Kasabay ng kakaibang kaba na naramdaman niya sa kaniyang dibdib ay bumuhos ang masaganang luha sa mga mata niya pababa sa kaniyang pisngi. Hindi niya maintindihan kung bakit tila bumalik na namam si Gerard sa pagiging malamig nito sa kaniya. Kahit ang mensaheng ipinadala nito sa kaniya ay tila wala man lang kalakip ng pagiging sweet nito bilang asawa. Wala man lang endearment na labis na ikinasasama ng kaniyang loob. Umakyat na siya sa kuwarto at nagkulong. Doon siya umiyak nang umiyak. Inaasahan niya na darating si Gerard ngayong gabi at kahit late na itong umuwi ah hihintayin niya pa rin. Pero ang masaklap ay hindi ito uuwi ngayong gabi at magbababad sa opisina para tapusin ang proposal para sa FGC. Bigla-bigla ay hindi niya maiwasang mainis. Tila wala na talaga siyang pakinabang para

