CHAPTER 9 IMAGINATION Tiningnan ko si tita na ngayon ay nakatingin kay Kael na nananakbo palayo sa bahay namin. Pero bago iyon ay nakita ko pa silang nag-uusap, then ayon na nga. Nanakbo nalang si Kael. Tita was speechless habang lumalabas ako nang gate nila. Kael waited for too long, at hindi niya na yata kinaya kaya umalis na. Umalis na siya kung kailan paparating naman ako. May importante daw siyang sasabihin kaya hinabol ko na. Siya naman yung naghintay nang matagal. "Kael!" Sigaw ko nang papasok na kami sa kalsada na puno ng palayan. "Pssstt Kael!" Sigaw ko ulit sakanya. Pero nagsalubong lang ang kilay ko nang wala man lang siyang lingon-lingon. "Ano?" Tanong niya. Nang seryoso. Nagpantay na kami nang lakad. Goodness, nakakapagod pala habulin si Kael. "Huy." tinapik ko ang bal

