Waring naumid ang dila ni Lianne matapos siyang pwersahang paupuin ni Russel sa backseat sa tabi mismo ni Manang Iska. Pinalipat nito ang driver sa kabilang upuan at ito na mismo ang nagmaneho ng sasakyan. Naroon ang takot at pag-aalala sa mukha ng bilyonaryong negosyante habang nagmamaneho. "Tawagan mo si Rick," utos nito sa driver nang hindi inaalis ang paningin sa kalsada. Maigi na lang at walang traffic sa dinadaanan nila. "Tell him I can't go and meet that client." "Yes, Sir," tugon ng driver na tila takot na takot. Agad nitong kinuha ang cellphone na naroon sa dash board. "Aray...!" mahinang saad ni Manang Iska habang hawak ang kaliwang balakang. "Ang sakit..." Alalang-alala si Lianne sa katulong. Hindi niya akalain na magiging ganito ang kahihinatnan ng pagsama niya rito. May mg

