Kabanata 9

2074 Words
EPISODE 9: Mga Munting Laro ni Tyron Concepto INAKBAYAN ni Tyron si Darrex nang makita itong palakad palabas ng mansyon, agad akong lumihis ng tingin para hindi kami magkakatitigan ng sanggano na 'yon, palagi talagang seryoso ang mukha niya, tapos palagi pang nakakunot ang noo. "Payag ka na, butiki? Idaan na lang natin sa volleyball para makuha mo itong nasa ulo namin ni Jaz," Tinuro niya ang asul kong panty na nakasuot sa ulo niya. " Four vs. Four tayo, ako, si Jaz, si Darrex at si Ash," na tinuturo niyang pababa ng hagdan ngayon. "Bansot, tigilan mo 'yang iniisip mo, ang corny pang isip-bata," rumolyo ang mga mata ko habang nakahalukipkip, pagod na ako sa mga kabaliwan niya. Pwede bang ipadala na lang sa mental ang lalaking 'yan? Dami knows, eh, parang 'di mahal ng mama, kainis. "Kung ayaw mo ikaw bahala," may dinukot siya sa pwet niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano 'yung bagay na tinago niya roon. "Hoy, bansot! Bakit nakatago 'yang b*a ko sa p***t mo?" gusto ko nang gilitin ng buhay ang lalaking 'to, kundi lang talaga kasalanan 'yon sa Diyos ginawa ko na. Hindi niya pinansin ang tanong ko at sinuot ang kulay pula kong b*a kay Jazerou, namula ako sa galit nang makita ang pagngisi ng manyak niyang kaibigan. Gusto kong magwala pero hindi ko naman magawa, ayokong magpadala sa bugso ng damdamin ko, ayokong magpatalo sa dalawang manyak na magkaibigan na 'yon. "Okay, okay, 'kay, payag na ko sa gusto mong bansot ka, basta kapag manalo ako ibibigay niyo 'yang undies at b*a ko, nagkakaintindihan tayo?" Pumayag na lang ako sa gusto niya tutal wala naman akong choice, atsaka, pagod na akong habulin silang dalawa, mga hindi rin kasi napapagod. Nakailang paikot-ikot yata kami kanina sa sala, ambibilis kumilos dami pang energy. "Paano naman kung matalo ka?" hirit na naman ulit ng bansot. "What's happening here?" Nagtatakang tanong ni Ethan galing sa paborito niyang lugar. Agad akong lumapit sa kanya para humingi ng tulong, binulungan ko siya tungkol sa napagkasunduan namin ng kaibigan niya, tumango-tango lang ito at parang walang pakialam din sa mga nangyayari. Bahagyang nadismaya ako kasi akala ko kakausapin niya 'yung dalawa niyang manyak na kaibigan pero nabigo ako, kilala niya ang mga ito at mahirap talaga kausap ang dalawang 'yon. "Ibigay mo nalang kaya 'yang mga gamit ko para matapos na 'to, ba't ba gusto mo pang pahirapan pa ko? Eh, kung tutuusin gamit ko naman talaga ang mga 'yan na bansot ka!" Nakangiwi kong angal sa kanya. "Ibibigay ko lang sa 'yo ang mga 'to kung manalo ka laban sa team namin," At, nakabuo na nga ng team ang demonyong 'yon, tapos ako papahirapan pa niyang humanap ng ipantatapat sa kanila. "Payag ka ba, Ethan na maging kakampi ko?" umiling-iling ito, napasimangot ako, hindi na nga niya ako tinulungan kumbinsihin ang mga kaibigan niya na ibalik 'yung mga gamit ko pati ba naman sa inaalok ko? "Okay, si Ethan... ang pinipili ko para maging kabilang sa grupo ko," ngumiti ako at pinulupot ang kamay ko sa braso niya. Nagulat siya sa naging anunsiyo ko, ayaw niya kasing kumbinsihin mga kaibigan niya, kaya wala narin siyang choice kundi tulungan akong manalo laban sa mga manyak niyang kaibigan. Kulang pa ako ng dalawa at nakita kong gumagapang palabas ng mansyon si Juno habang si Arthur naman ay naka-question mark ang mukha kung bakit parang nagkakaroon ng tensyon sa sala. "Si sir Juno," natigil ito sa paggapang niya palabas ng mansyon nang marinig ang pangalan niya, tinuro ko pa siya para makuha ang atensyon ko. "Magiging ka-teammate ko rin pati si Arthur, ayan kumpleto na. Basta ang usapan ay usapan ah?" maangas kong sabi. "Mayroon akong isang request," untag ni Darrex, bigla akong tinitigan nito, napalaki na lang ako ng aking mga mata. Ano naman kayang ire-request nito? "Kapag natalo kayo, panget," madiin niyang pagkakasabi lalo na 'yung huling salita. Napakunot-noo ako, antagal niya kasing sabihin 'yung request niya, "Gusto kong halikan mo ko," seryoso niyang pagkakasabi. "Ha? Seryoso ka? Ba't naman gugustuhin mong halikan kita?" Nakangiwi akong tumingin sa reaksyon ng mga kaibigan niya at maging sila ay nagulat sa request nito. "I want you to kiss me, panget... with tounge," walang emosyon niyang pagaanunsiyo. Lahat ng mga kaibigan niya ay nagulat sa mga sinabi niya, maliban siguro kay Juno na mabilis nang gumagapang papunta sana sa hagdan para tumakas, nakita ko kung paano hablutin ni Darrex ang kaibigan niya sa suot nitong hoodie jacket pabalik ng sala. Nakanganga parin si Jazerou na hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "Ethan." Siniko ko siya sa tagiliran, "Paano ba 'yung kiss with tounge?" nakita kong namula siya dahil sa tanong ko, nakatungo pa nga at nahihiya. Ano kayang iniisip nito at biglang namula na parang kamatis? Huwag niyang sabihin na iniimagine niya 'yung kiss namin ni Darrex with tounge? Umayos ka Ethan, puro na nga lang kaberdehan utak ng mga kasama mo rito, 'wag ka nang dumagdag. "Para namang marunong ako niyon, kiss mo with tounge 'yang mukha mo!" Nakangiwi ko pang sabi sa kanya. "Then, I will teach you." "Hoy, Darrex! Tigil-tigilan mo ko sa kamanyakaman mo ah, dami mong irerequest ba't gan'on pa?" Nag-aalburuto kong sabi, umismid lang ito at taas noo na nakipagtitigan sa akin. Iki-kiss with tounge? Siraulo ba siya? Tapos, tuturuan na lang niya raw ako, si Mr. Philip naman bibigyan nalang ako ng mga aalagaan 'yung mga half-demon pa. Gusto niya talaga with tounge pa, as in 'Tang' talaga inumin mo Darrex 'wag milo, gigil mo ko. Nagprepare na sila ng net sa pool, malaking bola ang gagamitin hindi 'yung traditional na bola na pang volleyball talaga. Kumusot ang mga mukha ko, alam ko kasi na walang pag-asa na manalo ang team ko laban sa Team Darrex. Wala namang athletic sa grupo namin kung iisipin, ang ibig sabihin matutuloy 'yung kiss namin ng sanggano na 'yon. Mapupunta lang 'yung first kiss ko sa taong hindi ko naman gusto. "Fighting!" magiliw na sigaw ni Arthur para lumakas ang moral namin pero wala man lang tumugon sa pag-cheer niya. Kinakabahan na ako, kasi malapit nang matapos ang pagset-up nila sa labas para sa paghahanda sa game, tulong-tulong ang mga Team Darrex habang ang mga kateammates ko nandito sa sofa at pinapanood lang sila magtrabaho. Napasapo ako sa aking noo, kahit saang anggulo ko talaga tingnan parang wala talagang tyansa na manalo kami laban sa mga manyak na 'yon. "Ano nang plano natin Ethan?" nagkibit-balikat lang siya, wala rin itong naiisip na paraan kung paano kami mananalo. Napahilot ako sa aking sintido, kailangan makaisip ako ng paraan kung paano namin matatalo ang mga kupal na 'yon, kung pwedeng face reveal na lang ni Juno ang naging request sana niya ay mas okay pa sana. Andami-dami pwedeng i-request kailangan halikan pa siya? Anlakas makatawag ng panget sa akin, gusto naman pala ako halikan, 'yung sanggano na 'yon, hirap basahin ng iniisip, 'di mo malaman kung ano ang natakbo sa utak. "Pagbalik namin mag-iistart na tayo ng game, are you ready, butiki? Hindi ka na lugi, ikikiss mo lang naman si Darrex kapag natalo kayo," ngumisi ito na sinimangutan ko lang. Wala akong time sa 'yo, ayokong sayangin ang oras ko na makipagtalo sa isang tulad niya, wala naman akong mapapala. Kung binigay na lang niya kasi sana 'yung b*a at mga undies ko, hindi sana ako namomroblema ng ganito, nakakabuwiset talaga 'yung bansot na 'yon, napaka isip-bata talaga. Umakyat sa taas ang Team Darrex, hindi ko alam kung ano ang rason baka gumagawa na ng strategy kung paano kami tatalunin. Gusto ko na lang umiyak, wala talagang paki itong mga kateammates ko sa akin, palibhasa hindi kayo ang hahalikan ng sanggano na 'yon. "Sir Juno, gusto mo ikaw na lang humalik kay Darrex?" katulad ng inaasahan ko ay 'di tutugon 'yan kahit sarkastikong tanong ang ibato ko sa kanya. Nahiya na lang ako nang makita ang mga reaksyon sa mukha nila Ethan, mali naman kasi talaga 'yung ginawa ko. Nagsorry na lang ako kay Juno, napepressure lang talaga ako at natataranta. Parang napasubo ako sa inaalok na game ni Tyron, hindi ko akalain na mapapasama pala lalo ang sitwasyon ko. "Let's start the game, guys!" sabik na anunsiyo ng demonyong bansot pababa ng hagdan. Nanlaki na lang ang butas ng ilong ko nang makita ang tatlong kolokoy, lakas pa mang-asar ng mga manyak na ngitian ni Jazerou. Nakatrunks na lang ang apat pagbaba nila, iyon pala ang rason kung bakit umakyat sila, mga nagpalit lang pala ng susuotin. Parang hindi naman halatang ready sila, samantalang 'yung grupo namin parang mga suman, balot na balot. Sabagay, hindi naman hubadan ang labanan kundi makaiskor gamit ang bola. "Seriously guys, I'm out, I don't really interested in this kind of game," Tumayo sa inuupuan niya si Ethan at balak na sanang bumalik sa library nang akbayan siya ni Darrex. "Si Sofia baka interesado siya," nanlaki ang mata ko nang marinig ang mga sinabi ni Darrex, alam pala niya ang tungkol sa nobya ni Ethan? Nakaramdam ako ng tensyon lalo na nang biglang naging seryoso ang mukha ni Ethan. "So, you want to use Sofia to threaten me? Don't you dare lay a finger on my girl, I'm gonna let you pay for it!" tinabig nito ang kamay na nakaakbay sa balikat niya at bumalik ulit sa kung saan ito nakaupo kanina. Napatikom na lang ako ng bibig, iba pala magalit ang isang Ethan Hawker, mararamdaman mo talaga. Napaismid lang si Darrex at parang natuwa pa nga sa ginawa ng kanyang kaibigan, parang nabigyan lang siya ng thrill dahil sa mga nangyari. Lumabas na ang apat at nagsimula nang magstretching para sa paghahanda sa game, nakita ko naman ang biglang pag-apoy sa mga mata ni Ethan dahil sa nga nangyari at dahil doon nakaisip siya ng plano. "Sa tingin mo magiging effective ba talaga ang lahat ng mga 'yon?" seryoso kong tanong kay Ethan, iyon lang daw ang tanging naiisip niyang paraan para makalamang kami at ako na naman ang magiging bait para doon sa plano. "Trust at unity lang ang magpapanalo sa 'tin. Basta ipagpatuloy lang natin ang plano at sigurado akong mananalo tayo, 'di ko hahayaan na mahalikan ka niya ng gano'n-gano'n lang," namula ako sa mga sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala 'yung panaginip ko tungkol kay Sofia baka mamaya masampal ulit ako kaliwa't kanan. Nakita ko ang sabik sa mukha ng mga kalaban namin nang makita kaming palabas mula sa pinto ng mansyon, nakalublob na sa pool ang apat at nakahanda na para sa pagsisimula ng game. Napakusot na lang ang mukha ko nang makitang isuot muli ni Jazerou ang b*a ko at gawing sumbrero ang panty ko, ginaya naman siya ni Tyron na isinuksok uli ang panty kong asul sa kanyang ulo. Mga panty kong amoy alkampor, nasa kamay ng mga manyak. Ibinato sa amin ang bola na gagamitin, kami raw ang unang magseserve, magaan naman siya kaso sobrang laki ang hirap balansehin, minsan nga lumulubog na ako. Ang kapit nga ng bangs ni Juno talagang stay lang siyang nananatiling nakaharang sa mga mata niya, may mga sariling buhay yata, mas lalo nga niyang tinaasan ang pagkaka-zipper sa hoodie niya at bangs na lang niya ang kita. "So, here's the rules," pambungad niyang sabi bago magsimula ang game. Paunahan lang maka-iskor ang bawat grupo ng apat na puntos, ang makauna, ang siyang panalo. Bawal sumayad sa tubig ang bola, awtomatikong iskor na agad ng kalaban 'yon, pwedeng sumagi sa net kasi hindi naman daw ito tunay na volleyball game. Iyon lang naman ang mga rules na binigay niya na kailangan naming sundin. "Ang hirap balansehin," angal kong sabi, tumingin lang sa 'kin si Ethan, kita ko rin sa mukha niya na nahihirapan din siyang balansehin ang malaking bola. "Focus lang tayo sa game, iyan lang ang tanging susi para manalo tayo laban sa kanila," At, bumwelo na kami para i-serve ang bola papunta sa kalaban. To be continued.... Author's Note: Challenging 'yung chap na isulat pero nagawan ko naman ng paraan, naenjoy ko naman ng may kaunting stress. Sana ganoon din kayo hahaha. Connect me on my social media accounts: IG: IamAftoktonia FB: Aftoktonia Writes #PowerofSeven Gamitin lamang ang hashtag na ito para sa mga nagamit ng twitter o X, ilabas niyo lahat ng mga gusto niyang sabihin gamit ang hashtag na 'yan, Mag-iwan lamang ng boto at komento para sa karagdagang updates. Keep reading para happy lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD