Nagpumilit si Russel na ihatid sila at laking gulat ni Lianne nang pumayag si Manang Iska. Hindi na siya nakapagprotesta pa lalo na't inalalayan ni Russel si Manang Iska papunta sa naghihintay na sasakyan. Nag-aatubili man ay sumunod na lang siya at sumakay na rin sa kotse. "Saan n'yo po gustong kumain?" tanong ni Russel kay Manang Iska matapos paandarin ang kotse. "May alam po akong restaurant na malapit dito. Kumain po muna tayo." "No," mahigpit na tanggi ni Lianne sa takot na baka may makakilala sa kaniya na kasama si Russel Ferrer at magsumbong kay Gerard. "Please?" Tumingin sa rearview mirror si Russel at muli ay nagtama na naman ang kanilang mga mata. "I'm starving, Miss. Hindi ako nakakapagmaneho nang maayos kapag gutom ako." "N-nasaan ang driver mo?" tanong ni Lianne nang mapa

