Kabanata 6

2068 Words
EPISODE 6: Ang Feelings ni Juno NAPANAGINIPAN ko si Sofia kagabi, anino lang siya pero nagkatawang tao, ilan beses niya akong sinampal kaliwa't kanan at pinag-akusahang mang-aagaw, kabit, pilantod at marami pang masasakit na salita. Pakiramdam ko tuloy ngayong araw ay nagkulang ako sa tulog, maaga pa nagising ang mga person kaya wala na akong magawa kundi imulat na lang ang mga mata ko. Kasalukuyang naliligo ang apat sa swimming pool, sila Jazerou, Ash, Tyron at Darrex, hindi ko alam kung ano ang naisip nila at nagbonding ang mga ito na maligo sa labas ng mansyon. Napasulyap ako kay Juno na kasalukuyang nakabaluktot at pinapanood lang ang mga kaibigan niyang maligo sa labas, tanging matangos na ilong lang niya ang nakikita ko sa buong mukha niya. Mataas kasi niyang zinipper ang suot nitong hoodie hanggang sa itaas ng labi niya, kulang na nga lang ay mag-maskara na lang siya para tuluyang matakpan ang buong mukha niya. "Juno, bakit hindi ka sumama sa kanila? Ayaw mo bang maligo?" wala itong imik, ni lingon ay wala akong natanggap, ang suplado naman pala nito. Bahagya akong lumapit sa kanya, sinusubukan kong silipin ang mukha niya pero puro ilong lang talaga ang nakikita ko, nahihiwagaan tuloy ako sa kanya. Ano kayang tinatago nito sa mukha niya at takot na takot siyang makita ito ng iba? Sarap gupitin ng bangs niyang humaharang sa mga mata niya. Balak ko sanang pumunta ng library para kausapin si Ethan kaso bigla kong naalala 'yung panaginip ko tungkol sa nobya niya kaya 'di bale nalang. Ayoko naman umakyat sa taas para puntahan si Arthur, nagmumukmok lang iyon at wasted na naman, lango na naman sa alak kaya nga parang medyo malaki na nga ang tiyan. "Juno, maganda ba ko?" nagpacute ako, wala lang trip ko lang, alam ko naman kasing hindi siya magrereact. Tapos silence means yes pa, e 'di maganda talaga ko. Patakbong pumasok si Jazerou sa loob ng mansyon, naka trunks lang ito at nag iwan pa ng mga patak na tubig mula sa katawan niya sa sahig. Pumunta itong kusina, napabuntong hininga na lang ako, kukuha lang iyon ng mga beer at mag-iinom. Napahalukipkip ako, iniisip ko na may kasama silang menor de edad sa labas, baka pati si Tyron uminom din ng alak, kaya pagkalabas ni Jazerou ay sinundan ko ito. "What are you doing here?" Tanong agad ang sinalubong sa akin ni Darrex, ngayon ko lang napansin na pati pala mga dibdib niya ay may tattoo, akala ko mga braso lang niya. "Hindi ka pwede uminom ng alak Tyron ah," Napatawa si Jazerou sa sinabi ko. Nilapag na nito ang hawak niyang mga beer malapit sa kanila. Sumisid ito sa pool. "Butiki, pinagsasabi mo?" Sabi ko nga na magagalit ito kapag sinita ko. "Kailan pa kita naging magulang?" Napangiwi lang ako, kung wala lang akong responsibilidad sa kanila 'di naman ako magkakaroon ng pake sa kanya, no? "Kahit anong sabihin mo, minor ka parin, responsibilidad kita at maging ng mga kuya mo," katwiran ko. "Okay, okay. Umalis ka na, hindi ka namin kailangan dito," pantataboy ni Darrex sa akin. "I'm watching you guys, lalo ka ng sutil ka," dinilaan lang ako ni Tyron, tinaasan ko lang siya ng kilay. Buti nga sa 'yo, hindi ka makakatikim ng alak. Bumalik na lang ako uli sa sofa, nandoon parin si Juno nakasandal ang baba sa sandalan ng sofa, nakabaluktot ang mga tuhod at nakayakap ito sa kanyang sarili na parang giniginaw. Bahagya akong lumapit sa kanya at ginaya ang posisyon ng pagkakaupo niya, kumusot ang mga mukha ko. "Mahirap pala itong pwestong ginagawa mo, buti hindi ka nangangalay?" Bahagyang natawa pa ako kasi para akong bata. Wala parin siyang reaksyon maski lingon wala akong natanggap, blanko lang siyang nakaharap sa labas ng mansyon. Mas lumapit pa ako sa kanya, halos isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa, may mga bagay kasi akong gustong malaman sa kanya. Napakamisteryo talaga ng pagkatao niya, ang hirap pang basahin kung ano ang nasa laman ng isip niya? Mukha naman siyang mabait, sapat na sigurong dahilan iyon para mas kilalanin pa siya. "Huwag muna ulit gagawin na magtago sa napakalaki niyong freezer refrigerator, grabe