang mismong magsaboy noon sa dagat na malapit sa bahay niya. Nabanggit ko kay Atty. Vargas na malapit na matapos ang kontrata ko kaya pwede ako umuwi para asikasuhin ang mga kailangan. "Malaking pera ang iniwan ni Tito sa iyo at sa tingin ko sobra pa iyon para hindi ka na mag-renew ng kontrata mo," paalala ni Josephine at napatingin ako sa kanya. "Hindi lang sobra umaapaw pa," dagdag pa ni Carla. Last year ay binenta ni Papa ang negosyo niya at ang pinag-bentahan noon nakalaan para sa akin. Ang katwiran niya ay hindi na niya kayang patakbuhin ang negosyo niya. Ayaw niya ako obligahin na ipagpatuloy iyon dahil alam niya kung ano ang gusto kong gawin. Hindi ako makapaniwala ng banggitin niya sa akin kung magkano ang iniwan ni Papa sa akin. Para akong nanalo ng jackpot sa lotto dahil sa isang iglap ay naging milyonaryo ako. Bukod kasi sa negosyo ay nag-invest din siya sa stock market at iba pa. Nalula ako sa laki ng halaga at hindi ko lubos isipin na ganun na pala kayaman si Papa. Base sa mga bilin ni Papa gusto niya na gamitin ko iyon para sa pangarap namin na Restaurant ni Erwin at para sa pagpapakasal namin. Iyon lang daw kasi ang maireregalo niya sa amin at maitutulong niya para hindi na ako umalis ng bansa. Hanggang sa huli ay kapakanan ko pa rin ang iniisip niya. Ang bahay niya sa Batangas at ilang asset ay pinalipat na niya sa pangalan ko. Nakakatawa isipin na pinaghandaan talaga niya lahat ng maiiwan niya. "Iyon mismo ang dahilan ni Papa kung bakit niya binenta ang negosyo niya. Ayaw na niya ako umalis ng bansa at ang gusto niya ay mag-focus ako sa pangarap namin ni Erwin at sa pagbuo ng pamilya," malungkot na tugon ko. Hindi ko mapigilan ang maiyak dahil isa sa mga pangarap ko ang maihatid niya ako sa altar. Hindi na iyon mangyayari at hindi ko malalaman kung ano ang pakiramdam dahil wala na siya. Kung sakali nalaman ko agad ang karamdaman niya ay hindi na namin pinatagal pa ni Erwin ang pagpapakasal. Nalulungkot ako dahil nawala na lang siya ng hindi personal nagpaalam sa akin. Naiinis ako sa kanya dahil hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na alagaan at samahan siya. Makabawi man lang ako sa mga panahon na hindi kami magkasama. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi ko siya binigyan ng oras at atensyon. Sa sobrang busy ko sa mga bagay-bagay hindi ko man lang napansin na may kakaiba sa kanya. Nanghihinayang ako dahil hindi ko na siya makakasama. "Pinatunayan lang niya Lurhen kung gaano ka niya kamahal. Gusto lang niya na maging masaya ka at magkaroon ng sarili mong pamilya," sabi ni Carla at pinahid ko ang mga luha ko habang tumatangotango. "Alam na ba nina Tita at Erwin?" tanong naman ni Samuel at umiling ako. "Hindi pa kami nag-usap ni Erwin dahil busy siya sa Catering this past few days. Ayaw ko naman ipaalam sa kanya through chat dahil gusto ko personal ko sabihin sa kanya. Nag-aalala rin ako na baka makadagdag ako sa mga isipin niya ngayon. Sinugod kasi last week si Tita sa ospital dahil tumaas ang sugar at blood pressure niya. Hindi maganda ang kalagayan niya at kailangan tutukan. Ang huling napag-usapan namin ay magiging abala siya dahil ang mga kapatid niya ang magaasikaso kay Tita sa hospital at siya naman sa business nila. Isa sa mga bilin ni Papa ayaw niya ipaalam kay Mama ang nangyari sa kanya kaya technically tayo at si Atty. Vargas pa lang ang nakakaalam. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya ipaalam kahit pa nga sooner or later ay siguradong malalaman din naman ni Mama. Iniisip siguro niya na wala ng pakilagyan sa kanya si Mama. Naguguluhan pa ako sa kung ano ang gagawin ko," tugon ko. "Sa palagay mo ano kaya ang magiging reaksyon ni Tita?" curious na tanong ni Carla. "Sigurado ako na malungkot siya at magugulat pero pipilitin niya na itago iyon. Hindi niya ipapakita iyon lalo na sa akin. Sa kanila kasing dalawa si Mama ang unang sumuko. Sabi nga ni Papa lumayo lang siya para bigyan ng time si Mama pero hindi para humanap siya ng iba. Nararamdaman ko naman na mahal pa nila ang isa't isa pero syempre dahil sa sitwasyon kaya hindi na sila nagkabalikan pa. Hindi na nga nag-asawa pa si Papa kasi para sa kanya sapat na raw ako pero alam kong dahil mahal pa rin niya si Mama," malungkot na tugon ko. "Ganyan talaga ang buhay may mga bagay na hindi natin kontrolado. May mga desisyon tayo na akala natin ay nakakabuti pero hindi natin alam mas makakasama pala. Kung hindi binigyan ni Tito si Tita ng space baka naayos pa nila ang relasyon nila. Mahalaga talaga ang komunikasyon sa isang relasyon at tiwala na rin sa isa't isa. Naniniwala ako na lahat ng bagay ay may dahilan," makahulugan na sabi ni Josephine. "That's life! We have to accept everything, be positive and move forward." Kibit-balikat na sabi ni Samuel. "Kung ako ang nasa kalagayan mo Lurhen hindi na ako mag-renew ng contract ko dahil iyon naman talaga ang gusto niya. Sobra-sobra pa nga iyong iniwan niya para makapag-simula na kayo ni Erwin. Iniisip siguro niya na hindi ka na bumabata at by this time dapat ay may pamilya ka na. Iyon ang gusto niya mangyari kaya mas mabuti kung iyon ang gawin mo," payo ni Josephine at tumango naman si Carla bilang pagsang-ayon pati na rin si Samuel. "Hindi na ninyo kailangan maghintay pa ng ilang taon para magpakasal. Ito na ang magandang pagkakataon para matupad na ninyo ang mga pangarap na matagal na niyo pinaplano. Hindi na ninyo kailangan malayo pa sa isa't isa. Nawala man si Tito pero for sure matutuwa siya na makita na masaya ka," nakangiti na sabi ni Samuel para pagaanin ang pakiramdam ko. Noon sa tuwing tinatanong niya ako kung kailan ba kami magpakasal ni Erwin ang lagi ko sagot ay nag-iipon pa kami. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ni Papa na lahat ng babae ay dapat masaya sa araw ng kasal dahil isa iyon sa malaking kaganapan sa buhay niya. Hindi kailangan magarbo dahil ang mahalaga ay masaya at bukal sa kalooban. "Pero paano ang plano namin ni Erwin na magbakasyon siya rito?" tanong ko. "Huwag mo na muna sabihin sa kanya na pauwi ka para masupresa mo siya. Sabihin mo sa kanya na extend ng isang buwan ang kontrata mo kaya wala ka pa maibibigay na araw kung kailan ang bakasyon mo. Umuwi ka na muna para asikasuhin mo ang lahat ng kailangan. Tungkol sa bakasyon pwede naman ninyo iyon gawin kahit kailan ninyo gustuhin at take note kahit saan pa," suggest ni Samuel at napaisip ako. "Malulungkot din siya kapag nalaman niya ang tungkol kay Tito dahil kahit paano nakasama rin niya. Matutuwa naman siya once na malaman niya na hindi mo na kailangan umalis ng bansa. Matagal na niya gusto na pauwiin ka para magawa na ninyo lahat ng plano ninyo at ngayon siguradong magagawa na ninyo iyon na magkasama," sabi ni Carla. "Huwag ka na malungkot Thea, ang isipin mo na lang nasa masaya at mapayapang lugar na siya. Hindi na siya nakakaramdam ng sakit at iniwan ka niya na may ngiti sa mga labi dahil alam niya na magiging masaya ka," pagkokonsola sa akin ni Samuel at huminga ako nang malalim. Kailangan ko na tanggapin ang lahat at kahit ano pa ang gawin ko ay hindi ko na maibabalik ang mga nangyari. Kung nasaan man si Papa ngayon alam kong babantayan niya ako kaya kailangan ipakita ko sa kanya na hindi nasayang ang mga iniwan niya. Mahal na mahal ko si Papa kaya kahit masakit isipin na hindi ko na siya makakasama kailangan ko maging matatag. "Malalampasan mo rin iyan Lurhen, nandito lang kaming tatlo para sa iyo. Lagi mo isipin nandiyan lang si Tito lagi nakabantay sa iyo," sabi ni Carla at inakbayan ako. "Mukhang sabay pa ata tayo uuwi niyan," nakangiti na banggit ni Josephine at napangiti ako. "Kailangan mo na magpaalam ng maaga dahil baka harangin pa ng dragon. Siguradong hindi niya magugustuhan ang balita na aalis ka na lalo na kapag sinabi mo sa kanya na magpapakasal ka na," natatawa na sabi ni Samuel at napasimangot ako ng maalala ko ang tinutukoy niya. "Dalawa na lang pala kami maiiwan dito ni Bakla? Parang gusto ko na rin tuloy umuwi," may bahid ng lungkot na sabi ni Carla. "Pwede rin naman na umuwi na tayong lahat. Kung gusto ninyo partner tayo sa Restaurant na ipapatayo namin ni Erwin for sure kakailanganin ko ng makakasama dahil hindi pa naman pwede basta-basta iwan ni Erwin ang business nila. Kung bet lang naman ninyo," suggest ko at nagkatinginan ang tatlo saka tumingin sa akin. "Mukhang magandang ideya nga iyan pero pag-usapan muna ninyo ni Erwin. May ilang buwan pa naman kami ni Carla bago matapos ang contract namin kaya pwede pang pag-isipan at pag-usapan," tugon ni Samuel at tumango naman si Carla. "In ako tutal nag-iisip na rin naman ako ng pwedeng pagka-abalahan ko pag-uwi. Pero tama si Sam pag-usapan muna ninyo ni Erwin kasi baka hindi siya agree sa ideya mo. Kung sakali na pumayag nga siya saka natin planuhin ng maayos," sabi ni Josephine at tumango ako. "Siguradong magugulat silang lahat sa pag-uwi ko lalo na si Erwin. Hindi ko lang sure kung ano ang magiging reaksyon niya dahil excited pa naman siya na makarating dito para magbakasyon. May ibang pagkakataon pa naman para magbakasyon kami at mas ma enjoy pa namin iyon," nakangiti na sabi ko pero kalaunan ay nawala ang ngiti sa labi ko. "Malungkot at mabigat ang kalooban ko pero excited ako umuwi. Hindi ko lang talaga inaasahan na sa ganitong paraan ako uuwi," malungkot na sabi ko. "Gusto ko na makita si Papa," emosyonal na sabi ko saka pilit na ngumiti. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Pinagsisihan ko na binalewala ko siya. Nasanay ako na kahit hindi kami araw-araw mag-usap at magkita ay nandiyan lang siya. Naging kampante ako na okay lang siya without thinking na sa edad niya posibleng may maramdaman siya na kakaiba. Alam kong walang dapat sisihin pero hindi ko mapigilan na hindi magalit sa sarili ko. May nasabi o nagawa siguro ako para isipin niya na okay lang na hindi niya sabihin sa akin ang karamdaman niya. Ayaw niya ako masaktan pero mas masakit dahil hindi ko na siya mayayakap. Nilapitan nila ako ng marinig nila ang pag-iyak ko at yinakap ako nang mahigpit. Sobrang nagpapasalamat ako dahil kasama ko sila lalo na sa oras na kailangan ko ng makausap at karamay. Pinaramdam nila sa akin na hindi ako nag-iisa ngayon at malaking bagay na iyo para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD