Dinama ni Lianne ang dibdib gamit ang kanang kamay habang nakatanaw sa papalayong si Russel Ferrer. Ramdam niya ang malakas na pagtibok ng kaniyang puso at parang sasabog iyon sa sobrang kasiyahan na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Hindi niya akalaing magagawa ni Russel na yakapin siya kahit ngayon pa lang ang una nilang pagkikita. "Ma'am Lianne...?" tawag ni Manang Iska na kanina pa nakamasid sa amo. "Manang Iska." Waring napahiya si Lianne nang mapansin ang tila nanunuksong ngiti sa mga mata nito. "Kanina pa po ba kayo riyan?" Tumango ito at nilapitan siya saka tinanaw ang iskinita kung saan dumaan si Russel palabas. "Ang guwapo talaga ni Russel Ferrer, ano po, Ma'am Lianne? At ang bait pa." Hindi siya nagkomento, bagkus ay ibinaling niya ang paningin sa daan kahit hindi na ni