talaga ang takot ko nang makita kita sa loob. Mabuti na lang talaga naisip kong sundan kita sa kusina," Humawak pa ako sa aking dibdib para ipakita sa kanya na sobra talaga akong nag-alala sa ginawa niya. "Okay lang kahit hindi ka magsalita, alam ko naman na nakikinig ka. Sana nga lang dumating ang araw na marinig kitang magsalita, makipag-usap at makipaghalubilo sa iba. Naniniwala akong magbabago ka kahit kaunti." Tinusok-tusok ko ang tagiliran niya. Bahagyang nawalan ako ng balanse nang saglit itong lumingon sa akin, nagulat kasi ako, hindi ko akalain na magrereact 'to sa pagtusok ko sa tagiliran niya. Baka mamaya may kiliti pala siya doon, nakakahiya tuloy. Napaka-feeling close ko rin kasi. "Sorry," nahiya kong usal na nag-peace sign pa. "Nami-miss ko na sila itay at si Cardo, 'yung maliit na 'yon kapag nakita mo sobrang daldal niyon, walang tigil ang bunganga niyon parang sa akin." Naghalumbaba rin ako sa sandalan ng sofa, nilingon ko siya at tinitigan ko ang tinatago niyang mukha. "Bakit mo ko tinititigan?" Namula ang pisngi ko sa ginawa niyang pagsita sa akin, sobrang tagal ko palang nakatitig sa kanya. Ilong lang naman ang nakikita ko sa buong mukha niya. Napalunok tuloy ako ng malalim, ang gaspang kasi ng boses niya na may pagkamalalim. "Nagsasalita ka naman pala, sabi ni Ethan hindi ka pa raw nilang narrinig na magsalita. Siguro, hindi lang nila alam kung paano ka kakausapin," pang-iiba ko ng usapan, ayoko ngang sagutin ang tanong niya, wala naman din naman akong isasagot. "Bakit ba napaka-mailap mo so sa tao?" Napatakip ako ng bibig, iniisip ko lang iyon pero biglang lumabas sa bibig ko, baka sabihin pa nito na napakapakilamera kong babae. Mainam na nga lang na iwanan ko na lang siyang mag-isa dito, parang nakikipag-usap lang din naman ako sa hangin, kahit nga tango o lingon wala akong natatanggap mula sa kanya. "Kalimutan mo na 'yong sinabi ko, hindi kita dapat tinanong ng ganoong klaseng tanong. Maiwan na kita ah," balak ko na sang tumayo pero nakaramdam ng pamamanhid ang mga paa ko. Napangiwi ako, hindi ko maunat ang mga paa ko kasi lalo lang siyang namamanhid kapag ginalaw ko. "Juno pwede pakapit lang sa balikat mo, namamanhid lang talaga itong mga paa ko." Kinapit ko ang kaliwa kong kamay sa kanang balikat niya, sinubukan ko na ulit tumayo dahil bahagya ng nawala ang pamamanhid ng paa ko. "Salamat," akmang pababa na ako ng sofa ng biglang napabuhol ko ang mga paa ko, nawalan ako ng balanse at tuluyang babagsak sa sahig. Napapikit na lang ako. "Okay ka lang?" Narinig ko ang magaspang na boses ni Juno na kasalukuyang nakahawak sa bewang at ulo ko, maingat siyang nakadampi sa katawan ko. Sa sobrang taranta ko ay nagpumiglas ako, sobrang lapit kasi niya sa akin, kulang nalang ay magpalit kami ng mukha. Kaso, sa ginawa ko ay nawalan siya ng balanse para lalo akong tuluyan na mahulog sa sofa at ganoon din siya. Pagbagsak namin sa sahig ay nakita ko ang pagmumukha ni Ethan, may hawak siyang libro at nakatulala na nakatingin sa aming dalawa ni Juno. Naitulak ko si Juno nang malakas at nakita ko na lang siyang biglang pagapang na tinago ang mukha sa sofa, naiwan naman akong nakayakap sa aking sarili. Kasalukuyan kasi kaming nahuli ni Ethan na nakayakap sa akin si Juno, habang nakasubsob ang mukha nito sa aking dibdib. "Magpapaliwanag ako," agad kong depensa pagbalikwas ko nang bangon. "Wala akong nakita," kibit-balikat niyang sabi na parang wala nga lang siyang nakita. Napakagat ako sa kuko ng aking hintuturo. Tinalikuran kami ni Ethan at umakyat sa taas na parang wala nga siyang nasaksihan. Napasalubong ang kilay ko nang makitang nakatuwad si Juno habang nakatago ang mukha sa sofa. Hindi ko alam kung maiinis ba ako kay Ethan o sa lalaking ito na ilong lang ang mukha? Parang ang pakiramdam ko tuloy ay namolestiya ko pa siya dahil sa nangyari, ako kaya ang babae rito pero kung umasta si Juno parang siya pa 'yung akala mong nasubsuban ng mukha sa dibdib. "Anong nangyari diyan kay Juno, payatot?" May hawak na bote na tanong ni Jazerou sa akin, nagpantig pa ang tainga ko sa ginawa niyang alyas sa akin. "Malay ko sa kaibigan niyo at 'wag mo kong matanong-tanong na manyak ka ah." Tinalikuran ko siya at pumunta na lang kusina, napakamot na ang siya ng ulo. "Nagtatanong lang naman ako, init agad ng ulo," narinig ko pang angal niya bago pa ko tuluyang makasok sa loob ng kusina. Sa kanya ko tuloy nabuhos 'yung init ng ulo ko. Nagtimpla na lang ako ng kape, gusto ko munang mapag-isa, ayokong makakit ng ibang tao. Napahawak ako sa aking dibdib, nagtataka ako kung bakit kumakabog ang dibdib ko, hindi naman ako natatakot at hindi naman din ako nangangamba. Nag-isip ako kung ano ang dahilan, dahil ba sa magaspang na boses ni Juno? Hindi rin siguro, baka masamang kutob lang ito. Pahuling higop ko na ng aking kape nang makita si Darrex na papasok sa loob ng kusina, nagkatinginan kami pero iniwasan din namin ang isa't isa. Mas malapit kong nakita ang mga tattoo sa katawan niya, naka trunks lang din siya tulad ni Jazerou, napansin ko ang mga malalaking peklat sa katawan niya, hindi na kasi kayang takpan pa ng mga tattoo. "Bakit ka ba nakatingin sa katawan ko?" Nanlaki ang mata ko nang nagkatitigan kami, nahuli niya akong nakatitig sa katawan niya. "Masama bang tumitig sa mga tattooo, kapansin-pansin naman kasi," medyo nagtaas din ako ng boses, nakakadala kasi 'yung tono ng pananalita niya. Binuksan niya 'yung malaki nilang pridyider at kumuha ng isang bote ng beer, muli ako nitong binalingan ng tingin, nakasimangot itong lumapit sa akin. Napaatras ako pero nilaban ko 'yung takot ko, ayokong magpasindak sa kanya, "Matapang ka talagang babae ka, matangkad din at panget," umismid ito. Mas lalo pa itong lumapit sa akin na halos magdikit na kaming dalawa, sinadal lang niya ang kaliwa niyang kamay sa aparador ng kusina. "Prob...Problema mo?" Medyo nautal ko pang sabi, natatakot na kasi talaga ako sa presensiya niya, naaamoy ko pa 'yung alak sa hiningi niya, ganoon siya kalapit sa akin. Ang totoo niyan, natataranta ako ayaw ko lang ipakita sa kanya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. "Hanggang saan kaya tatagal ang tapang mo na 'yan?" umismid ito at sabay talikod sa akin. Nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan ng tuluyan na itong nakalabas ng kusina, sasabog na kasi 'yung puso ko sa sobrang kaba, nakakatakot talaga ang sanggano na 'yon, presensiya niya palang alam mong siraulo na. Siya pa naman ang tinutukoy sa akin ni Mr. Philip na pagkaingatan ko sa loob ng mansyon. Oo, gwapo siya, hatala naman, 'di naman ako bulag para 'di makita 'yon. Mahirap din itanggi kung gaano nakadagdag sa kagwapuhan niya 'yung kulay ng balat niya. Siya 'yung masasabi mo na tall, dark and handsome, kaso sanggano nga lang. Hindi parin mawala sa isip ko ang pagmumukha niya, kung paano kumunot ang mga noo niya at magsalubong 'yung manipis niyang kilay. Sobrang lalim pa ng boses niya na parang mangangain ng buhay, 'yung mga pagismid niya sa akin kanina nakaka-intimidate. Alam mong nang-aasar at nananakot. Kung akala niya ay papadala ako sa mga paganyan-ganyan niya ay pwes nagkakamali siya, lalaban ako hanggang nabubuhay ako. Hindi niya ako masisindak at macho-chop-chop ng buhay, buo ang katawan kong makakauwi muli sa bahay namin. May kasamang tawa ng demonyon 'yun ah. "Panget, sinong kausap mo diyan?" Nakita ko ang pagmumukha ni Jazerou na parang nawiwirduhan sa nasaksihan niyang pagtawa ko. "Tseee! 'H'wag mo kong makausap-usap na manyak ka ah," lumabas na ko ng kusina at hindi na siya pinansin. "Ano na namang bang masamang sinabi ko at galit na galit na naman 'yon sa 'kin?" Author's Note: Kawawa naman si Jazerou laging nasisigawan at napagbubuntungan ng galit ni Ayeng, hahaha. See you sa next chap, moment naman ni Arthur at Ayeng ang susunod. Connect me on my social media account: FB: Aftoktonia Writes IG: IamAftoktonia #PowerofSeven Gamitin lamang ang hashtag na ito para sa mga nagamit ng Twitter or X, babasahin ko po ang lahat ng mga opinyon at komento niyo roon. Huwag po kalimutang bumoto at magkomento para sa karagdagang update para happy lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD