Kabanata 8

2119 Words
EPISODE 8: Ang Mga Tipong Musika ni Ash Milford KINALAS niya ang kanang kamay na nakasandal malapit sa ulo ko, bahagyang lumayo na rin siya sa akin, ipinasok nito ang mga kamay sa bulsa ng kanyang suot na jeans na pantalon, kaya nakapamulsa itong nakataas noo na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ano ba klaseng trip 'to? Sinusubukan ba niya kung hanggang saan ang tapang ko sa paninindak niya? Kahit kailan ang lalaking 'to, napaka sanggano talaga, pati babae inaangasan, kung titigan pa ako akala mo ako na ang pinaka mababang nilalang sa buong mundo, anlakas naman kumain ng mga niluto ko. Umismid siya at umiling-iling na naglakad palayo sa akin at tuluyan nang tinalikuran ako hanggang makalabas siya sa kusina, napangiwi ako. Napakapit na lang ako sa aking dibdib, grabe talaga ang kaba ko kanina, 'yung sanggano na 'yon, nakakatakot talaga siya. Binalikan ko ulit ang mga hugasan ko, ayaw kong isipin masyado ang ginawa sa akin ng sanggano na 'yon, mas mainam na kalimutan ko na lang at magpanggap na walang nangyari. Ayokong makipagtalo sa lalaking 'yon at iyon ang mahigpit na paalala sa akin ni Mr. Philip na dapat kong sundin. Ako'y nahihirapan 'di ko alam kung ano ang nararamdaman Sa isang tulad mo na simple lamang Hindi ko alam Nahulog na ko sa 'yo Baliw na sa 'yo Paglabas ko ng kusina ay agad akong dumiretso sa sala upang magpahinga sana, kaso naabutan ko si Ash na kumakanta habang nagii-strum ng kanyang gitara. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil bahagya talaga akong tumigil para pakinggan siyang umawit. Hindi ko inaasahan na malamig pala ang boses niya, infairness, may singer sa loob ng mansyon at gwapo pa. "Wow, ang ganda ng boses mo sir, sarili mong gawa na kanta 'yon?" Bungad kong sabi nang magtama ang aming paningin. Nginitian niya ako, "Huwag mo na akong tawaging sir, Ash na lang." Sumenyas itong umupo raw ako malapit sa tabi niya, "Nandiyan ka pala hindi ko napansin, mag-isa lang kasi ako kanina rito bago ka dumating, abala kasi silang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Oo nga pala 'yung tanong mo, yeah, it's my own my composition. Did you like it?" Nakasuot na naman siya ng supreme na brand, kasalukuyan siyang may suot na hoodie-jacket na itim at parehas din ng kulay ng kanyang short. Naalala ko ang sabi sa akin ni Ethan tungkol sa kanya na maganda ang boses ng lalaking ito at hindi nga siya nagsisinungaling tungkol doon. "Syempre naman, kahit sino naman yata ang makarinig ng ganyan kalamig na boses, magugustuhan nila 'yon, 'di ba?" ngumiti siya ng tipid at umiling siya. "Maliban kay mom at dad ko... na iba ang career na gustong ipatahak sa akin, mas gusto nilang pagtuunan ko ng pansin ang pagpapatakbo ng kanilang kumpanya kaysa sa pangarap ng nag-iisa nilang anak," malungkot na pag-amin nito. Parang nabasa ko na sa w*****d dati 'yung mga ganitong problema ng mga anak ng mga mayayaman, palagi silang tutol sa kagustuhan at pangarap na gustong abutin ng kanilang mga anak. Ang mas gusto nila ay kung ano ang itinakda nila para sa mga ito at iyon dapat ang susundin ng mga anak nila, parang mga sira, di ba? Parang hindi mga nag-grade two, ayaw na lang maging masaya sa mga anak nila, char. "Subukan mo nalang ulit na kumbinsihin silang ipagpatuloy ang pangarap mo, susundin mo naman ang utos nila kung sakaling hindi magtagumpay ang karera na gusto mong tahakin. 'Di ba, parang suntok din naman sa buwan ang makilala bilang isang sikat na singer sa bansa?" Namilog ang mga mata niya, hindi ko alam kung na-offend ba siya sa mga sinabi ko, kung nasaktan man siya. Eh, 'di sorry, sinabi ko lang naman kung ano laman ng isip ko. "Gusto mo bang mapakinggan ang buong kanta?" ngumiti siya na parang isang strawberry. Tumango ako bilang sagot, tinitigan niya ko sa aking mga mata at doon ko napansin na brown eyes pala siya. Baliw Sa'yo compose and sing by: Ash Milford Kumabog ang dibdib nang makita ka, 'di makatingin sa mata mong kay ganda, ano kaya itong nadarama? Panalangin ko ay ikaw, hindi parin ba madinig? kailangan pa bang umamin at sabihin sayo'y, Ako'y nahihirapan, 'di ko alam kung ano ang nararamdaman, Sa isang tulad mo na simple lamang, Hindi ko alam, Nahulog na ko sa 'yo, Baliw na sa 'yo... Napapalakpak ako nang malakas, matapos kong marinig ang buo niyang kanta, pakiramdam ko nga para sa akin 'yung kanta kahit hindi naman talaga. Ganoon 'yung feeling kapag narinig mo siyang kumanta para ka niyang hinaharana at nililigawan, bahagya nga akong kinilig kasi lalo siyang gumagwapo habang umaawit. Malakas talaga ang dating ng mga lalaking maganda ang boses. "I'm glad that you like it. Thanks for appreciating my voice and my talent," muli siyang ngumiti with strawberry flavor. "Ilaban mo ang pangarap mo," payo ko sa kanya habang nakatingin sa mga nangungusap niyang mga mata. "Gusto kong dumating ang araw na sundin mo kung ano ang gusto mo at kung ano ang sinisigaw ng puso mo, iyan lang ang tanging paraan para makalaya ka sa kadenang tinatali nila sa 'yo. Sila nga ang dahilan kung bakit nabubuhay ka at naisilang ka sa mundo pero hindi sapat na dahilan iyon para diktahan nila ang kapalaran mo, may karapatan kang gumawa ng sarili mong tadhana." Matamis ko rin siyang nginitian tulad ng mga ngiti niya. "Ikaw palang ang unang taong nagsabi sa akin niyan, thanks for that. Pinapangarap ko talagang maging kilalang singer. Matanong nga kita, ano bang pangarap mo?" Nawala ang mga ngiti ko sa aking labi. Bigla akong napaisip, ano nga bang pangarap ko? Wala akong maisip, hindi naman pwedeng habambuhay ay maging kasambahay na lang ako, ayoko namang mangyari 'yon. Ang totoo niyan ay wala pa akong naiisip na pangarap ko, lahat kasi ng naging tuon ko sa buhay ay para lang sa pamilya ko at nakalimutan ko na kung ano naman ang para sa akin. Dahil ba breadwinner ako? O, dahil wala lang talaga akong pangarap sa buhay kundi makitang masaya at kumpleto ulit ang pamilya ko. Napakamot ako ng ulo, "Ang totoo... hindi ko pa alam, sorry." Tumawa ako ng pilit parang bahagya kasi akong nahiya, nagbigay pa naman ako ng pangaral sa kanya tungkol sa pangarap niya. "Okay lang 'yun, normal naman minsan sa tao na hindi pa nila agad malaman kung ano ang gusto nila sa buhay. Naniniwala akong darating ang araw na malalaman mo rin kung ano gusto mo. Base palang sa personality mo, sa tingin ko, magagawa mo kung ano ang gusto mo dahil iyon ang sinasabi ng puso mo." Napangiti ako sa sinabi niya parang gumaan ang loob ko. "Hoy, butiki, si Ash naman ang gusto mo ngayon, huling-huli ko 'yung ngiti mo na parang aso." Napunit ang ngiti ko at napalitan ng ngiwi dahil sa demonyong biglang sumulpot. Nakahalukipkip ito at mayabang na nakangisi, nakikipagtitigan din siya sa akin dahil tiningnan ko siya ng masama. Kung pwede ko lang talaga tirisin ang kutong-lupa na 'to, ginawa ko na. "Tigilan mo ko, bansot!" Napakunot-noo ito ng marinig ang sinabi ko sa kanya. Kibit balikat na tumayo sa sofa si Ash dala ang kanyang gitara, ayaw niya sigurong madamay sa pagtatalo namin ng demonyo niyang kaibigan. Simula nang dumating ako sa mansyon 'di na ako tinigilan ni Tyron na palaging inisin, hindi ko nga malaman sa isang 'to, kung bakit parang ang init lagi ng ulo sa akin. Masyado siguro siyang nagagandahan sa mukha ko, char ni Aling Berta. "May nawawala sa mga gamit mo at 'di ko sasabihin," ngumiti siya na tila nang-aasar at nakipag-apiran pa siya sa manyak na si Jazerou, binigyan pa niya ako ng clue kung ano ang tinutukoy niya, gamit ang mga hapyaw niyang tingin. Napabuntong hininga ako ng malalim, tinutukoy niya kasi ang maleta ko kung nasaan ang lahat ng mga gamit ko, napatayo ako sa aking inuupuan at lumapit sa bagay na tinutukoy niya. Agad kong hinalungkat ang mga gamit ko, kabisado ko kasi ang bilang ng mga gamit ko pansuot kaya malalaman ko kaagad kung may mawawala ba sa gamit ko. "May nawawala sa gamit mo at hindi ko sasabihin," pakanta niyang sabi sa akin na sinasabayan pa ng sayaw nila ni Jazerou. Nagsalubong ang mga kilay ko nang mapagtanto ko kung ano ang mga nawawala sa gamit ko, hindi ako puwedeng magkamali na iyon ang tinutukoy nitong dalawa, ang mga manyak na 'to, balak pa yatang ilabas ang dinosaur side ko. "Akin na ang mga panty ko," madiin kong sabi, umiling-iling lang si Tyron at ngumisi naman na parang aso si Jazerou. Napataas ako ng kilay, hindi ba sila aware na kabastusan sa babae ang ginagawa nila? Mailap yata ang salitang gentleman sa dalawang to, hindi marunong gumalang ng babae. "Alin bang panty, ito?" may nilabas siyang kulay dilaw na panty sa kanyang bulsa, iyon nga ang soen na panty ko, nakakakulo talaga ng dugo ang demonyong bansot na 'to. Inabot niya kay Jazerou iyon at sinuot ito sa ulo. "Nakasuot na ako ng c****m," umakyat ang lahat ng dugo ko sa 'king ulo dahil sa ginawang biro ni Jazerou tungkol sa panty ko. Natatameme na lang ako sa ginagawa ng dalawa. "Tyron at Jaz, ibalik niyo na ang mga panty ko, hindi na ako natutuwa. Pakiusap, bilang isang babae, malaking kabastusan na 'yang ginagawa niyo kaya ibalik niyo na sa akin ang mga kinuha niyo," mahinahon kong pakiusap, baka lang sakali na makinig sila kapag pinakiusapan sila ng maayos. "Ayoko nga," pailing-iling at nang-aasar pa niyang sabi. "Ako rin nakasuot na ng c****m," sinuot din niya sa kanyang ulo ang kulay asul kong panty. Hindi na ako nakapagtimpi at patakbo akong lumapit sa kanila. "Pinipikon mo talaga akong demonyong bansot ka," tinamaan pa ako sa mukha ng mga binato niyang panty ko, wala naman akong nagawa kundi damputin isa-isa ang mga 'yon. "Butiki, bakit ganito ang amoy ng panty mo?" Nagulat ako sa ginawa niyang pag-amoy sa natitira ko pang panty na nasa kamay niya, mas lalo pang umusok ang ilong ko sa galit nang makita ko kung paano amuyin ni Jazerou ang panty ko. Kagat-labi ang person with emotion parang feeling ko hinagod niya ang buong p********e ko dahil sa ginawa niya. Napipikon na talaga ako sa kanilang dalawa, kapag may nahuli lang ako kahit isa sa kanila makakatikim sila ng sampal na may kasamang sabunot, kaso ang bibilis nilang tumakbo at ang hirap nilang habulin. Nakakayamot pa ang ginagawa nilang pangangasar sa akin, lalo na 'yung isa na ang manyak-manyak talaga ng dating. "Pagod ka na butiki? Tandaan mo nasa amin pa ang panty mo," hinihingal pa niyang sabi, habang ako ay nakaupo na sa sahig at sobrang pagod na makipaghabulan sa kanila. "Ayeng, ibibigay ko ang panty mo basta pumayag kang makipag—" Pinahinto ko siya sa kanyang sasabihin, nagtakip pa ako ng tainga baka kasi ituloy niya talaga ang gusto niyang sabihin. "Sinasabi ko sa 'yo na manyak ka, magdunos-dili ka, kahit ano pang kapalit hinding-hindi ko ibibigay itong... ano ko, basta alam mo na 'yon. Mga manyak kayo pati mga panty ko pagtitripan niyo," nagsusumigaw kong sabi, binato ko sila ng tsinelas na suot ko pero nagawa nila itong ilagan kaya mas lalo akong nanggalaiti. "Ibibigay lang namin sa 'yo ang panty mo basta may kapalit," at may gana pa siyang humingi ng kapalit eh, ninakaw lang naman nila ang mga panty ko sa maleta ko. "Hoy, bansot, tigil-tigilan mo ko sa mga ganyang suhestiyon mo, ang taas ng tingin mo sa sarili mo 'di hamak na 5'4 lang naman 'ata yang height mo," angal kong sabi pero mukhang napikon ang isa sa sinabi ko, lumalaki 'yung butas ng ilong eh. "I want to play a game." Napatingin si Jazerou sa kanya, wala rin yata itong ideya sa kung ano ang iniisp ng kaibigan niya. "Anong game naman 'yan?" sabi ko. "Volleyball." "Saan ka naman pwedeng maglaro ng volleyball dito?" Itinuro ng nguso niya ang malaking pool ng mansyon. To be continued.... Author's Note: Nahirapan ako sa chap na 'to, gumawa kasi ako ng kanta base sa tono ng 'Crazy for you by: Madonna' sa ate ko 'yung chorus ako lang yung gumawa ng simula, ewan ko kung tutugma ba 'yan sa kanta, kantahin niyo kung gusto niyo gamit ang tono ng sinabi kong kanta. Connect me on my social media account: IG: IamAftoktonia FB: Aftoktonia Writes #PowerofSeven Gamitin lamang ang hashtag na ito para sa mga nagamit ng twitter o X. Mag-iwan lang kayo ng komento at boto pagkatapos niyong magbasa ng chap na 'to, malaking tulong na iyon sa akin para mas ganahan at mas pagbutihin ko pa ang mga ausunod kong kabanatang gagawin. Keep reading para happy lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD