CHAPTER 15 "Bilisan n'yo naman!" Nagsigawan ang mga estudyanteng nag-uunahan na makapasok sa gate. May sumagi pang balikat sa balikat ko. Gusto kong magmura. Bakit ba kasi ang laki laki nang eskwelahang ito pero ang liit lang ng gate. 'Yan tuloy ay straggle pa na makapasok kahit na ako. "Ang init." sabay paypay ng babae nang abaniko sa tabi ko. Napabuntong hininga nalang ako nang mahanginan ako dahil sa babaeng nagpapaypay. "Uyy thanks rito ah. Ang sharap." nginunguya ni Jesvi ang pizza sa bibig niya. Nagsalubong naman ang kilay ko nang makita silang nginunguya ang dala kong pagkain. Sabi ko nga kahapon ay maraming pagkain sa mansyon. Sayang naman kung hindi makakain at itatapon lang. Kaya binigay ko na lang yung iba sa dalawang ito. Hindi na rin ako nagpaalam kina tita dahil maaga s

