Kabanata 4

2096 Words
EPISODE 4: Ang Unang Umaga sa Loob ng Mansyon IPINAKILALA rin sa akin ni Ethan ang dalawa ko pang makakasama sa bahay, 'yung lalaking kaninang umalis at nagpaalam na pumunta sa kusina ay pinangalanan niyang 'Arthur Velasquez,' ayon sa kanya, mahilig sa alak ang nasabing binata, ito raw ang paraan niya para maibsan ang lungkot na nararamdaman at makalimot na may buhay pa pala sa labas ng mansyon. Doon ko lang napagtanto na may pinagdadaanan pala silang lahat sa loob, may kanya-kanya silang dalang bagahe sa buhay, kaya ngayon nauunawaan ko na kung bakit ganoon na lang ang ipinakitang asal sa akin ni Tyron, Darrex at Jazerou. Parang hindi na nila alam o nakalimutan na nila kung paano ba makisalamuha ng tama sa iba, gumalang sa babae at makaramdam sa damdamin ng iba. Iyon pala ang pwedeng mangyari kapag matagal kang naikulong sa iisang lugar? Nawawalan ka ng karanasan sa buhay, makakalimutan mong maging tao at mawawala ang ugnayan mo sa puso ng mga nabubuhay na tao. Nakaramdam ako ng lungkot at simpatya sa kanila, kung alam ko lang sana kung kailan sila makakalabas dito ay sinabi ko na. Bigla tuloy akong natakot para sa sarili ko, paano kung pati ako ay mabulok narin sa loob ng mansyon? "Hey, bakit napa-sign-of-cross ka?" tanong sa akin ng lalaking may hawak na ukelele. Siya pala si Ash Milford, pinakilala na rin siya sa akin ni Ethan, ang pagkakalarawan niya sa lalaking ito ay mahilig daw ito sa musika, mahilig gumawa ng sarili niyang kanta, minsan maglaro ng mga iba't ibang instrumento gaya ng piano, violin at marami pang iba. Maganda raw ang boses nito at iyan ang sigurado niya, maririnig ko raw iyon balang araw kasi maya maya raw itong nakanta. Walang pinapalampas na umaga at gabi ang lalaking ito na hindi humuhuni na parang ibon. "Wala naman, may iniisip lang ako. Ang weird ko ba?" pangiwi akong ngumiti, nakaka-awkward 'di ko alam kung bakit. "Sakto lang, paano balik na rin ulit ako sa kwarto ko. Pinababa lang talaga kami ni Tyron kanina para makita ang ginagawa niyong dalawa ni Juno," Ngumiti siya at tinalikuran na ako. Namula ang pisngi ko nang muli niyang ipaalala sa akin ang nangyari, kaming dalawa nalang kasi ang naiwan ngayon sa sala ni Juno, mahimbing na siyang natutulog, nakatulog siya sa pangangatog dahil sa lamig. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil mukhang na sa maayos lang siya na kalagayan. Ang akala ko aatakihin pa siya ng lagnat katulad ng mga nasa palabas, hindi naman pala, imagination ko lang talaga ang sumusobra at lumalagpas sa reyalidad. Kasalukuyan akong kumakain ng noodles with itlog, tutal marami naman silang stock na pagkain ay tatlong pirasong itlog na ang nilaga ko. Sobrang nagutom talaga ako, bukas na lang ako kakain ng kanin, ipagluluto ko naman sila ng almusal bukas, sa ngayon, kailangan ko munang magmuni-muni dito sa sala dahil kagigising ko lang. Papanoorin ko na lang muna ang bilog na bilog na buwan na siyang sumisilip sa haligi ng mansyon, maganda rin pala ang bahay na gawa sa salamin, kita mo agad ang labas maging ang langit. Sana makabili rin ako ng bahay na ganito para hindi lang ako ang makaranas ng ganitong klaseng buhay, maging ang pamilya ko rin sana, balang araw. "Tarantado ka Jazerou, kapag nagising 'yan at makita ang mukha niya sa salamin, talagang magwawala 'yan?" Naalimpungatan ako sa mga boses na narinig ko. "Kamukha naman niya ang dino-drawing ni Jazerou sa pisngi niya, tulo laway pa nga matulog, oh. Akala mo hindi babae. Saan ba ito napulot ni Mr. Philip, sa basurahan?" Pamilyar ang boses sa akin, kung hindi ako nagkakamali kay Darrex galing ang tono ng ganoong pananalita. Matigas at palaging mataas ang boses. Napabalikwas ako ng bangon at ngayon lang napagtanto na nakatulog na pala ako sa sofa, palihim ko pang pinunasan ang laway ko pero wala na akong maililihim pa. Nakakumot narin sa akin ang kumot ni Juno kagabi. Nanlalaki ang mga mata ko, gusto kong magpakawala nang sipa pero hindi ko magawa. Ang huling naaalala ko lang kagabi ay nakahalumbaba akong pinagmamasdan ang kagandahan ng buwan tapos biglang nag-time-skip, umaga na pala. Lahat pa sila ngayon nandito sa sala at pinanood lang akong natutulog. Mr. Philip, ang weird ng mga pinaaalaga mo sa 'kin? Sigurado ka bang, mga normal na tao lang mga 'to? Ang aga-aga, maganda na agad ang ngisi ni Tyron at Jazerou, hindi ko alam kung bakit pero para sila mga asong ulul. Pinagtatawanan siguro nila ako habang tulog. Nahihiya tuloy akong kumilos nandito kasi silang pito sa baba, si Juno nakaupo lang sa sahig at nakabaluktot, habang si Ethan nakaupo sa sofa at nagbabasa ng hawak niyang libro at 'yung iba, pinapanood ang susunod kong gagawin. "Goodmorning mga sir, nag-almusal na kayo?" bati ko sa kanila na sinabayan ko nang ngiti, iyong pilit na ngiti, kahit gusto ko nang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang hiya. "Marunong ka bang magluto?" paninigurado ni Darrex, balak pa yata akong maliitin, hindi niya alam inenroll pa ako ni Mr. Philip sa culinary course para matuto akong magluto ng iba-ibang putahe. "Bakit gutom ka na?" nginitian ko siya. "Sagutin mo 'yong tanong ko," madiin niyang pagkakasabi. "Oo, marunong akong maluto!" mala-dinosaur kong sabi, nakakapikon talaga ang lalaking ito, paano ko kaya maiiwasan na 'di makipagtalo rito? Padabog akong tumayo sa harapan nila, tinitigan ko ng masama si Darrex, hindi ako magpapalamon sa mga titig niya. Hindi papasindak ang person, hindi ako papabuyo sa isang tulad niya. Walang nagpapaapi sa Pamilya Dela Cruz, lalong-lalo na sa isang tulad niya. Lakas loob akong nagwalk-out, sinubukan pa akong patidin ni Tyron pero tinapakan ko lang paa niya ng malakas, nag-sorry naman ako pero sadya. Ang aga-aga sisirain agad ang araw ko. Akala niya siguro, papabitag ako sa mga prank niya, pwes nagkakamali siya, matalino ang person tapos maganda pa, 'di ba? Maniwala ka self, sinasabi ko sa 'yo, kung ayaw mong lutuin kita ng buhay, charot. Hinahanda ko na ang mga lulutuin ko ng makita ko ang repleksyon ko sa stainless na bakal sa loob ng kusina parang may mga nakaguhit sa mukha ko, nagkibit-balikat muna ko, saka ko na iispin kung ano ang nakadrawing sa dalawang pisngi ko. Kailangan ko munang magluto ng almusal bago problemahin ang bagay na 'yon. Paraan sa pagluto ng omelette Mga Ingredients: 4 tbsp Milk ( Korean Brand ) 1 tbsp Butter 1/4 pc Onion 1/4 pc Green Bell Pepper 1/2 Cup Minced Ham 4pcs Eggs 1/2 Shredded Cheese Nagluto ako ng walang pirasong omelette, prinepare ko iyon sa tig-iisang plato na may kasamang 4 na pirasong sandwich dito sa hapag kainan, nakapagluto narin ako egg soup para makahigop sila ng sabaw. Nakapagtimpla na rin ako ng kape nila, hindi ko nga alam kung gaano katamis o katapang ang gusto ng bawat isa basta pare-parehas ko nalang tinantiya ayon sa kagustuhan ko. Paglabas ko ng kusina nakita ko silang nakatingin silang lahat sa akin, hindi ko sila pinansin maliban kay Ethan dahil may kailangan ako sa kanya, nginitian ko siya at sumenyas na lumapit sa akin. Napaturo pa ito sa kanyang sarili, tumango lang ako bilang pagtugon. "Saan ba ang C.R. dito?" bulong kong sabi malapit sa kanyang tainga, nagnakaw na rin ako ng pasimpleng pag-amoy sa kanya. Gusto kong sumigaw sa kilig dahil sobrang bango ng person, amoy mamahaling lalaki, nagtimpi lang talaga ako at napakagat-labi nalang baka humirit na naman ang demonyo at sabihan akong manyak. "Iyong pinakahuling lagusan, sa kanan mo, lalakad ka lang ng kaunti dahil pasilyo ang unang sasalubong sa 'yo pero makikita mo agad 'yon dahil iyon lang ang tanging rest room dito sa Mansyon. Actually, magkatabi nga lang sila ng Shower Room kaya kung gusto mo narin maligo, pwedeng-pwede," mala-anghel itong ngumiti sa akin at bumalik uli sa pagkakaupo niya sa sofa. Habang naglalakad tuloy ako papunta sa Rest Room ay bigla kong napaamoy sa aking sarili, parang bigla akong nainsecure sa itsura ko at sa amoy ko, 'di naman ako mabaho. Wala naman pinagbago sa amoy ko, amoy Ayeng Dela Cruz parin since birth. Pagkarating ko sa Rest Room ay nagulat ako sa laki at ganda ng loob, doble ng laki ng bahay namin sa Compound at pagtingin ko sa salamin. Isang malakas na tili ang binitawan ko, 'yung mga pisngi ko may guhit na maselan bahagi ng katawan ng lalaki. Agad kong sinubsob ang mukha ko sa gripo pero walang pihitan, nastress ako at parang sasabog na ako sa sobrang galit. Nang ilahad ko sa bunganga ng gripo ang mga palad ko ay biglang lumabas ang tubig, high tech naman pala ang mga gamit rito, hindi naman kasi ako na-inform nagmukha tuloy akong tanga. Kinuskos ko nang kinuskos ang mukha ko para mawala ang nakaguhit sa mukha ko pero ang hirap talaga niya tanggalin, namumula na nga ang pisngi ko, malaman ko lang talaga kung sino ang may gawa nito haharapin ko talaga siya. Pagkatapos kong magcr at maghilamos ng mukha, agad akong patakbong pumunta ng sala at hinarap silang lahat. Nakakunot-noo ako at magkasalubong ang mga kilay ko, umuusok ako sa galit at sama ng loob, hindi kasi talaga nabura 'yung nakadrawing sa mukha ko, lumabo lang siya at mukhang bukas pa siya mabubura. "Sino'ng may gawa nito sa 'kin?" Turo ko sa aking mukha. Nakita ko ang hindi maipintang mukha ni Jazerou at Tyron, halos hindi na makahinga sa pagpigil ng tawa. Nakita ko ang pag-nguso ni Ash, tinuturo niya si Jazerou, tumaas ang kaliwang kilay ko. Tingnan natin kung makatawa ka pa at makangisi ka pa ng parang isang aso pagkatapos nang gagawin ko. "Goodmorning mga sir, luto na po ang mga almusal niyo sandali lang po at may kukunin lang ako sa kusina," paakmang tatayo sana silang lahat pasunod sa akin pero napatigil silang lahat dahil sa huling litanya ko. Patakbo akong pumunta sa kusina at kumuha ng limang pirasong kutsara at limang tinidor, itinago ko iyon aking likod gamit ang mga kamay ko. Agad akong bumalik para sabihin na nakahanda na ang pagkain nila. "Maaari na po kayong pumunta sa hapag kainan," magalang, malumanay at pormal kong pagkakasabi. Tumayo na silang lahat at tumigil sa kani-kanilang ginagawa. "Pero... bago ang lahat—" Inilabas ko ang mga hawak kong kutsara't tinidor. "Hayop ka! May araw ka rin! Mabubulok ka sa impyero!" Isa-isa kong inihagis kay Jazerou ang hawak kong tiglimang pirasong kutsara't tinidor. Napatago na lang ito sa likod ng sofa para makailag at makaiwas ng mga pinagbabato ko. Wala namang tumulong sa mga kaibigan niya at kanya-kanya diretso sa hapag kainan. "Sorry na okay, prank lang naman 'yon, ba't ka ba galit na galit?" depensa nito na lalo nagpausok ng ilong ko. Pinuntahan ko siya sa likod ng sofa at kinuwelyuhan, natatawa lang itong nagtaas ng kamay na nagsasabing sumusuko na siya. Nagkuyom ako ng aking mga kamao, galit na galit akong tinitigan siya pero tinawanan lang niya ako. Binitawan ko na ang kamay ko sa pagkakakuwelyo sa kanya, naisip kong palalampasin ko na lang muna ang ginawa niya sa akin. First offense lang ba, kumbaga. Tinalikuran ko na lang siya at akmang hahakbang na sana pabalik sa hapag kainan para sumabay sa kanila mag-almusal pero mukhang hindi pa pala tapos sa pagpaprank ang isang ito. Marahan ko siyang nilingon at nakita kong ang kaliwang kamay niya ay madiin na nakapisil sa kaliwang pisngi ng pwet ko, agad umakyat ang dugo ko sa aking ulo at namula ko sa sobrang galit. "Bastos!" malakas na sigaw ko. Isang malakas na sampal ang natamo niya mula sa kanang kamay ko, pagdilat ng mga mata ko ay nakita kong nakatulala siya habang nakatingin sa akin, parang napalakas yata ang pagkakasampal ko. Bumakat ang palad ko sa kaliwa niyang pisngi, sobrang namumula ito. Napakagat-labi na lang ako, nakonsensiya sa ginawa ko. Pagkapasok namin sa loob ng hapag kainan ay nakatingin ang anim kay Jazerou at wala naman akong malisyang umupo sa isang bakanteng upuan. "Huwag kayong mag-alala mga bro, parang kagat lang ito ng langgam." At doon lang natapos ang unang umaga ko sa loob ng mansyon kasama ang Power of Seven. To be continued... Author's Note: Iyan ang mga mangyayari sa mga manyak na lalaki, dasurb! Hahaha. Naatras sa susunod na chapter ang para sana sa moment ni Ethan at Ayeng, Kita-kits nalang tayo sa susunod na chapter. Pakifollow naman po ako sa aking social media accounts. FACEBOOK: Aftoktonia Writes INSTAGRAM: IamAftoktonia #PowerofSeven Gamitin lamang po ang hashtag na ito para mga gustong magbigay ng opinyon gamit ang Twitter or X. Magiwan narin po kayo ng boto at komento para happy lang hahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD