"Nagsabi ka na sa office?" tanong ni Samuel habang kumakain kami sa cafeteria.
"Oo, nagpunta ako kahapon sa office para sabihin na hindi na ako mag-renew ng contract ko. Nagulat nga sila dahil nagbago ang desisyon ko kaya sinabi ko sa kanila ang dahilan. Mukhang sabay pa nga kami uuuwi ni Jho dahil sabi ni Fatima wala pa raw siyang ticket," sabi ko at tumango-tango siya.
"Kayo ba ni Carla mag-renew pa ba kayo?" tanong ko at nakangiti na umiling siya.
"Ako, one hundred percent sure na hindi na. Ang lungkot kaya kapag nawala na kayong dalawa rito at saka hindi ba pag-uusapan na natin ang partnership keme. Alam mo naman na matagal ko na gusto mag-stay for good sa Pilipinas naghahanap lang talaga ako ng magandang opportunity. Hindi biro ang magtrabaho na malayo sa pamilya," nakangiti na sagot niya.
Nabanggit ko na kay Erwin ang tungkol sa ideya na gawing partner ang mga kaibigan ko at pumayag naman siya. Ang sabi niya mas maganda kung pag-usapan namin ang bagay na iyon na magkaharap para mapag-usapan ng mabuti ang buong detalye.
"Ewan ko lang kay Carla kung ano ang desisyon niya alam mo na pabago-bago ng isip ang babaeng iyon. Baka manghinayang pa iyon sa mga boylet na iiwan niya rito," paliwanag niya at natawa ako.
"So, ano ang plano mo pag-uwi?" tanong niya at huminga ako nang malalim.
"Diretso ako ng Batangas para makita ko si Papa at magawa ko ang bilin niya. Nakausap ko na si Atty. Vargas at siya ang susundo sa akin pati na rin maghahatid. Marami pa rin kasi kaming kailangan pag-usapan tungkol sa mga naiwan ni Papa. Aasikasuhin na rin namin sa bangko ang account na iniwan ni Papa. Sabi ni Attorney wala naman daw specific na binilin si Papa tungkol sa bahay niya at sa akin na raw iyon nakapangalan kaya nasa akin na kung ibebenta ko o hindi," sagot ko.
"Kailan mo plano sabihin sa kanila lalo na kay Erwin?" tanong niya at nakagat ko ang ibabang labi ko.
Alam ko naman na wala akong ginagawa na masama pero nakakaramdam ako ng guilt dahil may tinatago ako kay Erwin. Nangako kami na kahit ano ang mangyari ay magiging tapat kami sa isa't isa. Ngayon lang ako may tinago sa kanya dahil lahat ng nangyayari sa akin ay alam niya at ganoon din naman siya. Sigurado na magagalit siya once na sabihin ko ang lahat pero naisip ko na maintindihan din niya kung bakit kailangan ko itago sa kanya ang lahat. Sobrang daming nangyari sa buhay namin at hindi ko na alam kung ano ang uunahin.
"Ang plano ko after ko ma-settle iyong sa bangko saka ko sa kanila sasabihin. Minsan natukso ako sabihin sa kanya pero naisip ko na masupresa siya kapag makita niya ako sa harap ng bahay nila ng hindi niya inaasahan. Excited na ako dahil matutupad na namin ang mga pangarap namin sa tulong ni Papa. Wala man siya para makita ang mga iyon pero alam ko nasaan man siya ay masaya siya para sa amin," tugon ko.
"Alam mo Lurhen may na realize ako sa nangyari sa iyo. Hindi habang buhay ay malakas ang mga magulang natin. Iyon din ang dahilan kung bakit nagdesisyon ako na hindi na mag-renew. Sorry to say this Lurhen pero ayaw ko sana pagsisihan na hindi ko sila na kasama habang may pagkakataon ako. May na realize ako na maikli lang ang buhay at matanda na sila. Sapat na siguro iyong ilang taon ko rito dahil nakapag-ipon at may mga naipundar na rin naman ako," sabi niya at napayuko ako dahil tinamaan ako sa mga sinabi niya.
Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan sana nabigyan ko rin ng oras si Papa pero huli na ang lahat. Masyado akong naging abala sa ibang bagay na hindi ko naisip na pwedeng dumating ang oras na mawala si Papa. Ang dami ko pang gusto sabihin sa kanya pero hindi ko na iyon magagawa sa harap niya.
"Sorry," sabi niya at nakangiti na umiling ako.
"Okay lang Sam. Tama naman ang mga sinabi mo at dapat lang samantalahin mo ang pagkakataon habang nandiyan pa sila. Sulitin mo ang mga oras na kasama sila dahil wala naman makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. May na realize rin ako sa mga nangyari. Maikli lang ang buhay kaya hindi dapat mag-aksaya ng oras lalo na sa mga taong mahalaga sa buhay. Hindi na namin dapat pinatagal pa ang pagpapakasal namin. Hindi ko dapat inubos ang oras ko na malayo sa kanila dahil kung tutuusin pwede naman ako mag-stay," emosyonal na sabi ko.
"Wala naman mali sa ginawa mo Lurhen, ikaw na rin ang may sabi na hindi natin alam kung ano ba ang mangyayari. Ang mahalaga hindi natin sila nakakalimutan. Lagi mo na lang isipin na hindi na mahihiraman si Tito ngayon. Siguradong masaya siya para sa iyo kaya dapat masaya ka rin," pagkokonsola siya at huminga ako nang malalim.
Ilang sandali lang ay tumayo na kami para iligpit ang pinagkainan namin dahil malapit na matapos ang break namin. May ilang linggo pa ako para paghandaan ang paguwi ko. Kailangan ko ipadala ang mga gamit ko at tamang-tama dahil nasa Pilipinas na ako pagdating ng mga iyon. Kailangan ko rin mamili ng mga pasalubong at napagkasunduan namin ni Josephine na magkasama kaming mamimili. Napadala na niya ang iba niyang gamit kaya konti na lang ang aayusin niya.
"Is it true?" bungad sa amin ni Jimboy at nagkatinginan kami ni Samuel.
Hindi ko na kailangan itanong kung ano ang tinutukoy niya dahil sigurado na alam na niya ang tungkol sa kontrata ko. Hindi na rin ako nagtataka dahil mabilis talaga kumalat ang mga balita.
"Lurhen, mauna na ako sa loob," bulong niya sa akin at nag-excuse siya kay Jimboy bago naglakad na palayo sa amin.
"Yes Sir," tugon ko.
Huminga muna siya nang malalim saka yumuko at ilang sandali lang ay tiningnan niya ako sa mga mata. Ako na ang umiwas ng tingin dahil hindi ko kaya na makipag-paligsahan sa kanya. Naiilang na rin ako kaya ko iyon ginawa.
"Is it because of me?" tanong niya.
Napatingin ako sa kanya dahil nagulat ako sa tanong niya. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa dahil ayoko naman maging bastos. Yumuko ako para kontrolin ang sarili ko.
"Paano niya nasabi na siya ang dahilan kung bakit ako aalis? Sino ba siya sa palagay niya para isipin ang bagay na iyon?" nagtataka na tanong ko sa sarili.
"No, it's not you," sagot ko at bago pa ako makahakbang ay pinigilan niya ako sa braso kaya napatingin ako sa kanya.
"Alam ko na may mga ginawa ako para mahirapan ka pero hindi iyon sapat para umalis ka. Ginawa ko lang ang mga iyon para makuha ang atensyon mo. Ang sabi mo mag-renew ka ng kontrata mo kaya nga hindi na ako nagpalit. Bakit bigla nagbago ang isip mo?" tanong niya at umiling ako.
Hindi na ako komportable sa mga sinasabi niya. Kung makapagsalita siya ay para bang may relasyon kami. Wala akong sinabi o ginawa para isipin niya na may something kami kaya nagtataka ako sinasabi niya.
"Unang-una hindi ikaw ang dahilan kung bakit. Kahit pahirapan mo ako hinding-hindi ako makikiusap at lalapit sa iyo. Sa totoo lang wala naman akong pakialam kung ano ang gusto mo gawin. Hindi ko naman siguro obligasyon na magpaliwanag at ipaalam sa iyo lahat ng desisyon ko. Huwag kang umakto na para bang may relasyon tayo dahil hindi iyon mangyayari. Mahal na mahal ko ang boyfriend ko este fiance ko pala. Para na lang sa ikakatahimik mo kaya ako uuwi ay dahil ikakasal na ako. Hindi nagkatotoo ang sinabi mo noon dahil hindi niya ako niloko at kami pa rin hanggang ngayon," sabi ko at nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"It's been nice working with you Sir and goodbye," nakangiti na sabi ko at nilampasan ko na siya.
"Ang kapal talaga ng mukha," gigil na bulong ko.
Napangiti ako pagdating ko sa station ko dahil nakahinga na ako nang maluwag. Mamimiss ko ang trabaho ko pati na rin ang mga tao na kasama ko pero good thing din na makakauwi na ako. Hindi ko na kailangan tiisin ang makita at makasama si Jimboy dahil nakakadagdag lang siya ng stress sa akin. Inabala ko na ang sarili ko sa trabaho hanggang sa hindi ko na namalayan na tapos na ang shift ko. Pagdating ko sa kwarto ko ay binuksan ko agad ang laptop ko. Napangiti ako nang makita kong online si Erwin kaya agad ko siya tinawagan.
"Hello, Mahal!" nakangiti na bungad ko pagbukas ng camera niya.
"Hi, Mahal! Kakauwi mo lang?" tanong niya at tumango ako.
"Kumusta naman ang araw mo, Mahal?" tanong niya.
"Katulad pa rin ng dati Mahal, ikaw kumusta ang araw mo? Kumusta nga pala si Tita?" tanong ko.
"Okay naman Mahal nakakapagod lang kasi fully booked kami ngayon. Nasa hospital pa rin si Mama pero by next week pwede na siya ma-discharge. Mabuti na lang at naagapan ang pagdala sa kanya sa hospital," sagot niya at bakas sa mukha niya ang lungkot.
"Sorry Mahal kung wala ako diyan sa tabi mo para matulungan ka. Huwag ka mag-alala makaka-recover din si Tita," sabi ko ng mapansin ko na bigla siya nalungkot.
Sa mga oras na iyon hinihiling ko na sana ay nasa tabi niya ako. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagod, lungkot at pag-aalala. Ilang linggo pa lang ang lumipas pero halata na ang pagpayat ng mukha niya, malaking eyebag at pamumutla. Kahit hindi niya sabihin alam kong naapektuhan siya sa nangyari sa Mama niya. Sobrang close siya sa Mama niya dahil siya ang bunso at solong lalaki kaya naiintindihan ko ang nararamdaman niya.
"Kung pwede lang sana ako umuwi Mahal agad-agad para makasama kita," sabi ko at tiningnan niya ako saka mariin na umiling.
"Hindi na kailangan Mahal magkakasama rin naman tayo diyan. Hindi ba iyon ang plano natin? Huwag mo na ako alalahanin," tugon niya at tumango-tango ako.
"Kailan nga ba ang bakasyon mo? May estimate date na ba, Mahal?" tanong niya at nakagat ko ang ibabang labi ko.
"Mahal," tawag ko sa kanya at tumingin siya sa akin naghihintay sa susunod na sasabihin ko.
"Kinausap kasi ako ng Boss ko kanina at sinabi niya na ma-extend ako ng one month kasi nagkaroon ng conflict sa schedule. Isang buwan lang naman Mahal," sabi ko.
"Okay," walang emosyon na tugon niya.
Medyo nagulat ako sa reaksyon niya dahil inaasahan ko kahit paano ay magrereklamo siya o maguusisa kung bakit. Hindi ko alam kung okay lang ba dahil wala naman siya magagawa, okay lang dahil hindi na siya excited na magkasama kami o dahil pagod lang siya. Hindi ko maiwasan at mapigilan pero base sa reaksyon niya ay nakaramdam ako ng alinlangan. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam pero kailangan ko magtiwala sa kanya at huwag mag-isip ng kung ano-ano. Napa-paranoid lang siguro ako dahil may tinatago ako sa kanya.
"Mahal, okay ka lang ba talaga?" nag-aalala na tanong ko at tumango siya.
"Pagod lang ito at puyat na rin Mahal. Busy kasi sina Ate kay Mama pero tumutulong pa rin sila rito kapag may time. Ang hirap lang kasi sa akin halos lahat ng responsibilidad dito," bakas ang pagod sa boses niya.
"Magiging okay din ang lahat Mahal," nakangiti na sabi ko at huminga naman siya nang malalim.
"Sana nga," halos pabulong na sabi niya.
"Sige na Mahal, pahinga ka na muna. Lagi mo tatandaan Lurhen na mahal na mahal kita at kahit ano ang mangyari Ikaw lang ang babae na gusto ko makasama," emosyonal na paalam niya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil na konsensya ako. Mahal na mahal niya ako at nangako kami na wala kaming itatago sa isa't isa. Hindi naman siguro masisira ang relasyon namin dahil doon.
"Mahal na mahal din kita Erwin at wala ng ibang lalaki na gugustuhin ko na makasama. Konting tiis na lang Mahal magkakasama na tayo at matutupad na natin ang mga pangarap natin. Sobrang miss na miss na kita Mahal," nakangiti na tugon ko.